Chapter 13

1731 Words
Chapter 13 Casual Felicia's Point of View "Parang may kamukha ka, princess Aurora," narinig kong sabi ni Adelaide na ikinangiwi ko naman. Nandirito kami sa kuta ng mandirigmang nakakita sa 'min noong nakaraan, sila pala ang tagapag-alaga ng Diyos na si Knight, the God of Fire, and the Sun. Ilang araw na rin kaming nandirito at alam kong nag-aalala na sila dahil ilang araw na akong nawawala. Iniisip siguro nila na umalis ako ng hindi nagpapaalam, at sigurado ako, pagbalik ko ay sermon ang makukuha ko sa kanila! I sighed. "Guess who? Queen of Nirvana—Iridessa?" Napahalakhak sila sa sinabi ko na ikinailing ko naman. "Para kayong tanga, wala na ba kayong mapagtripan?" "Ganiyan ka lang, eh. Hindi ka nagsasabi, ah, sorcerer ka rin pala—" "Kailan ko nga lang nalaman, eh, 'wag nga kayo!" pagputol ko sa babaeng kirida, sino pa ba, si Samantha. Si gaga, nilandi 'yong guwapong guard nila dito, eh malandi rin, pinatulan! "Ikaw rin naman, parang may kamukha ka rin, eh!" Napataas ang kilay ko kay Aurora. Sino naman? Wala akong kamukha, ako lang ang maganda! "Si Queen Astrid ng Arcadia, magkamukhang-magkamukha kayo. I promise, hindi ako nagsisinungaling. Napakabait niya, inaadmire ko siya!" Namamanghang sabi niya na ikinatigil ko naman. Okay, dalawa kaming maganda. Kaming dalawa lang. "Alam mo ba, magkaibigan sila ng Mommy ko or should I say the princess of Nirvana—Iridessa. Napakaganda niya, alam mo kapag tinititigan ko siya, napapasabi na lang ako na sana anak niya rin ako." Napataas ang isang kilay ko. Napadako ang atensyon ko sa isang lalaki na dahilan kung bakit hindi kami maka-alis dito. Simula noong nakaraan ay ganiyan na 'yan, hindi nagsasalita, palaging nakatulala, at parang napakalalim ng iniisip niya, parang dagat. Siyempre, dahil kasama namin siya, hindi namin siya puwedeng iwanan na lang dito. Sayang, guwapo pa naman siya! "Ano, mabubuhay pa ba 'yan ng matagal?" Tanong ni Ashiana na kanina pa tahimik sa gedli, nakikitawa naman siya, nagbabasa lang kasi. "Kaibigan mo ba siya, Gabriel?" Tanong ni Raquelle na ikinatingin ko sa lalaki, nakatingin ito sa akin. Umiling lang naman ito. Bakit niya ba ako tinitingnan? Oo, alam kong maganda ako, pero hindi naman niya kailangang ipahalata 'yon! Sabihin ko na, ah, hindi ko siya type! "Anak ka ba ni Queen Astrid?" Nanlaki ang mata ko nang sabihin niya 'yon, napatingin silang lahat sa akin dahil doon. "Alam kong makapangyarihan ka, nararamdaman kita," nagsalubong ang dalawang kilay ko. "Hindi, ah," ngumisi ako. "You don't have to lie. Tayo-tayo lang naman ang nandito," sabi niya at umirap sa akin. Suplado rin ang isang 'to, eh! Tuldok at nang mapiga ko ang isang 'to! Napatikhim si Raquelle at tiningnan ako pagkatapos ay tiningnan niya si Gabriel, pakiramdam ko there is something with them. "Oh, my God, totoo ba 'yon?" Tanong nila Samantha sa akin. Napakagat ako ng labi. "Yes." Simpleng sagot ko. Kailangan bang magspeech ako dito? Sige, kung ganiyan ang gusto ninyo. "Actually, nalaman ko lang na ako ang prinsesa because of your cousin," tiningnan ko si Aurora. "Si Kalister." Napatili ito at saka ako yinugyog. "Seryoso?! Si Kalister talaga? Suplado ang isang 'yon—and you as the princess? Tatlo na ang prinsesa dito, paano ba 'yan? Apat pala tayo, prinsepe si Gabriel, eh!" Si Raquelle ang isa pa. Hindi naman niya sinabi kung saang kaharian siya nabibiling, nagpakita lang siya ng evidence na prinsesa siya, okay na. Tumahimik na ang gaga. "Prinsesa, sabi mo, apat?" Napa-facepalm na lang ako. Napa-ops naman ito, naalala ko na naman si Sunniva at Anastasia. Buwiset ang dalawang 'yon, ops nang ops. "Anyways, kuwentuhan mo naman ako about him. Alam mo ba, tuwing nandoon kami sa palasyo, wala lang siya sa 'min, para lang kaming hangin sa kaniya! 'Di ba, ang suplado niya?! Kaya hindi ako sila maintindihan at gustong-gusto nila siya!" "Guwapo kasi," sabi ko at tumayo. "Excuse me?!" Napatingin ako sa kaniya at napakamot sa ulo. "You found him guwapo? Tumigil ka, baka saktan ka lang noon!" Napailing naman ako. Do I have a plan to be in a relationship with him? Guwapo siya, oo alam ko, pero parang wala naman sa isip ko 'yon. "Kung makikilala mo lang ang isang kapatid niya—" "Si Vaughn?" "No—t-teka nga, you know him?" I nodded. "Si Aster kasi, baka magbago ang isip mo about him!" "Sino, 'yong stepson ng Daddy nila?" "No, tanga—teka nga ulit, you know him?! How did you know him?" Nagkibit-balikat na lang ako. Siguro, palagi itong nalilista sa noisy, napakaingay eh. Sino nga ba si Aster? Tanungin ko nga si Kalister about him. "Paanong naging ikaw si princess Janria, Felicia? I know it is already given na magkamukha kayo ni Queen Astrid, and you're strong, pero paanong naging ikaw si princess Janria?" Tanong sa akin ni Samantha na ikinatingin ko sa kaniya. Napaisip, nagtakha naman ako. Paano nga ba? I don't know? Napangiwi ako sa tanong niya. Ano bang gusto niyang iparating? "Kagagaling ko sa akademya noong nakaraan kasi nag-enroll ako bago tayo mapunta sa kalagayan na 'yon. Why is there another Janria there then?" Nakakunot noong sabi nito. Napakunot noo na rin ako. "Kiara is her name raw, hindi ko pa siya nakikita, pero according to the students there, masungit raw siya pero maganda." "I... don't know?" Nandito kami ngayon sa garden ng bahay nila Adelaide, nagdesisyon kaming umalis na doon dahil masiyado na kaming nakaka-abala sa mga tao doon. Nahihiya na rin kami dahil pinagsisilbihan nila kami dahil may dalawang prinsesa at isang prinsepe kaming kasama. Alam ba nilang prinsesa ako? Hindi. Hindi naman ganoon kalayuan ang pinaka-main city ng Arcadia sa kuta nila kaya inihatid na nila kami. Napakalayo naman nito sa Aurora, dito na matatagpuan ang pinakamalaking akademya kung saan nag-aaral sila Kuya, 'yon ay ang tinatawag nilang Sunridge Academy. Ipinatayo ito, matagal-tagal na. Diyos at Diyosa pa ang namumuno rito. "What are you thinking?" Napalingon ako sa babaeng nagsalita, si Raquelle, tumabi ito sa akin at inabutan ako ng kape. Inilingan ko naman ito, nagiging magugulatin na ako. Napakalala na rin ng anxiety ko. In fairness, may kape rin pala dito. Kung sabagay, nag-aangkat rin kasi sila sa kung saan ako nanggaling. Ewan ko na lang kung may asukal rin dito. "Anak ka ni Tita Kalista 'no?" Napatawa ito at saka ako inisnaban. "'Tangina, ngayon mo lang napansin?! I thought you just don't know me that's why," "Gaga, nakita ko portrait mo sa palasyo noong nandoon ako at hindi pa kinikidnapped, akala ko noon, kamukha mo lang hanggang sa nagsink in na nga sa utak ko. Sabi ko, hindi pa naman ako sigurado, so why would I approach you?!" Tinabig niya ang braso ko at uminom ng kape niya. "Gusto mo na bang umuwi?" Tanong niya sa akin. Napatango naman ako. "Eh, paano ba naman kasi, baka nag-aalala na sila, sana nag-aalala sila, at baka hinahanap na rin nila ako. Paano kung isipin nila na umalis ako nang hindi nagpapaalam?!" Ngumiti ito sa akin at saka hinawakan ang balikat ko. "Nakita ko sila Isagani when I sneaked out last night, kasama niya sila Rashelle, hinahanap ka nga," natatawang sabi niya. Ano naman ang nakakatawa? "Hindi nila alam, magkasama tayo. Eh, nakita ako, sabi ko, baka raw nakita kita, ipinakita pa picture mo, sabi ko hindi." Napangiwi ako sa sinabi niya. "Gago ka, ah." "Puwede naman kitang ihatid na doon—pero parang gusto ko pang maglibot kasama ka, marami tayong puwedeng puntahan diyan." Sabi niya sa akin. "G ka ba?" I just tsked. "Puwede naman, pero nagwoworry rin ako." "Okay lang 'yan. It'll be okay. Kaya nila ang sarili nila, nandito ka lang naman. I'm sure, nararamdaman pa naman siguro na buhay ka pa," napangisi ako. "Si Queen Jaeya ang Reyna ng Eurisia, sa ulap ito nakapuwesto. She is the Queen of the Wind. Anak naman nito si princess Sunniva," napalingon ako sa puwesto nila Adelaide, casual silang nag-uusap at nakapalibot sa isang pabilog na table. "Si princess Sunniva at tagapagmana ng trono ng kaniyang Papa, alam ko, magaling ang babaeng 'yon!" "Girl, I'm on her knees right now, can't you see?" Si Zaraya, isa sa kaibigan ni Adelaide na inimbitahan niya rito para may kasama raw kami. "Alam niyo ba 'yang Sunniva na 'yan, tarantado rin ang isang 'yan. Feeling mahinhin, hindi naman!" Napangiwi ako sa narinig. Eh kung sampalin kita ng 7 inches na sandal?! Subukan niya lang. "Isa siya sa pinakamagandang prinsesa na nakilala ko," sabi ni Aurora. "Si prince Kalister naman ang tagapagmana ng trono ni Tito, the Kingdom of Flames! Everything in that Kingdom will be his', simula sa Iridessa, hanggang sa pinakahuling city ng Nirvana." Tumayo ako at sumilip sa alapaap, pinapakinggan ko lang silang mag-usap. Kahit umaga rito ay may makikita kang bituin. Bakit ganoon?! Tingnan mo sila. 'Yong isa, parang nilalandi ako, pakindat-kindat pa. Napatawa naman ako. Tatlo ang rainbow dito, at siyempre, tatlo rin ang buwan. What should I expect? "Pakiramdam ko, there is something between prince Isagani and princess Sabrina, napakatagal ko ng napapansin na parang mayroong namamagitan sa kanilang dalawa. I'll be honest, ah, I'm jealous of her, matagal ko na ring gusto si Isagani," narinig kong sabi ni Ashiana na ikinalingon ko sa kanila. "Kuya mo kasi, masiyadong pafall," Raquelle whispered that made me smile. Napansin ko namang tahimik si prince Gabriel sa gedli. Napatingin naman ako kay Raquelle. "Gusto mo ba si prince Gabriel?" Tanong ko sa kaniya na ikinagulat niya. "A-Ano, hindi ah! Kaibigan ko lang siya! And hindi niya ako magugustuhan!" Napa-facepalm naman ako. Gusto niya nga! "Alam mo kasi, ate ko, kapag kaibigan lang, kaibigan lang kasi. Alam mo ba, redflag talaga ang nagkakagusto sa kaibigan, sinasabi ko na sa inyo, naghahanap lang kayo ng sakit sa katawan. Kumakati itlog ko sa inyo, eh," napatawa naman ito at pinalo ang braso ko. "Paano mo siya nagustuhan?" "Ewan ko rin—" "Inamin mo ring gusto mo siya. Anong tanong ko sa'yo kanina? Gusto mo ba si prince Gabriel? Anong sinabi mo? Hindi ah, kaibigan ko lang siya, and hindi naman niya ako magugustuhan! Gaga, hindi mo na lang ako dineretso!" "Sabi ko nga. Guwapo kasi, gentleman—" Gentleman 'yan?! Eh? ×××××××××××××××××××××××××××××××××××
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD