Chapter 09
Janria
Sabrina's Point of View
"Nakakainis naman! There are mosquitoes here, bakit ba kasi tayo nandito?" Tinakpan ko ang tenga ko para hindi ko na marinig pa si Kiara, the princess Janria!
Yup, we already found her.
Ugh, simula kanina ay wala na akong ibang narinig kung hindi siya, nakakairita! What is wrong with her?! Palibhasa kasi ay spoiled nang nag-alaga sa kaniya! Judas!
"Isusumbong ko kayo sa Daddy ko, you mosquitoes! Nasasayang ang skincare ko dahil sa inyo, eh!" Napa-pikit ako para magtimpi, nakakainis na siya, please lang.
Nilingon ko silang lahat. Naka-saksak ang earphones ni Sunniva sa tenga at kalmado. Nakatakip ng tenga si Rashelle at walang expression ang pagmumukha.
Naka-headset naman si Joaquin na siyang ngumunguya ng bubblegum at parang walang pakialam kung anong mangyari, naririnig ko pa ang patugtog niya.
Nagbabasa naman ng libro si Anastasia, trying to distract herself. Tahimik naman si Theodore, at magkasama naman si Julian at Vaughn na nakaupo sa ilalim nang malaking puno.
Kanina pa namin hinihintay 'yong dalawa, si Kirsten at Tristan na nagpadagdag sa sama ng loob ko. Kaunti na lang talaga ay masasapak ko na 'tong babae dito!
"Bakit kasi wala si Kalister dito?! Namimiss ko na siya!" Sigaw niya na ikinangiwi ko. Napahagikgik kami ni Anastasia, ibinaba niya ang librong binabasa niya at saka tiningnan ang babae.
"Bakit mo siya namimiss?"
"Oh my, hindi mo ba napapansin? Gusto niya rin ako, Ana. Parang pakiramdam ko, kami ang magkakatuluyan." Delusional pala itong prinsesang 'to 'no?
"Kayo ang magkakatuluyan? Eh, may gustong ibang babae si Kalister, paano 'yan?" Pang-aasar ni Ana na ikinailing ko.
Ito pa ang nakakainis, ah. Nakakainis lang at magkakasama kami nang pumarito kami dito pero hindi kami magkakasamang umuwi dahil pinauna na kami ni Kalister! Ewan ko ba sa lalaking 'yon at ginatungan pa nga ni Isagani!
Subukan niya lang akong puntahan, ayaw ko na sa kaniya!
Wala akong ideya kung ano pang kailangan nila dito, eh nandito naman na si Kiara! Kung gusto niyang magpaalam kay Felicia, willing naman kaming maghintay, wala namang mawawala, ah!
"Nandito na kami," isang suntok ang inabot sa akin ni Tristan nang makalapit sila sa puwesto namin. Napadaing ito sa sakit na ikinairap ko, eh, paano ba naman? Tama bang pinaghihintay kami?! Kasalukuyan kaming nandito sa gubat. Paano kung may nangyari? Narinig ko na naman si Kiara.
"Bakit napakatagal ninyo? Kanina ka pa kaming naghihintay!"
"Sorry naman," umirap si Kasandra na ikinangisi ko. "Nagmamadali ka ba? Bakit hindi ka na lang umuwi mag-isa?" Nagtaas ng kilay ang babae. "You're the princess, dapat alam mong gumawa ng portal—oh, hindi pa pala activated ang kapangyarihan mo. Nakaka-awa ka naman," napatawa ako sa narinig.
"Pabayaan niyo nga siya," sabi ni Tristan nang makitang nagtutubig na ang mata ng babae. "Okay lang 'yon, Kiara—" iwinagsi ng babae ang kamay ni Tristan na ikinakunot ng noo nito.
"You don't touch me, p*****t!" Napakagat na lang sa labi ang lalaki na ikinangisi ko. I tsked.
I sighed, tiningnan ko ang ilang recruit na katabi ni Kirsten. Wala naman kasi sa plano namin ang maging recruiter eh, kaya lang ay magsasara na ang akademya sa sumusunod na buwan kaya sinamantala na ng dalawa ang sunduin sila, kaya 'eto kami ngayon. Why is that? It is to instruct the students para sa darating na digmaan. We don't know when, we just have to be ready!
Naglagay ako ng earphones sa tenga at nagpa-music. Nagpresinta si Sunniva na siya na raw ang gumawa ng portal kaya pinabayaan na lang namin. Ilang segundo lang ang kayang itagal ng portal kaya nagmadali kami kaagad.
Eh, itong si Kiara, natatakot raw kaya walang nagawa si Ana kung hindi itulak siya. I know it was wrong, pero sometimes, she have to face her fears in order to survive. If you don't want to die, you should be brave.
"Oh, my God! Help! Aaah!" Narinig kong mahabang sigaw ni Kiara bago ako tuluyang bumagsak sa damuhan! "Ang sakit ng p***t ko," sigaw niya at napa-iyak. Sabi ko nga, we have to be patient with her. It is her first time here. Tumayo kaagad ako para tulungan siyang makatayo pero itinulak niya lang ako.
"Okay ka lang?" tanong ko. "Ikaw na nga itong tinutulungan, ikaw pa itong nangtutulak,"
"You shut your mouth! I want Kalister!" Oh my, Kalister na naman! Ako na nga itong nagmamalasakit, punyeta. I'd rather watch my kingdom fall talaga. "Kailangan ko ng Doctor, Vaughn," hindi lang siya pinansin ng lalaki at diretsong naglakad para tulungan ang ibang pulutin ang gamit nila.
"Thank you, Vaughn," tinanguhan lang niya si Phoebe.
"s**t, nagkasugat si Kiara, Joaquin, Kirsten, please, pakigamot naman si Kiara." Sabi ni Tristan. Hindi ko lang ito pinansin, eh, napakaliit, parang kagat ng kuton.
Pagkatapos nilang gamutin si Kiara ay isa-isa na silang nagyayang umalis na, nagpatawag kami ng pegasus na tama para sa 'min. Sa akademya na lang kami dumeretso muna dahil wala ang King and Queen ng Arcadia, the palace is not open for visit. Ridiculous! Ipaparepair muna namin ang ugali niya bago namin siya ipakilala, eh kung atakihin sa puso si Tita?
Paano na ang mother-in-law ko niyan? Joke.
Dumating kaagad ang mga pegasus na pagsasakyan namin patungong academy, kani-kanina lamang sila tinawag ni Nerissa gamit ang isang fluet ay ngayo'y nandito na sila. Talented talaga itong si Nerissa. Inutusan niya kaagad ang mga ito na dalhin kami sa akademya nang maka-sakay kami sa kanila, pagod na rin yata ang iba.
"Ah, everyone. I think she doesn't like me." It was Iyana, oh my God! She was born for her? Bakit hindi niya siya gusto? Tama 'yan, Iyana. Umangkas na lang siya kay Vaughn that made him pissed.
"Namimiss ko na si Felicia," out of nowhere na sabi ni Joaquin. Tiningnan ko siya. "Kumusta na kaya siya, Sunniva?" Tanong niya sa babae. Nagkibit-balikat lang siya. Aside from Ana—Ana ako nang Ana, I never called her that not until Felicia did. f**k. Si Sunniva rin ang pinakaclose ni Felicia noong nandoon pa lang kami.
"I miss her na," si Sunniva na naghahanap ng librong puwedeng basahin. After naming ihatid sa dorm si Kiara ay dumeretso kami sa courtyard, nandito kaming lahat. 'Yong ibang recruit, sa dorm na muna namin nagpalipas ng gabi. "What if immortal rin siya? A sorcerer, katulad natin?" Ngumiti ito. "Hindi na kami maghihiwalay kung ganoon," umirap pa ito na ikinatawa namin.
"Sunniva," tawag ko sa kanya at ngumiti. "'Di naman sa pinag-oovethink kita pero what if kayo talaga ni Felicia ang para sa isa't-isa? 'Di kita pinag-oovethink, ah. Nagsasabi lang—"
"Oh, God! Yes, Sabrina! Yes! Ilaban ang ka-vaklaan ng mga vakla!" pagchecheer ni Ana! "FeliNiva for the win!" Ugh! Jejemon!
"Alam ko na kung anong ipapangalan ko doon sa village na binili ni Papa sa Arcadia, Felicia o kaya naman ay Isabela, puwede na. And people would think, it is creative, ah." Sabi ni Theodore na inirapan ko lang.
"Gago kayo!" Sigaw ni Tristan. "KaliFeli pa rin ako, Kalister at Felicia, nakita ko noon noong kinausap ni Rashelle si Kalister, parang pakiramdam ko, sabi ni Felicia sa isipan niya, sila kaya? Anong pakialam ko sa isa diyan," sabi niya at inirapan si Sunniva, kinurot ko ang bewang nito.
"I thought FeliTer ang pangalan ng love team nila, bakit naman naging KaliFeli—"
"Ang pangit kaya ng FeliTer! Magka-taste ka naman, ate ko!" Tumawa ako sa sinabi ni Anastasia.
Paano naman akong BelaTe?
Nagtatawan lang kami dito hanggang sa mag-umaga, putangina, parang panda na ang itsura namin sa pagkalaki-laking eyebags.
Travis's Point of View
Noong nalaman kong siya pala ang kapatid ko, hindi ako makatulog, because I don't know what to do. Should I introduce myself to her—pero I didn't do it, kasi natakot ako na baka magulat siya—magalit siya—sa akin, sa 'min. Nagtatatalon talaga ang puso ko noon sa sayang nararamdaman. And who wouldn't? She is Janria, my sister. I knew at first we are connected, and yes we are connected!
Sa ngayon, itutuon ko muna ang atensyon ko sa kaniya, I don't care about Kiara, she is my sister, ang plano ay paniniwalain namin silang lahat na siya si Janria, pinasok niya ang gulong 'yan kaya panindigan niya. Wala kaming kasalanan, we already found the Janria. Kahit pa ang pag-aaral ko, kaya kong iwanan makabawi lang ako sa kapatid ko. I will do everything for her just to protect her, kung hindi ko nagawa noon, please, sana naman ngayon ay magawa ko na.
Napabuntong-hininga ako at inayos ang polo ko. Nagmantsa na ang pintura ni Kuya, hindi na matanggal, mapapatay ko talaga ang putanginang 'yon. Nagsuklay ako ng buhok bago ako dumeretso sa ibaba para sa breakfast. I heard Tita Kalista and Janria slept next door, I wonder what was Tito Isaac's reaction because he didn't have his wife by his side? And about Kiara? Kiara, the impostor. Sa akademya, dito. Dito na muna siya patitirahin nila HM, dahil hindi pa puwedeng tumanggap ng bisita ang palasyo dahil wala ang Hari't Reyna.
Tuwang-tuwa ang ibang studyante dahil we have found her na pero ang hindi nila alam ay isa lamang siyang impostor. Sa kabali noon, disappointed sila sa ugali niya, napakabait raw ng Reyna, pero bakit naman kahit pagkatao nila ay tinatapakan niya? Kung anong plano niya, magtago na siya dahil mahuhuli ko rin siya. Wala akong pakialam kung sino pa siya. Wala silang resemblance ni Mama!
Nadatnan ko sa ibaba sina Sunniva at hindi pa sila kumpleto. Nandito pa rin pala ang ibang recruit, ngayon pa lang pala sila ilalakad nila Tristan para makapag-enroll na. Eh, kung ipasok rin namin si Janria dito as Felicia pa rin? Napangisi ako. Kausapin na lanh namin siya about that. We have to think for a reason para hindi kami magkagulo.
"Ah, may magaganap pa bang something—ranking?" Tanong ng isang babae na hindi ko alam ang pangalan. Pinabayaan ko silang sumagot sa tanong niya. Hindi ko rin alam kung may magaganap pa ba o wala na eh. Sumabak rin kami dati sa ranking pero sa isang section lang naman pala kami mapupunta, gumawa pa ng ritual si Theodore dahil ayaw niyang mawala sa 'min. Palibhasa kasi ay walang tiwala sa sarili.
Umupo ako katabi ng isang babae. Ngumiti lang ito sa akin na tinanguhan ko lang. Kumuha lang ako tinapay at saka nagpatimpla ng kape, nilingon ko si Kuya Isagani na kumakain ng tahimik, malalalim ang iniisip. Katabi niya si Kalister na katabi si Kiara, sinusubuan pa niya si Kalister. Napairap ako.
×××××××××××××××××××××××××××××××××××