“ANGEL!” MABILIS KONG HINABLOT ANG kasamang si Reign mula sa kinatatayuan nito at siyang prinotektahan ko. Gusto ko mang pigilan si Angel pero siya na mismo ang lumapit kay Toti.
“Aamin ako pero ‘wag mo nang guluhin 'yung mga babae. . .” mahinang sabi ng lalaki. Sa pang-ilang beses na pagkakataon, alam ko ang ginagawa niya — pinoprotektahan na naman niya ako.
“What? Ano bang sinasabi mo d’yan! Please, Angel. Tara na, tumakbo na tayo.” Wala akong ibang magawa kundi ang umiyak. Wala akong ibang gustong gawin kundi tumakas — sa ilang beses na ring pagkakataon, pero ayokong maging kapalit noon ang pag-iwan ko sa kaibigan.
“Tumakbo na kayo, Aira. Ano ba!” Pilit niyang sabi kahit mabilis na siyang hinigit ni Toti na nakatiim na ang mga bagang.
Hindi pa magawang pumasok sa isip ko ang lahat. Paano nangyari ito? Paano nangyaring si Toti ang may kagagawan ng lahat? I was the one who’s with him! Papunta pa lang rito ako na ang kasama niya. Kung talagang may balak itong patayin kami, hindi ba dapat ako na ang nauna?
“Confess your sin, you idiot.” Ilang beses na kaming ngumawa, nagsisisigaw at nagmakaawang tumigil pero hindi.
“Kapatid mo si Terrence, ‘di ba?” Natahimik kami sa malamig na boses na nanggaling kay Angel. Nakayukom lang ang mga kamao nito at hindi mo man lang kakikitaan ng kaba. “I knew it. You’re here for revenge, right? Fine, I’ll confess my sin. Ako ang pumatay sa tatay mong tarantado.”
Hindi ko na nabilang ang pagsigaw at ang paghagulgol. Halos mabaliw ako at maubusan ng lakas nang si Angel na ang bumagsak sa sahig. Pagkalakas-lakas siyang sinuntok ng katakot-takot na ngayong si Toti.
”Aira. . . Aira, tara na!” Sa isang iglap, ang parang pamilyang pagkakaibigan ay naglahong parang bula. Ang pag-aasaran naming akala ko noon ay walang katapusan ay naabot na rin ang dulo. Nasa panganib kami. Kailangan kong mas lakasan ang loob ko. . . dahil ayokong mamatay.
“No! I won’t leave a friend behind!” Nabibigatan ay pilit kong sinubukang itayo ang bugbog-sarado na ngayong si Angel. Putok na ang mamula-mula nitong mga labi pati na ang pisngi. “Tumayo ka na r'yan, please! Parang awa mo na. . . we won’t leave you here.”
“Please. . . I will look after you. I’ll save you as well. Kaya please, tumayo ka na! Magiging okay rin ang lahat, ‘di ba? Just. . . fight, Angel, please. Hindi ka naming iiwan dito!”
Tinapunan ko nang matalim na titig ang lalaking itinuring ko ring kaibigan. Kaibigang hindi ko man lang pinag-isipan nang masama. Nangingiti pa ito na parang nang-aasar pa habang tinitingnan kami.
“Aira, listen. Umalis na kayo ni Reign. . . totoo ang lahat ng sinabi ko. I killed his dad. Ako ang kailangan niya rito kaya please… save yourself−−.”
“No! It’s not always about me.”
“Angel!”
Tuluyan akong kinaladkad ni Reign palabas at hindi na ako nakapalag lalo pa’t nagsimula nang kunin muli ni Toti si Angel.
Nang makalabas sa bahay na iyon ay naipikit ko na lang ang mga mata ko habang hinahayaang umagos ang mga luha dahil sa malakas na palahaw ni Angel dahil sa sakit.
Ilang sandali lang ay tuluyan nang naglaho ang mga panaghoy kaya parang winasak din ang kung ano sa loob ko. Wala man lang akong nagawa.
Tatlong kaibigan ko na ang tuluyang nawalan ng buhay pero wala man lang akong nagawa patungkol doon. Napakahina ko. Wala man lang akong ibang alam gawin kundi ang tumakbo.
“Aira, we really need to go.”
Napakaduwag ko. Palagi ko lang iniisip ang sarili ko kahit ang ibig sabihin noon ay ang pag-aabanduna sa mga taong walang ibang ginawa kundi ang isipin ako at ang kaligtasan ko.
Si mama, wala itong ibang ginusto kundi ang sagipin ako mula sa ama ko pero anong ginawa ko? Tuluyan ko lang itong iniwan. Hindi ko man lang naisip kung ano ang pupwedeng mangyari kung talagang umalis ako roon.
Si papa, I should’ve given him a chance. Alam kong wala namang pamilyang perpekto pero mayroong pamilyang nagtutulungan sa lahat.
Si Angel, makakaya ko sana siyang mailigtas pati na ang mga kaibigang naiwang walang buhay sa lugar na iyon kung naging matapang lang ako.
Kung may iba akong alam na paraan bukod sa pagtakbo ay makakatulong pa ako.
“Reign. . . save yourself. Iwan mo na ako rito, pagod na pagod na akong tumakbo.” Humahangos kong sabi bago tuluyang umupo sa naglalakihang mga batong nadaan.
“No, b***h. Let’s run together,” sabi lang nito saka hinila na naman ako patayo.
“Ano ba? Ganito ang gusto ko. Just leave!”
“You should stop being so stubborn!”
“No, you’re the stubborn one. Ang sabi ko, iwan mo na ako rito!”
Malinaw na malinaw ang pagkakasabi ko pero alam kong hindi magpapatalo si Reign. Malalakas ang pwersa niya noong sinubukan niya na naman akong hilahin para makaalis sa lugar na iyon.
“Iwan kita? Then what? Sayangin ang pagsasakripisyo ni Angel doon para makaalis tayo? Kung alam ko lang na magpapakagaga ka dyan, edi sana si Angel na lang ang itinakbo ko!” She actually has a point. Kaya kung kanina ay pinaghihinaan ako ng loob ay ngayon ay mas tumatag ang paniniwala ko.
He saved me – for the nth time, huli na para sayangin ko ang ginawa ng lalaki.
Kaya mabigat man sa loob ay wala akong ibang nagawa kundi tumuloy sa paglakad at paminsan-minsang pagtakbo. Madalas sumasagi sa isip kong naliligaw na kami pero hindi na iyon ang nasa isip naming ngayon ni Reign – ang mataray na babaeng halos mortal enemy ko pa. Hindi ko nga inasahang sa dulo pala ng lahat ng ito ay kaming dalawa pa ang magiging magkasama.
***
Inabot na kami ng gabi sa katakot-takot na gubat pero hindi man lang kami nakakita ng pag-asa. Hindi man lang namin natanaw ang daan palabas.
Now, it’s starting to get clear to me. Binulag ako ng kabaitan ni Toti. Naniwala ako sa lahat ng mabuting ipininakita nito sa amin kaya ang mahirap maintindihan ngayon kung bakit niya ginagawa ito?
Nang makasama ko si Toti sa gubat na ito nang tumakas ako sa amin ay agad niyang nakuha ang daan, na para bang ilang beses na siya naparito at planado na ang lahat.
Nasasagot na ang iilan sa mga katanungan ko pero hindi ko pa rin nakukuha kung bakit? Bakit gagawin iyon ni Toti. . . paanong nangyaring nagkita-kita kami sa iisang lugar?
“Ikaw ang dapat tumakas na Aira. Wala siyang kailangan sa’yo kaya paniguradong kakayanin mong makaligtas.” Sinamaan ko lang ng tingin ang babaeng kasama na para bang napakalaking kalokohan ng sinabi nito.
“Sira ka ba? Ikaw na nga nagsabi sakin na kailangan nating iligtas ang mga sarili natin tapos bigla kang aayaw dyan?”
“Can’t you just listen first?” Same old, Reign. Same old.
“Naaalala ko na siya. Totoo nga ang sinabi ni Angel kanina. Nu’ng una akala ko nagkamali lang akong pamilyar nga si Toti pero ngayon naalala ko na. Galing siya sa isang magulong pamilya. He’s mom, Althea and dad, Terron have both affairs. While Terrence and Taia are his siblings.”
Madali ko siyang pinatigil sa pagsasalita nang marinig ang isang pamilyar na pangalan. “Althea. . . iyan yung babaeng mahal ni Maxwell!”
“Kung gano’n, hindi nga ako nagkamali. Hindi tayo basta-bastang nagkapunta sa lugar na iyon ng nagkataon lang. Plinano ang lahat ng ito, Aira.”
Hindi ko alam kung magulo pa rin ba ang lahat sa akin o talagang ayoko lang ipasok sa utak ko ang lahat. Hindi lang kaya tanggapin ng sistema ko ang katotohanan.
“He’s up for revenge at iniisa-isa niya ang lahat ng pumatay sa pamilya niya. He killed Maxwell for his mom. He killed Joshua for his brother, and he killed Angel for his father.”
Napalunok na lang ako sa mga narinig. Hindi ko gustong tanggapin na posible ngang iyon ang dahilan ni Toti pero iyon na marahil ang totoo. Parang isinasaksak na nilang lahat sa akin ang eksplenasyon sa nangyayari pero nananatili pa rin itong parang buhol-buhol na sinulid sa isip ko.
“And he will kill me, too. . .”
Mabilis at padabog kong hinarap ang babae. Sisinghalan ko sana ito kaya lang napipilan ako nang makita ang rumaragasa nitong mga luha.
“Ano bang pinagsasabi mo?” bulalas ko sakanya nang matauhan.
“He will kill me for his sister. I. . . I killed Taia.”