Chapter 02

1834 Words
Chapter 02 Shadow Felicia's Point of View Nakatayo ako sa veranda ng kuwarto ko. Pinapanood ko lang ang mga batang naglalaro sa kalsada. Weekend na naman kasi eh kaya pakalat-kalat sila. I sighed, nakalapag na 'yong Shopee ko, wala pa akong pambayad, napakatagal ba naman maglunes. Napabusangot na lang at napasandal sa dinding ng veranda. "Felicia, pumasok ka na sa kuwarto mo!" Narinig kong sigaw ni Nani na nagdidilig sa garden niya kaya nakikita niya ako rito. Tumango na lang ako para hindi na kami mag-away na dalawa, kapag isinumbong ako niyan sa Daddy ko, hindi naman ako mananalo at saka isa pa, baka sabihin niyang hindi ko na siya sinusunod. Dinampot ko ang cellphone ko sa lamesa at pumasok na ng kuwarto. Nagahagip ng mata ko ang isang lalaki sa hindi kalayuan nang akma sanang isasara ko na ang pinto sa veranda. Napakunot ang noo ko, nakasandal ito sa poste at parang may tinitingnan. Sandali nga, ako ba? Napalunok ako. Wala na ba siyang ibang damit? Paano ba naman kasi, naka-all black ito, hindi ba mainit? Kung gusto niya, ipahiram ko sa kaniya 'yong ibang damit ni Daddy. Wala pa naman siya, kaya hindi niya malalaman. Napangiwi ako. Bakit ko ba siya pinakikialaman eh gusto niya 'yan? I just shrugged. Pinagmasdan ko muna ito ng ilang saglit, eh kung may kailangan pala para matulungan 'di ba? Napansin kong nanliit ang mata nito. Ako ba talaga ang tinitingnan niya? I mean, considering na maganda ako? Napanguso ako. Tumalikod na ito at naglakad palayo na parang walang nangyari. Sinarado ko na nga ang veranda at nilock ang pinto ng kuwarto ko. Umupo ako sa study table ko para magawa ko na ang assignment ko. Nagtayuan ang balahibo ko. “Don't yield to the temptation of darkness, regardless of the circumstances. Shadows are not just curiosities you have to solve, if not a slave of darkness, ready to devour you whole. Within the darkness of their eyes was fear, for they know you are strong. Yet, remember, deception dominates their personalities.” Nagtatakha akong napalingon, dahil imposible namang magkamali ako, may nagsalita sa likod ko! It was a voice of a woman, at napaka-kalmado noon, walang katulad! Wala naman akong nakita kaya pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa. Pagkatapos ay tumayo ako at pumasok ng CR para maligo sana at makatulog na ako. Hindi naman ako nagdidinner dahil diet ako, depende naman sa akin kung magutom ako. Napatitig muna ako sa salamin. Napansin ko ang pag-iiba ng kulay ng mata ko na ikinatawa ko. Kulay asul na 'yon, napailing ako. "Ugh, I hate this life!" Sigaw ko. I shook my head. Kung gustong makipaglaro sa akin ng utak ko, puwede bang next time na lang? Wala naman akong ginagawa dito sa bahay pero parang pagod na pagod ako. I don't know, dahil siguro hindi ako kumain, maghapon. Napapikit ako at napahilamos sa peslak ko. Inopen ko ang gripo at nagsimulang maghubad. Napakunot ang noo ko nang maramdam kong parang may pumasok sa CR. Excuse me? Nagsuot muli ako ng damit para tingnan kung sino 'yon. Walang susi si Nani sa kuwarto ko, at saka magsasabi naman siya. Napasigaw ako nang malakas nang makaramdam ako ng parang masakit sa dibdib. Napatingin ako doon, nasusunog siya. "s**t, it wasn't me!" Narinig kong sigaw kaya natakot ako. Tumakbo ako palapit sa pinto but it won't open! Sinipa ko ang pinto. And I freezed. Nararamdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko, para silang nagkakarerahan. Natatakot na ako kaya wala akong nagawa kung hindi pumikit. Hindi ko alam kung anong nangyayari, hindi ako makagalaw! I opened my eyes nang maramdam kong parang may gumagapang sa paa ko, nakita ko ang kuryente na parang ahas, nanlaki ang mata ko na dahilan para magpumiglas ako, I want to scream but I can't, I want to move but I won't move! Hindi naman ako nasasaktan sa kuryente, nakikiliti ako but because I'm freezing, para akong mawawalan ng enerhiya anytime I give up. "You will be mine, Felicia," nakita ko ang paglabas ng isang lalaki. Siya 'yong lalaki kanina na nakatayo sa poste. Nilapitan ako nito, at sinimulan akong amuyin. "T-Tama na, please." Hindi ako magmamakaawa kung hindi ako nahihirapan! I will kill this guy! "I hate you!" Nanghihinang sigaw ko sa kaniya, nakita ko itong napatawa. Pakiramdam ko, namumulta na ako because of the cold I'm feeling. I poured everything I can before everything went black. Natumba ako sahig kasabay ng pagkakatumba niya. Napapikit ako, pero bago 'yon ay nakita ko ang isang babaeng nakatingin sa akin at nag-aalala. Right... I feel like I know her. Si Daddy at Mommy kaagad ang nakita ko nang magising ako. Napaiyak kaagad ako nang makita silang dalawa. Niyakap ako ni Mama, nagtatakha. Naramdaman kong niyakap niya ako pabalik. "I don't know what to do without you..." Umiiyak na sabi ko. "What's wrong? You had a nightmare. Ito namang batang 'to na. Okay lang 'yon. You never changed," Remembering everything na nangyari kanina. I don't know. I feel nothing right now, parang wala lang siya. Pinunasan ni Mama ang pisngi ko dahil sa umaagos na tubig mula sa mata ko. "Okay lang 'yon. Panaginip lang po 'yon, hindi naman 'yon totoo." I nodded. "I love you," "Okay lang 'yon. You're okay, you're safe." Paniniguro ni Daddy sa akin. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. "Now, I have to tell you something, Felicia. Kapag okay ka na. You prepare na, and we will prepare your breakfast." Tumango na lang ako as an answer. Pumasok ako sa CR with fear na baka may mangyari ulit na hindi maganda. Ilang beses kong kinumbinsi ang sarili kong panaginip lang 'yon at hindi 'yon nangyari. Napatigil ako sa paghuhubad ng maramdaman kong may magaspang sa parteng dibdib ko. What is this? Napakunot ang noo ko. I shook my head. Hindi naman ako nagpatattoo, ah. Ginto siya, para siyang palatandaan na parte ka ng isang pamilya na may matataas na rangko sa mundo. Korona ang design niya, napakaganda, pero mawawala na rin 'yan kapag nakaligo na ako, ako na naman siguro ang napiling paglaruan ng anak ni Nani, hindi ko lang namalayan. Napabusangot na naman ako! Noong nakalabas ako ng kuwarto ko ay aksidente kong narinig ang pag-uusap ng kaibigan ko at ni Mama sa sala. Siya pala ang visitor na sinasabi nila kanina. Naka-krus ang dalawang braso niya habang nagkakape naman si Mama, nakikinig sa sinasabi ni Nadine. Kaibigan ko na si Nadine noon pa lang, kasama ko siyang maglaro dati sa park kapag bumibisita sila sa bahay namin. Hindi ko masiyadong maintindihan ang pinag-uusapan nila, hindi ko rin mabasa ang labi ni Nadine dahil masiyado itong mabilis kung magsalita. Napakunot ang noo ko nang makalapit ako ng kaunti, nakatago sa kanila. "Tita, I don't want to pressure you, ah, pero kailangan na niyang malaman kung sino talaga siya. She was not yours." She was not yours. Is she referring to me?! "I love my daughter, ija. Ayaw kong mawala siya sa akin, kahit hindi naman siya sa akin nanggaling. I know I'm selfish, but this will save her..." Napalunok ako sa narinig. Kahit hindi naman siya sa akin nanggaling. "Tita naman, you're ruining what's written in the prophecy. Dapat alam na niyang kontrolin ang kapangyarihan niya by now. Itigil mo ang pagiging delusional mo, Tita, itinakas mo lang din naman siya—" Ngumiwi ako at napagawi sa kanila. "What are you talking about?" Tanong ko. "And oh, pleasure seeing you here." "Felicia," "Isabela," "I'm sorry, nacoconfuse lang po ako sa naririnig ko. I don't understand... I don't want be an innocent tiger here, pe-pero can you explain to me para naman malinawan ako?" Nagtatakhang sabi ko. "She was not yours? Kahit hindi naman siya sa akin nanggaling? 'My, what does it mean—" naputol ang pagsasalita ko nang galit na tumayo si Mama. "Pumasok ka sa kuwarto mo, ngayon na! I never taught you to sneak into someone's conversation, ah." Sigaw ni Mama sa akin. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko, parang mayroon talaga silang tinatago na hindi ko alam. "You're grounded, matuto ka ngang 'wag sumawsaw sa pag-uusap ng ibang tao," napairap ako. "Seventeen ka na, pero napakatigas pa rin ng ulo mo! You're almost eighteen, Felicia Isabela!" "I'm sorry po," tumalikod ako sa kanila. "Felicia, a-anak, I'm... I'm sorry." Nagulat ako sa sinabi niya. Pumasok ako sa kuwarto ko, nagmukmok maghapon at hindi lumabas. Ilang beses akong kinatok ni Mama at Papa pero hindi ako sumagot. Nagtatampo ako, oo na! I'm sensitive at everything, at kung gusto kong umiyak, I will! I went outside para magpahangin pagkatapos ng ilang oras kong pagmumukmok sa kuwarto ko. Eh, ano naman ngayon kung grounded ako? Ikaw ba naman, malaman mong hindi ka sa Mommy mo nanggaling—eh ikaw lang naman ang anak niya, sinong hindi malulungkot? Hindi siya actually parang wala lang sa akin, hindi ko lang talaga alam kung paano ko ipapaliwanag 'yong nararamdaman ko, kasi napakagulo. Ewan, baka iba pala 'yong tinutukoy nila, pero doon pa lang sa kung paano umakto si Mama kanina in front of my friend, parang alam kong ako na 'yon, eh! And what stabbed me is that parang napakaraming alam ni Nadine na hindi ko alam, hindi ba ako mapagkakatiwalaan? Napansin ko ang magbabarkada sa kabilang side ng kalsada. Nakatingin silang lahat sa akin at para bang sinusuri nila ako. Ito na naman po sila, judgemental na hindi naman judges. Napabusangot na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad, para akong siraulo dito, eh. Wala ba naman kasi akong kasama, baka isipin nila na nag-iisa ako, videohan pa ako pagkatapos ay ipopost. Nakakahiya 'yon, makikita pa ng schoolmates ko, ano na lang ang mukhang ipapakita ko kung ganoon? "Ouch," 'tanginang 'yan, walang araw na hindi ako nakabangga, ah. Siyempre, dahil napakaganda kong nilalang sa universe na 'to, ako na ang magsosorry. "Pasensya na po kayo, sana ay mapatawad niyo pa po ako sa kasalanang kayo naman po ang may kagagawan," narinig kong tumawa ang babae sa akin at saka rin siya nagsorry. "Pasensya ka na," natatawang sabi niya. "Nagmamadali kasi ako, eh, kasi 'yong kapatid ko, wala pang sumusundo sa kaniya sa School," eh, sabado ngayon? Siguro, nakikipagtanan 'to? O, kaya magnanakaw! Should I call the police? "Eh, sabado ngayon, ah? Saturday class ba siya?" Nakita ko siyang napalunok at saka tumango. "Oo, eh... Ah, you're gorgeous," napatawa ako. Napakarandom naman niya, nakakahalata na ako, ah. Pustahan tayo, nababading na 'to sa akin. "Ah, sige..." nagpaalam lang ito sa akin saka naglakad palayo na siyang sinundan ko pa ng tingin. Nanlamig kaagad ang katawan ko nang makita ang lalaki kahapon, ngumisi ito, at naglakad palayo pero bago pa siya makalayo ay nag-iwan pa siya ng isang sulyap na ikinatayo ng balahibo ko. Sino ba talaga siya?! ×××××××××××××××××××××××××××××××××××
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD