Lima: Confess your sins

1205 Words
“MAXWELL. . . HE KILLED HIMSELF, DID’NT he? Sabay-sabay kaming napalingon kay Toti na walang kaekspresyon-ekspresyon ang mukha. Naiintindihan ko siya. Alam kong ilang araw pa lang kami nandito ay napalapit na rin siya kay Maxwell. Lahat naman kami nabigla sa nakita ngayong umaga. Hindi ko lang halos matanggap. Kausap ko lang siya kagabi at kitang-kita ko kung paano nito pinagsisisihan ang ginawa. “Bakit niya naman 'yun gagawin? Ang saya-saya niya pa kagabi! He’s laughing at us,'di ba? Mukha raw tayong mga tanga!” Bumaling ako sa lugar na kinauupuan ni Reign. Mula rito, kitang-kita ko ang pamumula ng ilong pati na ang paggalaw ng mga balikat. “Guilt. . . I guess he’s really guilty,” wala sa sarili kong sabi. Then, it must be guilt. Ang sabi niya sa akin, binabagabag siya ng asawa sa mga panaginip. Paano kung hindi na niya nakayanan kagabi? “Anong ibig mong sabihin, Aira?” Hinarap ko si Joshua na siyang nagtanong. Seryosong-seryoso ito, hindi mo kakikitaan ng pagiging makulit. Napalunok ako sa biglaang pagbisita ng kaba. Kailangan ko bang sabihin sa mga kasama? But I guess they deserve to know as well. Lahat naman kami nagluluksa ngayon dahil sa pagkawala ng nakatatandang lalaki. “Last night, he confessed his sin. Sinabi niya sakin lahat. . ." Deretso na ang tingin ko ngayon. Paulit-ulit na bumabalik sa akin ang napag-usapan namin ni Maxwell kagabi. “What do you mean, Aira?” Dali-dali akong nilapitan ni Angel. Inalo pero mas lalo lang lumakas ang paghagulgol ko. “‘Yung nakita natin kagabi, it was the remains of the love of his life—” “He killed someone?!” bulalas ni Toti, labis ding nagulat sa pagtatapat ko. “No. . . it was supposed to be a self-defense. Nalaman niyang may ibang pamilya ang babae at pineperahan lang siya nito. Then. . . the woman got mad and tried to stab him first pero nabaliktad ang nangyari. Until Maxwell get the woman killed. He buried her, dyan. . . sa likod at. . .siya iyong. . ." “Aira, calm down, please. You need to breathe.” Sinunod ko ang sinabi ni Angel pero napako ang tingin ko sa agad na pagyukom ng kamao ni Toti. Alam kong hindi lang nila naituring si Maxwell biglang isang kaibigan kundi isang nakababatang kapatid. “Angel, natatakot ako. Paano kung nagpakamatay talaga siya? Paano kung hindi niya na talaga kinaya? Hindi man lang natin siya natulungan!” Hindi tumigil si Angel sa paghagod ng likod ko, paminsan-minsan niya ring pinipisil-pisil ang kamay ko. Pilit niya rin akong pinapakalma kahit ramdam ko rin ang takot nito. “I told you, Ai. Matatapos din ‘to. Kailangan lang nating maging matatag. We need to win this, hindi tayo dapat panghinaan ng loob. We’ll call the police; we will ask for some help.” Para akong isang maliit na bata nang humagulgol ako sa dibdib ni Angel. Labis-labi ang nararamdaman kong pagsisisi pati na lungkot sa pagkawala nang biglaan ni Maxwell. “Aira, listen. Kailangan mong maging matatag. Kung magpapatalo ka sa kung anong tumatakbo sa isipan mo, walang mangyayari.” Napuno ulit nang katahimikan sa bahay na iyon pero rinig na rinig ko pa rin ang mahihinang hikbi ni Reign. Nasa gilid ito pero kitang-kita ko pa rin ang panginginig ng kamay. “No, we are not calling the police!” Marahas akong napadarag sa biglaang pagsigaw ni Reign. “f**k! Why?” “Inamin niya muna ang kasalanan niya bago siya nagpakamatay.” Sabay-sabay kami napabaling sa biglaang pagsasalita ni Joshua. “Paano kung nung umamin siya agad ay pwede pa natin siyang mailigtas? Dapat hindi natin siya pinabayaang mag-isa!” Totoo ang sinabi niya kaya nakaramdam ako ng pagkakonsensiya. Paano kung hindi ko agad piniling matulog kagabi? Paano kung kinausap ko pa siya? “What if this means that we really need to confess our sins–” Mabilis kong pinutol ang nagbabadyang sabihin ni Toti. “What?!” What does he mean by confessing our sins? Ano namang kinalaman noon sa pagpapakamatay ni Maxwell? “Tayo-tayo lang ang magkakasama rito, Aira. Hindi ba mas maganda kung makikilala natin ang isa't-isa para mas alam natin kung sino ang dapat pagkatiwalaan?” Wala pa ring ekspresyon ang mukha ni Toti pero ramdam ko kung gaano ito kaseryoso sa sinasabi. Kahit papaano ay sumang-ayon ako roon. Pilit kong inisip ang mga kasalanan ko lalo pa’t natahimik din ang aking mga kasama. Ano nga bang naging kasalanan ko? How is this connected with Maxwell’s death? Tumakas ako sa bahay at nagalit ako sa mga magulang, iyon marahil ang naging kasalanan ko. Napasinghap ako sa biglaang paghigpit ng hawak ni Angel sa mga kamay ko. Katulad ko, hindi pa rin iyon nilulubayan ng panlalamig. “Aira, do you trust me?” Napalunok muna ako bago ko tuluyang ngitian ang lalaki. “Nagawa mo na akong protektahan ng maraming beses. Of course, I do.” “I. . . I killed someone.” Mabilis kong hinanap ang nagsalita kaming napalingon sa biglang nagsalita. Walang sinayang na oras si Angel, agad niyang tinungo ang biglang nagsalitang si Joshua at kwinelyuhan. Akmang susuntok na ito nang magsalitang muli si Joshua. “It's not Maxwell.” Pati si Reign na kanina pa nagmumukmok sa gilid ay napatayo na rin. The sudden confession from Joshua is a bomb. May namatay kaming kasamahan pero may kasama akong pumatay rin ng isang tao? “For once, I really wanted to be better. Gusto ko nang recognition mula sa mga magulang ko. I'm a Dean's lister, kahit papaano I excel in my class pero hindi ko pa rin nakuha ang atensyon na gusto ko sa mga magulang. They want me to join the basketball team on the University. Gusto nilang manalo ako, gusto nilang maging MVP ako sa larong iyon. I. . . I was desperate that I need to do it. Kailangan kong puruhan si Terrence, 'yung star player ng kalaban naming team sa finals. My gangmates helped me. Naging madugo iyon. . . hindi nakapaglaro si Terrence kaya nagawa naming manalo, at ako ang naging MVP. My. . . my parents were very proud of me. . . but I regret everything I did–" “Joshua!” Nanlalaki ang mga mata naming tiningnan ang mga dugong lumabas sa bibig noong kanina lang nagsasalitang si Joshua. Dumagundong ang sigaw ko nang makita ko ang lalaking nasa likod ng kaibigang bumubulwak na ang dugo sa dibdib na siyang sinasak ni Toti. Kapagkuwan ay ito naman ang nagsalita. “Piniruhan niya si Kuya Terrence. Hindi siya nakapaglakad, hindi siya nakapaglaro sa basketball. . . alam mo ba kung ano ang epekto sakanya ng ginawa ninyo? He was devastated so he decided to kill himself! You killed him!” singhal pa ni Toti sa ngayong wala nang buhay na si Joshua. Hindi man namin magawang malapitan ang kaibigan dahil sa pagkabigla at takot ay sapat na ang makita naming naliligo na ito sa sariling dugo para makumpirma ang sinapit. He was dead on the spot! Walang ibang nagsalita sa aming tatlo: Angel, ako at si Reign. Panay lang kami sigaw at hagulgol. Hindi ko magawang makapagsalita. Mistulang napako ang tingin ko sa kaibigang nakabulagta na sa sahig. He killed Joshua in that short span of time… sa mismong harap pa namin. Hindi ko maintindihan, hindi ko alam ang gagawin. Nagtalsikan ang iilan nitong dugo sa mga damit namin kaya halos bumaliktad pa ang sikmura ko. Masakit sa loob na nasa harapan ko mismo ang kaibigang wala nang buhay. “Wala na bang ibang aamin?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD