Chapter 12
Worried
Sunniva's Point of View
'She is destined to overthrow the darkness sown by the daring creatures—I want you to protect her for whatever she will do as your God, because I know, you are close to her.'
Napangiwi ako nang marinig 'yon sa God of Wind. Gusto niyang protektahan ko ang babaeng 'yon, hindi naman kami close! At anong sinasabi niyang close kami?! We're not! Kulang na nga lang ay patayin niya ako para hindi na niya makita ang magandang pagmumukha ko!
I sighed, tumayo ako sa kinahihigaan ko at dumeretso sa malaking salamin sa kuwarto ko. Napanguso ako, noticing the necklace Felicia gave me noong nagpaalam kami sa kaniya.
Pagkatapos kong maligo at magpalit ay nagdesisyon na akong bumaba na para makapagbreakfast!
Nadatnan ko sila Isagani sa kusina na parang nag-aalala ang itsura. Napataas naman ang kaliwang kilay ko at dahan-dahan na umupo sa upuang katabi ni Kalister. Wala pa si Kiara, baka natutulog pa. O kaya naman ay naghahanda pa lang, pero sigurado ako, kapag nakababa na siya ay hindi na naman niya ako patatahimikin hanggang sa umalis ako dito!
Tsk.
"Okay lang kayo?" Kuryusong tanong ko sa dalawang magkapatid, napadako naman ang atensyon sa akin ni Travis, tumango lang ito, but I know they don't. Ano naman ang problema nila?
Si Kiara kaya?
Kapag problema talaga ang pinag-uusapan, si Kiara kaagad, eh! Totoo naman kasi! Kahapon, first day na first day niya, sumampal ng estudyante dahil nabangga siya. What an attitude! Kung nandito lang si Ate Ellisia na kapatid nila at saka si Selene na pinsan nila, ewan ko na lang!
"Pangit ng umaga ko, p're," napalingon ako sa nagsalita, si Theodore na nakabusangot. Hindi naman sila ganiyan dati, ah, anong problema nila?! Napakunot ang noo ko.
"Bakit, wala ka na bang candies? Ibinili kita kahapon noong namalengke kami—"
"Hindi 'yan, mayroon pa ako dito." Sagot niya kaagad sa akin kaya napakagat ako sa pang-ibabang labi ko.
"Oh, Kiara," napalingon kami sa kadarating lang.
"Umalis ka nga diyan, ako diyan," napalingon sa kaniya si Kalister at kumunot ang noo.
"Kanina pa siya diyan, bakit mo siya paalisin?" Walang expression na sagot niya.
"Eh, upuan ko 'yan." Pamimilit niya.
"'Wag kang umalis, Sunniva." Sabi niya nang hindi ako tinitignan, kaya napangisi ako.
Umupo ito sa bakanteng upuan na katabi ni Tristan, tiningnan naman ako ni Anastasia, disappointed. Noong nakaraan pa kami nakikipagkaibigan sa kaniya, pero sadyang masama talaga ang pag-uugali niya. Ewan ko ba kung kanino siya magmana! Parang ayoko na lang mabuhay kung ganito, eh! Nakakainis ba!
Akala ko pa naman noon, si Felicia ang prinsesa dahil sa enerhiyang nararamdaman ko sa kaniya. I'm the princess of the Wind, puwede nila akong tangayin patungo sa totoong prinsesa, pero kahit ilang beses nila akong ibalik sa kaniya, hindi na magbabago ang tadhana, si Kiara talaga ang nakatakda.
Kung puwede ko lamang dalhin ang babaeng 'yon dito ay matagal ko ng ginawa para kahit na paano naman ay mawala ang pagkairita ko sa babaeng 'to, pero hindi siya mabubuhay rito.
Napahawak ako sa ibinigay niyang kuwintas sa akin, it was a gift from her, sabi niya, nababagay raw ito sa akin dahil sa skin ko. Ayaw raw kasing tanggapin ni Ana dahil gusto niya raw ay pulseras, pakiramdam ko nga hindi ako special sa kaniya.
Napabusangot ako. Nakita ko ito sa pocket ng wallet ko, mabuti nga at hindi ko ito iniwan doon.
Sunniva ?️?
Sunniva Estella
Para sa'yo 'yan. Nanggaling sa akin, ayaw kasing tanggapin ni Ana kaya sa'yo ko na lang ibibigay, pero don't feel unspecial just because it was for her, ah! I know it is quite disappointing kasi dapat sa ibang tao 'yan, pero kasi I thought it would suit you well, kaya sa'yo na lang.
And I want it to be the symbolism of the friendship we made in just a period of time. Don't be worried, I know, magkikita ulit tayo sooner, I promise, hindi na dapat para sa iba ang ibibigay ko sa'yo. Eh kasi baka magtampo ka na, eh!
Well, Sunniva, I want to admit something to you, gusto ko lang sabihin sa'yo na napakaganda... ko.
Ikaw ang panalangin na makasama hanggang sa pagtanda! XD! Yo! ?
Felicia ??
Felicia Isabela
Napakulit rin talaga niya 'no? Ewan ko kung handwritten o printed 'to, napakaganda kasi nang pagkakasulat, may emojis pa na nakalagay. Actually, hindi ko siya tinapon.
Remembrance ko na 'yan sa kaniya. Why would I do that?
I sighed, rolling my eyes, because of the students na walang sawang sumisigaw. Alam ko naman na guwapo at magaganda itong mga kasama ko pero sana naman ay 'wag na nilang idamay si Kiara, dahil wala siyang bahid ng ganda. Katarayan lang ang mayroon siya. Umamin!
Lumalaki ang ulo, eh. Tsk.
"Oh my God, napakaguwapo talaga ni Vaughn!"
"Nakakahiya, hindi pa ako nakakapag-ayos! Si Travis, girl!"
"Oh, s**t, si Sabrina,"
"Sila na yata ni Isagani, p're, nakakaawa ka!"
"Crush ko 'yon p're, si princess Kirsten at saka si princess Rashelle, pero masungit!"
"'Tangina, si princess Sunniva, para siyang anghel na naglalakad!"
Napairap ako. Alam ko naman na maganda ako, hindi na nila ako kailangang purihin, kaya kong ikompliment ang sarili ko.
Sunniva, napakaganda mo, para kang anghel na naglalakad sa impyerno!
Hindi na lamang namin sila pinansin at dumeretso sa classroom namin. Sinamantala ko ang oras na wala ang teaher namin to read the books na hiniram ko kay Vaughn.
While I'm reading, a pair of shoes stopped in front of me kaya napaangat ako ng ulo. I saw kung paano siya ngumiti sa akin, ibinalik ko rin kaagad ang atensyon sa binabasa. Napataas ang kaliwang kilay ko at hindi sinuklian ang ngiti niya. Naramdam ko ang pag-upo nito sa katabing upuan ko at pinanood akong magbasa. Hindi ko lang siya pinansin.
"Isnabera mo naman," natatawang sabi niya at saka hinawi ang buhok ko. Isinakbit niya 'yon sa tenga ko. Inaamin ko, nakiliti ako sa ginawa niya. Eh, may kiliti ako diyan! Kaya sinamaan ko siya.
Itinaas nito ang dalawang kamay, isang senyales ng pagsuko.
"What are you reading?" Tanong niya. Napairap naman ako.
"Nakikita mo naman sa front-page." Sagot ko nang hindi siya tinitignan.
If you're wondering who he is, he is my suitor. Siya si Kaiden, anak siya ng isa sa pinakamagiting na general sa Arcadia. Actually, hindi naman siya guwapo pero kung pagkaguluhan siya ng mga estudyante ay akala mo naman talaga.
Idikit mo siya kay Tristan, kahit tarantado ang isang 'yon ay hindi niya pa rin siya matatapatan! Ewan ko ba kung paano siya nagkaroon ng courage na kuhanin ang puso ko, eh, halata naman na hindi ako interesado.
Hindi sa pagmamayabang, marami akong manliligaw na hindi niya mahihigitan, sabihin na natin na nililigawan ako ng isang prinsepe sa kabilang kontenente, isang karespe-respetong mandirigma ng Aurora, at minsan ng niligawan ng isang emperor. Kamalasan ay pumanaw, kawawa naman.
"Ito naman si darling ko—"
"Puwede ba, kung ayaw mong makakuha ng hindi kanais-nais na sagot from me, umayos ka. Umalis ka na nga rito, doon ka na. Sabihin ko na, ah, you're disturbing me!" I sighed, napahilot ako sa sintido. "I don't need you, hindi kita kailangan, kaya puwede ba, tigilan mo na ako! Nakakarindi ka, marami pang ibang babae riyan na puwede mong guluhin, 'wag ako! Nandiyan naman si Kiara, sho!
"Ey, rejected!" Inisnaban ko lang ang mga kaklase ko.
"Anong nangyayari dito?" Napaangat ako ng ulo nang magsalita si Isagani.
"Wala, ito kasi, eh! Ginugulo ako!"
"P're, umayos ka. 'Wag mong guluhin 'yang babae kung ayaw niyang magpagulo. Do you understand?" Walang emosyong sabi ni Travis.
"s**t, sana nagsapakan sila, pare!"
"Sayang 'yon, p're, sana pinatulan mo Kaiden para showtime na!"
"Kung si princess Sunniva lang naman ang pag-aawayan, bakit hindi 'di ba?"
"'Tangina, rejected si tanga! 'Yan kasi, prinsesa pa ang tinira!"
Inirapan ko lang sila. "Tch!"
Pagkatapos nang klase namin ay nagkayayaan kaming magtrotropa sa cafeteria, 'eto, energetic na naman sila. Palibhasa kasi ay nakahanap na ng source of energy! Napatingin ako sa direksyon nila Travis, why do they seem to avoid Kiara? Allergic siguro sila sa masama ang ugali, eh, masama rin ang ugali nila! Napatawa ako ng palihim.
Pinagmasdan ko si Travis, para siyang hindi mapakali, kanina pa silang umaga, bakit naman kaya? Ewan ko kung anong problema nila, magkakaibigan na kami, dati pa, at kahit na paano naman ay nagsasabi sila kung may problema ba o wala.
Ewan ko lang kung ako lang ba ang nakakapansin, pero parang normal lang naman sa kanila. I don't know.
"I think we have to go," sabi ni Isagani at nagmamadaling tumayo. Tumayo rin si Kalister at sumunod sa kanila, kahit si Rashelle, at kapatid nitong si Julian, nagkatinginan kami nila Sabrina. "We just have something important to do," dugsong niya pa.
Nagtatakha lang naman silang sinundan hanggang sa mawala sila sa paningin namin. We decided to follow them pero mabilis silang nawala, kaya ang ending ay parehas kaming nakatunganga dito sa cafeteria hanggang sa dumating ang order namin. Si Tristan at Theodore ang kumain ng order ng apat, palibhasa ay gutom na gutom dahil hindi sila kumain kagabi.
"Iniwan na lang nila tayo dito nang hindi nagsasabi kung saan sila patungo!" Sigaw ni Kiara. Tama naman siya, pero hindi niya kailangang sumigaw. Akala mo naman ay katapusan na ng universe, sampalin ko ito, eh! "Nakakainis naman, e! Sinong kasama ko, kayo?!" Itinuro niya kami isa-isa at saka umirap?! "Yuck! Ayoko sa inyo 'no!" Us isn't yuck, she is.
'Easy ka lang, Sunniva, para kang mananakal sa mahigpit na pagkakahawak mo diyan sa kutsara mo,' napatingin ako kay Tristan, inisnaban ko lang siya nang magsalita siya sa telepathy. 'At saka baka kung ano ang mangyari sa'yo, kalmahan mo lang at ako rin ay nag-iinit na,' hindi ko na lang siya pinansin at itinuon ang atensyon sa pagkain.
I ordered adobo!
'Tumahimik na nga kayo! Kung kaya niyo pang magtimpi, magtimpi na lang kayo. Ready na ang kamao kong manabunot, eh, 'tangina naman kasi! Kung hindi lang ito ang prinsesa—itaboy niyo na kaagad 'yan pagkatapos ng digmaan at nang matapos na ang paghihirap natin.'
Napangisi ako.
'Gaga, parang sinasabi mo naman na sacrifice lang siya.' Si Anastasia na kanina pa tahimik.
'Okay lang,' nagtawanan kami sa telepathy.
Nagwowonder pa rin ako hanggang ngayon kung saan sila patungo. Nag-iisang babae si Rashelle doon... Kahit gaano pa siya katalas, para siyang nag-aalala na ewan. I don't understand, why are they worried?!
×××××××××××××××××××××××××××××××××××