Chapter 11
Radiance
Felicia's Point of View
I roused from the depths of unconsciousness, finding myself admist nowhere, knotted to a dead tree. Nanlaki ang mata ko at nagpumiglas para makawala sa mahigpit na pagkakatali sa akin! It is leaving me stupid scratches na ikinainit ng ulo ko! Nasasaktan na ako sa ginagawa ko, sumasakit na rin ang kalamnan ko kaya itigil ko na lang ang ginagawa! I have to think of something to escape! Darn that woman! Pinalo niya ang ulo ko! I knew there was something wrong with her!
"U-Ugh," napalingon ako sa pinanggalingan ng ungol na 'yon, napakunot ang noo ko. I'm not alone?! Nanlaki ang mata ko nang makilala ko ang babae. It was Samantha, remember my classmate Samantha in Philosophy? At hindi lang siya, may kasama pa kaming iba. There are eight of us here! Inilibot ko ang paningin ko, tiningnan ko sila isa-isa.
Si Adelaide, nandito rin. Ang treasurer namin sa classroom, tiningnan ko ang babaeng katabi niya. I don't know her, pero familiar siya sa akin. T-Teka nga, siya ba 'yong babae noong nakaraan? 'Yong nakabanggan ko? Yes, it was her! And when I looked around, I realized Raquelle is also here, a famous influencer, si Ashiana, nakasuot pa siya ng uniporme, kaklase ko siya noong elementary. She never changed.
Napatingin naman ako sa damit ko, I was still wearing my pantulog. Napangiwi ako. Darn that woman, I will kill her! Sa tuwing naaalala ko kung paano niya pinukpok ang ulo ko while I was still speaking, nag-iinit ang ulo ko, nandidilim pa ang paningin ko! I sighed, closing my eyes, paano naman kami makakawala sa mahihigpit na pagkakatali sa 'min?!
Napakunot ang noo ko, bakit kami nandito?
"Darn it!" Narinig kong sabi ng isang lalaki. Nagtaas ako ng kilay. Pamilyar siya, ah. "Ugh, what are we doing here?!" pagalit na sabi niya at sinubukang magpumiglas sa mahigpit na pagkakatali sa 'min! "Forest of Perilous!" Ipinikit niya ang mata niya, casting a spell? Sorcerer rin siya? "Ah, 'tangina! I'm dead!"
Napatingin kami sa lalaking nagsisisigaw, nataranta ako sa gulat nang makita ang isang ahas ang gumagapang palapit sa kaniya kaya kahit na rin ako ay napasigaw. Hindi naman namin siya matulungan dahil nakagapos kaming lahat. Nangingining ang katawan ko, nagsimula akong magpumiglas ulit para makawala sa pagkakatali sa akin, nanlaki naman ang mata ko nang makita ko sa itaas ng puno ang isang malaking itim na ahas na gumagapang palapit rin sa akin! Napasigaw ako dahil natatakot na rin ako. Naririnig ko itong dumadagundong.
Nakarinig kami ng malalakas na pagtawa na ikinalingon namin sa kaliwa, napakunot ang noo ko, recognizing her! Nag-init 'agad ang ulo ko nang makita ko siya. "Ikaw 'yong babaeng pumokpok sa 'kin sa garden sa palasyo, 'tangina ka! What do you want from me?!" Sigaw ko sa kaniya. Napalingon sa akin sila Samantha. Tumaas ang isang kilay niya at saka lang ako tinawanan na ikinainis ko pa sa kaniya.
"What do you think I want from you?" Nagtaas ako ng kilay sa babae, ngumisi ito sa akin. "I want you-"
"Touch me not, witch!" Sigaw ko nang sinubukan niyang padapuhin ang kamay niya sa pagmumukha ko, kaya nakatanggap ako ng dalawang sampal sa kaniya, magkabilaang pisngi, napasinghap ang mga kasama ko dahil doon. Tiningnan ko siya ng masama.
"Please, don't hurt her," sabi nang babaeng nakabanggan ko.
"Never look at me like that, woman! Never talk to me like that again-like you're prettier! I'm prettier than you, hindi ba dapat iginagalang mo ang nakakaganda sa'yo?" Napataas ang isang kilay ko. Akala niya kung sino siyang maganda, eh hindi naman! Hindi na lang ako nagsalita. Napatawa pa nga ako, eh!
"Tsk." Umirap ako.
"Tonight, your glamour will wither, you will be powerless, and you will become nothing but a speck of dust in my shirt, a vessel for my desires. Prepare yourselves, especially you, princess for your existence will be just a fleeting recollection in the passage of time. I will present your body to my darling as an offering of his kindness towards me." Tumawa ito ng napakalakas, commanding the snakes to attack us. Napapikit na lang ako, praying for someone will save us, but I think, I'm defenseless.
Napapikit na lang ako, hindi ko kayang tanggapin ito! Paano na lang sila Mama? Kung alam ko lang na ganito pala ang mangyayari ay sana hindi na lang ako nagpunta rito. This world is not what I expected, it is cruel! Napaiyak na lang ako. Hindi dapat ako panghinaan ng loob! I'm the princess who will save everyone. Why would I? Naririnig ko ang sigawan nila. Nagpupumiglas si Adelaide, umiiyak naman si Samantha, asking for forgiveness to whatever she have done on Earth.
'Don't be discouraged, princess Janria... I know you can do this.'
Tama, I shouldn't be discouraged-to whoever is responsible, thank you-but what should I do?! 'I know y'all are there for me, your graces. I have to face this as a challenge for whatever will come for me in the future. I need to protect these people so I know what I have to do when I'm faced with darkness. I know you know I haven't discovered what's within me, there is something within me and that is what you gave me. It is to die for, spirit that is unstoppable.'
'Ipunin mo lamang ang 'yong enerhiya sa katawan... Isipin mong naglalaro ka lang.'
I did what she said to me. Inipon ko ang enerhiyang dumadaloy sa 'king katawan, at inisip na magpalabas ng isang napakalaking phoenix! 'Yon ang pumasok sa isip ko kaya bakit hindi 'di ba? Napangisi ako sa nakita! Sorcerer na ako! Natutuwa ko namang pinagmasdan ang phoenix. Napakaganda niya.
Pinag-apoy ko ang taling gimamit sa akin na ikinalawak pa ng ngisi ko. Nakatalikod sa akin ang babae kaya hindi niya napansin ang paglitaw ng phoenix na ginawa ko. At habang abala ito sa pagkontrol sa mga ahas ay tiningnan ko ang phoenix at tahimik na kinontrol ito para itulak ang babae. Napaupo ito.
"Ugh, you witch, paanong nakawala ka?!" Sigaw niya nang makitang nakawala ako. "A-And a p-phoenix?" Natatakot na sabi niya sa akin. Umatras ito ng kaunti. Nakita kong nag-alisan ang mga ahas, don't tell me natatakot sila? I knew it! "Attack them, oh my God! Don't be scared! Ano ba, you comeback!" Napatingin ito sa akin at nagtaas ng kilay. Nakita kong may inilabas ito sa pocket ng short niya, isang kutsilyo. At saka mabilisang tumayo!
Napatingin ako sa ibinigay sa akin ni Mama na kuwintas nang umilaw ito. Nanliit ang mata ko. Bakit naman kaya? Tinanggal ko ito gamit ang isang kamay ko dahil kinokontrol ko ang phoenix at saka ito naging isang espada na siya namang ikinagulat ko kaya nabitawan ko ito.
"You will regret this, you woman! You don't know who you're dealing with!" Sigaw niya sa akin at saka ibinato sa phoenix ang kutsilyo. Iniwas ko ang phoenix pero nadaplisan pa rin siya kaya napa-ungol ito sa sakit at pinaulanan ng apoy ang babae. Napangisi ako dahil sa nangyari, para na itong may sariling buhay.
Napasigaw siya ng malakas sa ginawa ng alaga ko. Alaga ko na siya simula ngayon at kapag natutuhan ko kung paano ito bigyan ng buhay, we will be insane! "Ugh, 'tangina, pagsisisihan niyo ito! Ang magandang pagmumukha ko!" Sigaw niya at napahawak sa pangit na pagmumukha nang matamaan ito. Kasalanan niya at tanga siya, hindi ba naman umiwas. Inutil.
"Tsk."
Naglabas ito ng isang bola, kulay itim at napapalibutan ng usok. "I will kill you!" Nahihirapang sabi niya dahil umaapoy na ang peys nito. "Darling, my King, please, tulungan mo naman ako! Rise from your sleep, my dear! Nasasaktan na ako."
Nilapitan ko sila Adelaide, napasigaw ako sa sakit nang sinubukan kong tanggalin ang pagkakagapos nila. "Felicia, it was f*****g cursed, whoever touch it will die!" Sigaw ni Samantha sa akin. Tiningnan ko ang kamay ko, nagviviolet na 'yon kaya napaupo ako. Ikinalma ko ang sarili ko at ibinalot ang kamay sa tubig. s**t!
Napatingin ako sa phoenix, pinaglaho ko ito dahil baka dead-o na ako kapag bumalik ako sa palasyo, napakaraming enerhiya ang sinisipsip nito sa akin. "Okay ka lang ba, Felicia?" Nag-aalang tanong sa akin ni Ashiana, tumango lang ako. Paano ba 'to? Tiningnan ko ang babae, nakaluhod ito at nakahawak sa peys, umiiyak.
"Pakawalan mo sila," I commanded. "Kung ayaw mong sunugin kita, pakawalan mo sila," seryosong sabi ko.
"Kung pakakawalan ko ba sila, will you be mine?" Tanong niya sa akin, kalmado na, sunog na ang kalahati ng pagmumukha niya. Natakot naman ako.
Napangisi ako. "S-Sure," napatingin ako sa itaas. I know this won't be easy.
Kinumpas niya ang kamay niya na dahilan para makawala sila Adelaide. I smirked. "Do you think I will surrender myself to you? You are outnumbered."
"No..." Sagot niya sa akin na ikinataas ng kilay ko. "U-Umalis na lang kayo-my King did not save me," suminghot siya at napahagulgol. Napatingin ako sa mga kasama ko. Nakatingin lang sila sa babae. "He didn't save me!" Umiiyak na sabi niya at parang batang hindi napagbigyan.
"Do you think someone will still like me?! Wala ng magkakagusto sa akin, I'm ruined!" Sigaw niya at tiningnan ako na parang galit. "I did everything for him... I thought I satisfied him already! I offered him bodies, but he didn't heard me!" Napalunok ako sa narinig sa babae. "Everything was nothing for him!"
"I'm sorry..."
"Umalis na kayo! Umalis na kayo! Umalis na kayo! Ayoko na kayong makita, especially you! You ruined me!"
"Kasalanan mo naman!" Sigaw ni Samantha. "Wala kaming ginagawang masama sa'yo, pero anong ginawa mo?!"
"Umalis na kayo, parating na siya!" Sigaw niya sa amin at saka tumayo, tumakbo ito palapit sa 'min at saka kami itinulak palayo. "Parating na siya, umalis na kayo!" Sigaw niya pa. Napatakbo na lang kami palayo doon hanggang sa makalabas kami ng gubat na tinatawag na Perilous.
Napaupo na lang kami sa damuhan, pagod na pagod sa pagtakbo. Napahawak ako sa puso ko dahil sa malakas na pagkabog nito. Tiningnan ko silang lahat, nakatulog na si Ashiana sa damuhan, nakahawak sa dibdib nito. Si Raquelle naman ay nakasandal sa puno, hinahabol ang paghinga nito. Si Adelaide naman ay nakaupo sa kahoy, samantalang ang dalawang lalaki na hindi ko pa alam ang pangalan ay nakahiga na rin sa damuhan, ganoon rin ang babaeng nakabanggan ko.
"T-Teka nga, bakit parang kulang, akala ko ba walo tayo?"
"Dead na 'yong isa," sabi ni Raquelle na ikinagulat ko. Konyo siguro 'to, pustahan tayo. Wala lang, parang konyo lang kasi, eh. "Joke lang, t-teka nga, si Samantha, nawawala?!" Sigaw nito at nagpanik kaya nagpanik na rin ako.
"Nandito ako," napatingin ako sa babaeng nakabitin sa puno. Napa-facepalm na lang ako.
"'Tangina ka," pangmumura ko sa kaniya na ikinatawa niya, mabuti pa itong isang 'to at may gana pang magbiro pagkatapos nang nangyari doon kanina. I see, this world is the worst!
"Bakit ka pala nandito? You're immortal?" Tiningnan ko si Samantha at nag-iwas 'agad. "You're immortal and I don't know?! I should've known this! Dapat nararamdaman kita, bakit hindi?" Kinagat nito ang pang-ibabang labi niya.
"Tahimik," narinig kong sabi ni Adelaide. Napatahimik naman kaming lahat.
"Anong ginagawa ninyo dito?" Nagsilabasan ang mga nakadilaw na maskara na may marka ng araw at saka kami tinutukan ng sibat nila, napatayo naman kaagad sila Ashiana. "This place is sacred," sabi ng parang lider nila.
"I'm princess Aurora of Nirvana-of Iridessa, please, we were attacked, at dinala kami dito. Tulungan niyo naman po kaming makalabas dito, baka nag-aalala na rin po ang Daddy ko."
"Sure," sabi ulit ng parang lider nila. "We are the sentinel of the God of Fire, we are radiant to serve you, your grace."
×××××××××××××××××××××××××××××××××××