Chapter 10
Peculiar
Felicia's Point of View
Napakadaldal niya, napakarami na niyang nasabi simula pa kanina. Natatawa naman ako sa jokes niya kaya okay lang, pero ang iba ay ang awkward. Kailangan niya ba talagang ibroadcast sa harapan nila Kuya at Kalister na siya ang nagpapalit ng diaper ko? Nakakahiya, 'te! At saka isa pa, kanina pa siya oh my nang oh my, nakakaumay na.
I sighed, napatingin ako sa plato ko. And it was already empty. Kaunti lang ang kinain ko, not because I didn't want the food, but because I'm not used eating it. I don't know what it was, something vegetable pero hindi siya vegetable, o baka vegetable nila dito na hindi ko makikita sa 'min. Sabi niya, 'wag raw akong mahihiyang magsabi ng gusto ko. Ipagluluto raw nila ako, pero kasi ay nahihiya akong magsabi. Ngayon ko pa lang sila nakilala.
"Wala po kayong anak?" Random na tanong ko na ikinatingin niya sa akin.
"A-Anak? You want me to have an anak already? Oh my—yes, mayroon na, pero wala sila dito," napa-facepalm ako sa sagot niya na ikinatawa nila Kuya. "I already have, tatlong lalaki at saka dalawang babae. Napakasipag kasi ng Tito mo, eh—"
"Darling naman," pagsuway niya sa asawa niya na ikinangiwi ko.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. I think sa kaniya lang mawawala ang pasensya ko. Ewan ko ba, siguro sa kanilang magkakapatid, siya ang pinakasaltik. I know, she's my Tita, and she's respected as the princess of this Kingdom, pero saltik pa rin siya. Walang magbabago doon.
"T-Teka, kaunti lang ang kinain mo, ah? At bakit? Ayaw mo ba sa pagkain, anak? Oh my, Klarisa! Ayaw ni Felicia sa pagkain, ipagluto mo naman siya ng ibang putahe—"
"No, Tita, hindi po! Okay lang, okay lang, kahit hindi na po—"
"No, no, no! Ayokong hindi ka mabubusog ngayong gabi, I want you to eat! Damihan mo ang pagkain, 'wag kang pasaway!" Sabi niya sa akin na ikinanganga ko. "What do you want to eat, darling, please? Do you want crab? Or lobster? What about talaba? Do you want talaba?"
"Yes, please," marahang sabi ko at napakamot sa ulo. Napatingin na lang ako kay Kuya Isagani, umiiling-iling. Tinanguhan niya lang ako as answer, 'tangina, walang kwentang kapatid! Hindi na kasi ako gutom, promise! Kahit makagat pa ni Kuya Travis 'yong dila niya.
"Ouch," nakataas ang kilay kong napatingin sa kaniya.
Fine, gutom pa ako.
"Pasensya ka na sa Tita mo, ayaw niya lang talagang magutom ka," ngumiti na lang ako kay Tito.
Pagbalik niya ng kusina ay pinaulanan niya ako ng kiss sa noo. "Ano ka ba, 'wag ka ngang mahiyang magsabi. You're my niece, I'm your Tita, kumain ka lang nang kumain. Patatabain kita," napaaatras ako ng kaunti sa sinabi niya na ikinatawa niya. "Excuse me? Everyone is gorgeous, and so are you. Kahit na ano pa ang size mo. At saka isa pa, 'wag mong pinagdadamutan ang sarili mo,"
"Hindi ko naman pinagdadamutan ang sarili ko, ah. Kumakain naman ako,"
"Oh, eh, bakit ang kaunti nang kinain mo? Tingnan mo nga 'yang plato mo, walang dumi,"
"Eh? Kailangan ba dapat madumi? And I'm not used eating it, ano ba kasi 'yan?"
"It was a vegetable," ngumisi siya. "Hindi ka ba kumakain ng vegetable? Bakit hindi mo alam 'yan? Excuse me, nag-aangat rin kami nang pagkain sa inyo,"
"Kanina pa excuse me nang excuse me, dumaan ka na, ah," itinulak niya ng kaunti ang ulo ko na ikinatingin ko ng masama sa kaniya. "I don't like you anymore, ginaganyan mo na lang ako—"
"You know what, umuwi ka na nga," sarkastik na sabi niya na ikinahalakhak ko.
Pagkatapos naming kumain ay nagdesisyon kaming maglibot-libot nila Tita sa palasyo. Okay na, puwede na pagtiyagan. Kidding aside, this place is not what I imagined while reading. Napakaganda, napakalayo sa inaakala ko. Pagkatapos ay iniwan rin ako ni Tita dahil namimiss na raw niya ang asawa niya, kailangan niya na nga raw na madiligan ulit! 'Tangina talaga, kailangan niya pa talagang ibroadcast naman, eh. Akala mo naman talaga, eh.
Gusto ko pa sanang puntahan 'yong garden nila pero hindi ko alam ang daan, wala naman akong kasama na mag-guguide sa akin kaya hindi na ako pumunta, noong makasalubong ko si Kalister ay nagtatalon ako, I found someone to be with this night.
Pumayag naman siyang samahan ako sa garden because I'm gorjas! Umamin ka! "Hindi ka ganoon katalkative 'no? Napansin ko lang," inangat ko ang ulo ko para makita siya. f**k the height difference! Nakangisi ito.
"Tsk, ano ba dapat ang sabihin ko?" Tanong niya sa akin na ikinakibit-balikat ko.
"Ewan, puwede namang nakitawa ka na lang,"
"Nakikitawa kaya ako."
"Eh bakit ka nagagalit?" Nagtaas ako ng kilay sa kaniya.
"Hindi ako nagagalit,"
"Nagagalit ka eh,"
"Ano bang gusto mong iparating?" Ngumiti ako.
"Maganda ako." Tinawanan niya lang ako na ikinairap ko sa kaniya. Pangit ako kung ganoon? Ginulo niya ang buhok ko at saka ako inakbayan.
"Oo na, ikaw na." Parang hindi pa sang-ayon ang loob niya roon, ah! "Anong pakiramdam na magkakasundo kayo?" Tanong niya out of nowhere na ikinatakha ko. What does he mean?
"What do you mean by that?" Natatawang tanong ko.
"I don't know. Did you know that I have a brother?" Napangiwi ako.
"Yes, si Vaughn,"
"No, I have another brother on my Mother's side, sabi nila he was the disgrace to the family. He was called the black sheep of the family for a reason, kasi palaging g**o na lang 'yong ibinibigay niya sa 'min—"
"Ano 'yong black sheep?"
"You don't know? Disgrace to the family, something like that," napatango naman ako, pero bakit, I know given na 'yong palaging g**o na lang 'yong ibinibigay niya pero there should be a deeper reason than that. "Natuto siyang magnakaw in such a young age, kaya palagi siyang nakukulong—kasi nagpapahuli siya, kasalanan niya, and siyempre, Mama will always rescue him like he was not a thief, a criminal. 16 pa nga lang siya, natututo na siyang makipag-inuman sa Aether, it was disgraceful isn't?" He whispered.
"Is there a reason for his actions?"
"He always wanted the throne, but the God of Fire doesn't want him. He doesn't want to endow him. It is because there is darkness crawling over him. The throne is not for him, Felicia," napatango-tango ako. "I don't know where he is right now, atleast, hindi na niya kami ginigulo 'di ba, pero si Mama naman, wala na siyang ibang ginawa kung hindi magmakaawa to take him back."
"Bakit gusto mong wala siya?" Napatingin siya sa akin.
"He never respected my Dad, Felicia, hindi naman siya totoong anak ni Daddy, anak siya sa ibang lalaki ni Mama. Tinanggap pa rin siya ni Daddy kahit na ganoon because he loves my Mother. Pinagbigyan siya ni Papa sa kagustuhan niya, sinubukan nilang manghingi ng basbas, kampante si Papa na hindi siya pagbibigyan ng Diyos because he knows what's inside him." Sabi niya at saka nagkibit-balikat ito.
"I'm sorry,"
"You don't have to be sorry. Wala ka namang kasalanan, hindi mo naman kasalanan." Napangiti ako nang ngumiti siya sa akin. Ang guwapo niya pala talaga 'no? "Noong nalaman niyang sa akin ipapasa ni Papa ang trono, kinalaban niya ako, walang ibang nagawa si Papa kung hindi palayasin siya, not his son, I'm his son. And I thought, Mama never loved me kasi palaging si Kuya. Hindi pa niya ako binabati simula noong nalaman niyang ako ang magmamana ng trono ni Daddy, parang wala lang sa kaniya. Paano raw si Kuya?"
"Okay lang 'yon," marahang sabi ko at saka tumingkayad para ayusin ang buhok niya. "Kudos sa'yo," inilingan lang ako nito. Ang guwapo niya talaga, nakaka-attract 'yong eyebrows niyang makakapal, paano ba ito nakakaya ng ibang babae? He is gorgeous! 'Yong buhok niya pa ang nagpaguwapo sa kaniya!
"Tara na doon, gabi na. Inaantok ka na siguro—"
"Hindi pa kung ikaw ang kausap ko," nilingon niya ako.
"What is it?" Tanong niya na ikinangiwi ko.
"Wa-Wala 'yon, ano ka ba. Hindi na tayo nakapunta sa garden,"
"Gusto mo pa bang puntahan? O bukas na lang?"
"Puwede namang bukas na lang, nilalamig na kasi ako—" napatigil ako nang hinubad niya ang jacket niya at inilagay sa balikat ko. "A-Ah... Thank you, K-Kalister." Isinuot ko kaagad 'yon. "Ibalik ko na lang sa'yo kapag nalabhan ko na,"
"Kahit 'wag na, sa'yo na 'yan."
"Cute ka na niyan?" Natatawang sabi ko.
"Tigilan mo nga 'ko, babae," umirap ulit siya sa 'kin na ikinatawa ko pa.
"Oh my God! Nagkakadevelopan na yata kami! Inihatid niya pa ako sa kuwarto ko!" Sigaw ko kaagad nang makapasok ako sa kuwarto ko. Nakita pa kami nila Kuya na magkasama! Nakakahiya 'yon, girl, pero okay lang, atleast kinilig ako! Nahiga kaagad ako sa kuwarto ko, nagpagulong-gulong. "Napakaganda ko talaga!" I screamed as my face sank into the pillow. I laughed in the middle of the it.
Nakita ko kanina kung paano inilabas ni Kuya Travis ang kapangyarihan niya, sabi niya, I was written in the prophecy, I was gifted by the Deities of unknown spirit, hindi lang raw kung ano lang ang kapangyarihan ko, it will destroy darkness. Naprepressure na nga ako, eh, pero noong nakaraan, I dit it, nagawa kong palindulin ang school nang hindi ko nalalaman, it was controlled by my anger!
Tumayo ako sa pagkakahiga at saka nilapitan ang kandilang nakasindi. Pinagmasdan ko 'yon hanggang sa magsawa ako, I never stared a candle like this in my life! This is my first time, para akong tanga! "Fire is gorgeous, I can see." Napangisi ako, pinatay ko 'yon gamit ang daliri ko. "Ouch," walang expression na sabi ko at napatawa.
"What are you doing?" Tanong sa likuran ko na ikinalingon ko doon. She was unfamiliar to me. "I know you don't know me, but I'm not here to introduce myself to you. I'm Aysel, the Deity of Earth, the trees, and everything," sabi niya she's not here to introduce herself to me? Nagbibiro ba siya? Gago 'to, ah. I'm sorry to disrespect her, I just don't understand her.
"Nababasa ko ang isipan mo, babae," sabi niya sa akin at napatawa. "Napakakulit mo rin 'no?" Naglakad ito palapit sa akin na ikinaatras ko. "Don't be afraid for you are safe with me, Janria..." Ngumiti ito sa akin at inabot ang kamay niya. Kinuha ko naman ito nang walang pag-aalinlangan. "You are presented with abilities that could vanquish the darkness of this world. You are choosen for you are strong. You are not choosen because there is no choice, you are choosen because you are special. Always remember that... Don't worry, princess, we will always be there for you." Tumango ako at saka yumuko as sign of respect. "Walang nangyayari ng walang dahilan."
Nagising ako dahil sa araw na tumatama sa magandang pagmumukha ko. Tinabihan pala ako ni Tita kagabi, hindi ko na namalayan dahil napahimbing na ang pagkakatulog ko. Nakayakap ako sa kaniya nang magising ako. Natutulog pa rin siya, napangisi ako nang pinasukan na naman ako ni katarantaduhan. Napakagikgik pa nga ako. Kumuha ako ng marker at umupo para sulatan ang pisngi niya, nang napansin ko ang buhok ko sa salamin.
"Oh my," nakadrugs ba ako? Hindi naman ako nagshashabu? Tumakbo ako palapit sa salamin. I never dyed my hair unless pinakialaman ng babae kagabi ang buhok ko! Ugh, this is unacceptable, pero in fairness, parang ang attractive niyang tingnan sa akin.
'I did not like the colour of your hair so I did that!'
Napalingon-lingon ako sa paligid nang makarinig ako ng babaeng nagsasalita.
"Who is that?" Sigaw ko. Parang kaboses niya 'yong babae kagabi? Tama ba ako?
"What's wrong, Felicia?" Napalingon ako kay Tita nang magising ko ito, napabangon ito kaagad at naglakad palapit sa akin. Kaagad akong tumakbo sa kaniya.
"Tita, tingnan mo! Iba na 'yong colour ng buhok ko, hindi na siya itim! What should I do? I did not dyed it naman!" Naluluha kong sabi sa kaniya. "Tita, ineengkanto ako."
"You're not ineengkanto. Don't joke like that. Nananahimik sila." Tinapik niya pa ang kamay ko. "Don't panicked nga! White is your natural hair colour with an highlight of brown. Subukan mong magreklamo."
"I don't like it, Tita," napakamot ako sa ulo. "Although I slayed it, you know," tiningnan niya ako ng blangko na ikinangiwi ko.
"Wala akong pakialam sa hair colour mo. Hindi ko naman pinapansin 'yang buhok mo, okay lang 'yan, ano ka ba! You do your routines na, there's the bathroom," itinuro niya ang pintong hindi ko pa nabubuksan. "Ikaw na lang ang mag-arange ng damit mo, I don't know, baka kung saan pa ilagay nila Yaya, magwala ka, eh,"
Napakunot ang noo ko. "Hindi, ah."
Pagkatapos kong magmorning routines ay dumeretso kaagad ako sa ibaba, eksaktong pinababa na rin ako nila Tita. Ngayon, tatlo lang kami rito, kasi umalis na sila Kuya kagabi... nang hindi nagpapaalam sa akin. Eh, ano naman ngayon kung nakatulog na ako? Hindi ba puwedeng gisingin ako? At 'pag ginising, magagalit 'no? Sino ba naman ako, si Felicia Isabela Saldivar na si Janria Stanford na ngayon na walang karapatang malungkot. I'll tweet this, nandito naman sa 'kin ang cellphone ko kaya bakit hindi?
felicia. @whozisabela
cno b nmn aq para malongqt? ???
Comment | Retweet | Like
0 0 0
"Bakit parang mag-isa ka lang, princess Janria?" Tanong ng babaeng nakasalubong ko. Kumunot ang noo ko sa babae. "Do you mind if you'll come with me?" Nakangiting tanong niya sa akin. "Para naman may kasama ka, samahan na rin kitang maglibot-libot. Kapag ganitong umaga, the garden is fresh," bakit ganito ang nararamdaman ko?
Sinuri ko siya ng mabuti. Matangkad siya. Mahaba ang buhok na hanggang baywang at may bangs. Singkit ang mga mata niya at medyo matangos ang ilong. Hindi ganoon kahaba ang pilik-mata at manipis lang ang kilay. Mapupula ang labi niya na parang rosas pero ayokong halikan. Maganda siya. Bagay ang pulang dress na suot niya sa kanya.
Kahit hindi ako sigurado ay tumango ako. Kaya ko naman ang sarili ko kung may masamang mangyayari sa akin. I was a Taekwondo-Karate player before, I know what to do. Sumunod lang ako sa kaniya hanggang sa makarating kami sa garden. Napanganga kaagad ako sa napakagandang lugar! Napalinga-linga ako sa paligid, there are tulips that is radiant to the eyes, the birds are singing that is pleasing to the ear.
"You didn't tell me this place was gorgeou—" napatigil ako sa pagsasalita nang takpan nito ang bibig ko using a handkerchief, para akong nahihilo!
"Dream of us, princess..."
×××××××××××××××××××××××××××××××××××