bc

Sunridge Academy: The Vanished Princess

book_age12+
0
FOLLOW
1K
READ
scary
superpower
like
intro-logo
Blurb

She's Felicia Isabela Saldivar, maganda, matalino, multitalented, 3M's that you should remember kapag narinig o nabasa mo sa papel ang pangalan niya.

chap-preview
Free preview
Chapter 01
Chapter 01 Destructive Felicia’s Point of View "Why are you here, Octavia?" marahang tanong ng isang babae na ikinalingon ko. Nagsalubong ang dalawang kilay ko. Who is she referring to? Ako ba ang tinutukoy niya? Kumunot kalaunan ang noo ko at saka napailing. Octavia's not my name, impossible namang ako ang kinakausap niya. Tumalikod ako at naglakad paalis doon pero isang sandali ay natapilok ako dahil hindi ko napansin ang isang bato kaya napaupo ako. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at nag-expect na baka pagtawanan nila ako, at salamat naman dahil hindi. Dapat lang, imagine, ikaw na ang pinakamaganda, nagawa ka pa nilang pagtawanan? Dinaanan lang nila ako, at hindi nag-abalang tingnan. Pinagpag ko ang damit ko at tumayo, nakadress pa pala ako, sana hindi ako nasilipan. "Why are you doing this, ate? Wala naman akong kasalanan sa'yo!" Narinig kong muli 'yong babae, ayaw ko na sanang pansinin siya. Nilingon ko ito. Nanlaki ang mata ko. "I didn't want the throne—" "You didn't? Nagpapakasaya ka nga, Astrid! Ikinasal ka pa nga, eh!" Sigaw nang babaeng kaharap niya. Right, nag-aaway sila. There are armies surrounding them. They are carrying swords at nakasakay ang iba sa kabayo. They are wearing capes. "Nagka-anak ka pa nga. Kahit hindi mo sabihin, ginusto mo 'yang tronong 'yan, dahil gusto mo na, dati pa si prince Persues, kahit alam mong gusto ko siya." She gasped. "I... I... I don't!" Nagtago ako sa isang puno kung saan hindi nila ako makikita. "You're princess Janria, isn't?" Nagulat na lang ako nang kausapin ako nang isang babae. Napahawak ako sa dibdib. I glared at her. "I'm sorry kung nagulat kita. Anyways, when are you coming back?" Tanong niya sa akin pero nabaling ang atensyon ko nang marinig kong magsalita muli 'yong babae. "Why don't you admit it to your people, Astrid na inahas mo siya sa akin? Parehas naman kayo ng nanay mong ahas! If it weren't for your mother, sana Reyna ako ngayon, well Reyna naman na ako, pero I still want your throne!" Napataas ang isang kilay ko. "Do you want to know the truth? He doesn't know you, he never wanted you, I didn't know you liked him neither." She gritted her teeth. "Hindi ko kasalanan na anak ka lang ni Papa sa ibang babae, my mother is not a homewrecker, Octavia!" mariing dugsong niya. Nabakasan ang pagkasisi sa kaniya nang makita niyang natahimik ang babae. Napalunok ito. "I hate you, Astrid, hindi tayo naglalaro dito, simula ngayon, tandaan mong wala ka ng kapatid na katulad ko!" "Stop this s**t, Octavia!" "Isa ka pa Papa! Palibhasa, siya talaga ang paborito mo!" Nanlilisik ang mata nitong binatuhan ng nag-aapoy na dagger ang Reyna which she immediately avoided. Napatili ito at kaagad na nagtago. "Kahit kayo, Kalista, ayaw niyo akong kampihan dahil pinapaboran niyo siya! Is it because I'm just a stepsister to you?" "I'm sorry, ate! This isn't right!" Sigaw nang Kalista, at naglabas ng needles made of water. Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdam ko ang pagkirot noon, pakiramdam ko, connected ako sa kanila, pakiramdam ko, I have a responsibility to fulfil. "Sugurin niyo sila! Pasabugin ang palasyo kung kailangan, I have to kill the princess Asmodeus is talking about! Written in prophecy, should destroy darkness, his d**k!" "Felicia, gising na, 'nak!" Narinig kong sigaw ni Nani outside of my room. Palibhasa kasi ay may pasok na naman. Nakakainis, parang dumaan lang ang weekend. Ayaw yatang pagpahingain ang katulad kong maganda na nga matalino pa, eh. Inaantok akong tumayo mula sa pagkakahiga. Napakamot ako sa ulo ko at napatingin sa malaking salamin sa kuwarto ko. Anyways, slayable 'yong panaginip ko, kahit hindi ko na matandaan kaagad. 1M out of 10 ang rate niya para sa akin. I think, kailangan ng GMA ng ganoong actresses para naman pumutok sila. Joke lang, siyempre. Puwede na rin silang mag-audition sa The Voice. Nandiyan lang naman siguro sila sa paligid. Napakusot-kusot ako nang mata at dumeretso sa CR para maligo. Kung hindi pa ay baka malalate na naman ako. Napaisip lang ako, ah, siguro dati, isa akong Diyosa. Eh kasi kapag nagigising ako sa umaga, kahit pangit ang panaginip ko, napakaganda ko pa rin. Admit it or not, maganda talaga ako. Imagine, naglalakad ka lang naman and people had the audacity to call you pangit because of their insecurities? People are the worst! And then may kadugtong pa 'yan na maganda lang naman 'yan kasi maputi siya. Ugh, shet, mapapaungol ka sa sarap. What an attitude of a girl! Nagtoothbrush muna ako bago ako naligo. Kahit ang mapuputi at magkakapantay na ngipin ko ay hindi nila pinalalampas, eh. Palibhasa kasi ay kuto lang sila ng aso ko! I know I haven't introduced myself to you but why would I? I'm quite famous here, you should know me already, but sure. I'm Felicia Isabela Saldivar, maganda, matalino, multitalented. 3M's that you should remember kapag narinig mo ang pangalan ko. "Who will you choose when you and your daughter is in a situation where in kailangan mong i-give up ang anak mo o ikaw na lang ang mawawala." Tanong ng teacher namin sa Philosophy. "Ako, ah, tinanong ko ang asawa ko nito kagabi while I'm doing my PowerPoint presentation, sabi niya, 'yong anak na lang namin." "'Cher!" Samantha raised her right hand. "I will my choose my daughter more than myself, because I have experienced living in the world, I have seen the world for almost 17 years, kaya siya naman." "Yes, excellent answer." This is Philosophy, what should I expect? Nakaka-antok, nakakalito pa, pero nakaka-tuwa naman siya kasi natututo naman ako. "What about you Felicia? I want to hear your answer, you should have an answer." Ganito pala talaga kapag matalino ka, kailangan dapat may sagot ka sa lahat, but siyempre, may sagot ako for that. "I also have an answer for that, 'cher." Tumayo ako. "Nagustuhan ko 'yong sagot mo," tiningnan ko si Samantha na nakataas ang kilay sa akin. "I want to tell you na walang kapares ang pagmamahal ng isang ina, alam po nating lahat 'yan." "Continue," I nodded. "We are willing to sacrifice kahit pa ang buhay pa natin para lang sa mga anak natin. Sino bang ina ang hindi magsasakripisyo para sa anak nila 'di ba—" "Nanay ko." Sagot ng isang kaklase ko at tumawa. Si Declan. Inirapan ko lang siya. "You shut up, I don't care about you. Kahit po walang-wala na sila, ibinibigay pa rin po nila ang kung anong dapat para sa atin, kaya ako bilang isang ina, I will choose my daughter to be saved." "Kahit sabihin na natin na puwede pa namang gumawa ng bago kasi for sure, hindi rin naman magtatagal ang anak ko sa mundo, kasi sinong mag-aalaga kahit may tatay 'di ba, pero iba pa rin kapag may ina." "Gusto ko kahit paano, maranasan niya ang buhay dito sa mundo," I shrugged. "What an excellent answer, Felicia." "'Nak 'nang! Parehas lang naman tayo ng sagot, ah, pinahaba mo lang!" Sabi niya sa akin at saka ako inirapan. "Inexpand niya lang naman 'yong sagot ko, 'cher," "Okay lang 'yan, Samantha, ang importante... ay mahalaga," I smirked, teasing her. Pagkatapos ng klase namin ay kaagad akong dumeretso sa storage room. Dumadaan muna kasi ako doon bago ako pumunta sa cafeteria. Para saan? Para magretouch, bakit, hindi ba puwede? Sampalin kita, eh. Pero instead na nagretouch ako, nagtanggal ako ng hindi ko alam kung—ano ba ito? Talambuhay yata nila. Kung hindi niyo pa alam, appreciation for my perfection. "Hindi ka ba nagsasawang tumanggap ng ganiyan kadaming—I don't know—araw-araw? Ako naman, Felicia, grabe ka na!" Natatawang sabi sa akin ng isang studyante at inilagay ang mga libro niya sa cabinet niya. Inirapan ko na lang ito at pabagsak na isinarado ang cabinet ko. "Nagsasawa na ako kung alam mo lang. Nakakainis nga, eh, dapat magreretouch ako!" Sabi ko bago ako tuluyang makalabas. "Si Felicia na naman," sounded like nagsasawa na siya sa akin, eh. Bakit, ako ba? Hindi ba ako nagsasawa sa kaniya? Isubsob ko siya, eh! "'Apakaganda niya," Ugh, people are stupid. Napabusangot na naman ako. "Si Felicia," sigaw ng lalaki sa cafeteria na ikinatingin sa akin ng ilan. OA talaga, eh. Hindi ko lang sila pinansin at saka pumili na. "Kumusta ka, Felicia, sweetheart? Para kang flower sa garden ni Nanay, alam mo ba 'yon?" malamang, hindi! Hindi nga kami magkakilala, eh. I rolled my eyes at hindi siya pinansin. "Dalawang shanghai nga po, at saka isang coke, at saka isang siomai rice, at saka isang titserya. Thank you po." "95 lahat, ija." Tumango ako at ibinigay ang 100. "Sa inyo na ho 'yong barya, thank you po. Treat yourself." Napatawa ang tindera sa akin, ganoon rin ako. "Oh, the witch is here," narinig kong sabi ni Kasandra, siyempre, I have memorized her voiced. 'Yan ba naman ang naririnig ko sa araw-araw, sinong hindi maririndi? At saka napakatinis niya kaya magtigil siya sa kamalditahan niya! "Si Felicia pala 'to, eh," sabi ng isang alipores niya na tiningnan ko lang mula ulo hanggang paa para malaman niya na isa lang siyang pangit, at kabasu-basura! "The universe is not giving anymore, Kasandra, dapat ka na talagang ilibing sa lupa. Don't you have pity for yourself? You must be tired." Nakangiting sabi ko at saka siya nginisuhan. "Ugh, parang kabayong nagsasalita, napakabaho ng paghinga," nandidiring sabi ng kasama niya. "Nagtoothbrush ako, tanga. Hindi katulad mo, may tinga ka pa sa ngipin. Hindi na nga magkakapantay, hindi pa mapuputi. You're ew," "Urgh, I hate you!" "What? Wala akong naririnig! You want to kiss the floor, oh my God, with that seductiveness, please, darling, 'wag! Nagmamakaawa ako sa'yo." Sabi ko at saka tumawa ng nakaka-asar. "And by the way, I love you more." Tinalikuran ko na siya. Narinig ko pang nagsalita ang isang kasama nila pero hindi ko na lamang pinansin. Doon ako sa garden kumain kasi presko, doon ako palaging kumakain especially kapag pagod na akong maging maganda. At ayoko sa maingay, at isa pa, wala rin naman akong kasabay, may kaibigan naman ako pero I chose to be alone. Nagsimula akong kumain habang nagsosoundtrip sa ilalim ng puno ng mangga, sayang at wala pa siyang anak, magkakabunga lang 'yan, tingnan niyo kapag end of the school year na. "Napakaganda niya, para siyang sampaguita," napakunot ang noo ko at napalingon sa paligid, hindi naman ganoon kalakas ang pinapatugtog ko para hindi 'yon marinig. I just shrugged and continued eating, eksakto pa dahil vacant namin itong sumusunod na subject. Wala kasi si Sir J, puwede pa akong matulog dito. Wala namang mangyayari sa akin dito. I sighed. Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Nilinis ko muna ang puwesto ko bago ako umalis. Kahit ganito ako kahangin, oo na, inaamin ko na, may respeto pa rin naman ako sa kapaligiran. Kung hindi dahil sa kanila, wala tayo dito, wala rin tayong shelter. "Ouch," napadaing ako ng makabangga ako ng isang babae. Napaupo ako sa damuhan. I raised my head and glared at her. Nakaitim itong dress hanggang paa. "I'm sorry," malamig na sabi niya. Napataas ang isang kilay ko. Yumuko ako at nanghingi rin ng paumanhin. "Pasensya na," pagtaas ko ng ulo ko ay wala na siya doon sa kinatatayuan niya na siyang ikinagulat ko. "Ah? Where did she go?" I shrugged. Napakunot ang noo ko at mabilis na hinanap siya. Nawala na lang siya nang hindi ko nararamdaman, paano naman 'yon? Napailing na lang ako. "It must be the siomai rice." Sinisi pa sa siomai rise, eh. ×××××××××××××××××××××××××××××××××××

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wife For A Year

read
70.6K
bc

YAYA SEÑORITA

read
12.3K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
45.8K
bc

SECRET AGREEMENT WITH MY HOT BOSS (SSPG)

read
4.8K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.5K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
117.0K
bc

Royal Blood: Hot and Wild (SPG)

read
111.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook