Chapter 08
Solstice
Felicia's Point of View
They respected my decision. They know me really well. Wala naman silang magagawa. Kahit pilitin nila ako, hindi na lang ako magpupunta doon, mag-iistay na lang ako dito.
"I have something for you," nilingon ko si Mama na siyang nagsalita. Isinarado nito ang pintuan ng kuwarto ko at saka ngumiti sa akin. Napakunot ang noo ko nang makita ko ang inilabas niya sa pocket ng palda niya. Kuwintas 'yon kung hindi ako nagkakamali.
"Talaga?"
"Regalo ito sa'yo ng Diyosang si Aurora." Inabot niya 'yon sa akin kaagad nang makaupo. "This is to protect you. I don't know kung sa paanong paraan. Sa'yo 'yan." Ngumiti siya.
Pwede ko kaya itong isanla 'pag naghirap kami? I know this is worth a trillion since nanggaling naman siya sa isang Diyosa, but I don't think people would believe me since this is the world where 'possible' doesn't exist. Probably, mabebenta ko lang 'to ng 3 thousand pesos.
"What if isanla ko ito, 'Ma? Will she be frustrated with me?" It was made of gold, ang pendant nito'y diyamante, isang espada na nakadikit sa korona, alam mo 'yong parang nagsisimbolismo nang pagkakaisa ng soberano? Nice.
"Hindi pwede!" Kinurot niya 'ko na ikinatawa ko. "Tarantado ka talagang paslit ka! If you need money, then ask for it! Hindi 'yan mabibili ng trilyones, Felicia, ah!" napanguso ako na ikinairap niya. Wala talaga siyang humour.
"Thank you, 'my. You love me kahit hindi mo ako totoong anak, inalagaan mo ako katulad ng pag-aalaga ng isang ina. I thought, kung hindi mo ako—kung hindi niyo ako itinakas, siguro wala na ako ngayon." Ngumiti ako sa kaniya at niyakap siya. "I love you, 'my. Tell Dada I love him more."
Nakataas ang noo kong naglalakad at hindi pinapansin ang mga estudyanteng nagbubulungan nang matisod ako. Nalaglag ang ilang gamit ko sa sahig. Nabasag pa nga ang tumbler ko.
Narinig kong nagtawanan ang ilang estudyante sa koridor kaya napairap ako, siyempre, nangunguna na doon si Kasandra kasama ang dalawang alipores niya na kung makatawa, akala mo magaganda.
I rolled my eyes, raising an eyebrow. Tumayo ako at mabilis na sinampal siya. Eh ano naman ngayon kung kapatid siya ni Kalister? Natapon ang salamin niya sa sahig that made me smirk.
Tinapakan ko kaagad 'yon bago pa niya ito ipapulot dahilan para mabasag ito.
Napasinghal ito. "Oh my! What did you do, Felicia?!" Pinulot niya ito at naluluhang nilongon ako.
"Oh? Ano? Oh my, oh my ka ngayon, ate ko? OA ka. Salamin lang naman 'yan—"
"Salamin? This is not just a salamin! Gucci 'yan, Felicia!" sigaw niya sa akin.
"Ikaw itong nangtisod sa akin, ngayon ikaw ang victim?! f**k you! Palakpakan naman natin si Kasandra, the pirana!"
"Perena, hindi pirana!"
"Tanga, pirana, isda 'yon! Umayos ka at baka masampal kita, naturingan ka pa namang matalino, hindi mo alam? Dugyot. Ipakain kita sa Perena eh—pirana kasi!" Sabi ko at tumalikod.
"Adiós, Felicia! Hindi na tayo magkikita!" Sigaw niya na hindi ko lamang pinansin, nilingon ko pa siya bago ako dumeretso sa classroom.
"I have something to tell you, Felicia... I mean, we, us. We have something to tell you," sabi ni Anastasia sa akin nang makaupo ako. "A-Ah kasi, ayaw pa sana naming umalis," nagsimula itong umiyak na ikinagulat ko. Niyakap ko kaagad ang babae at saka ito pinatahan.
"What's wrong, bakit? Kumalma ka lang. OA ka talaga,"
"Hindi mo na kami makikita. Kung makikita mo kami, baka afterlife na." Sabi naman ni Joaquin na kumakain na naman ng candy.
"Bakit parang napakadali sa'yo na sabihin 'yan?" Umiiyak na sabi ni Sunniva. "Nakakainis! Ilang araw ka lang naman naming naging kaibigan, 'pakalakas ng impact mo sa 'min!"
"Saan ba kayo magpupunta? I can visit you, saan ba? Sa Canada, sa Scotland, sabihin mo lang, you said it yourself before na galing kayong states, kaya saan sa states?" I know nagsinungaling sila—paano ba pumunta sa Solstice?
"I'm sorry, Felicia, we will visit you, I promise," sabi ni Sunniva sa akin. Ngumiti lang ako at saka yumakap sa babae. Sandali, is Kasandra going with them?! Kaya ba niya sinabing hindi ko na siya makikita? Oh, nice.
I smirked.
While packing my clothes, hindi ko mapigilang hindi kabahan and at the same, I'm excited, sino bang hindi? First time kong pumunta doon, iba pa 'yong noong paslit pa ako, wala pa akong alam noon.
Sabi ni Kalister, sunduin niya na lang ako dito sa bahay.
I closed my suitcase and sighed. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at napatitig sa sarili sa salamin. I wonder kung anong itsura ng Reyna which is my mother. Sabi ni Daddy, she was perfect.
Nakasuot ako ng dress na above the knee, regalo sa akin ni Daddy noong birthday ko. Sabi niya, baka raw magustuhan ko, nagustuhan ko naman kaya nga hindi ko sinusuot. Naka-lugay naman ang mahabang buhok ko at nagmake up lang ako ng kaunti.
Napahiga ako sa kama ko.
Napatingala ako sa kisame at nakita ang dalawang butiking naglalampungan. I rolled my eyes at pinabayaan na lang sila dahil ayoko namang istorbohin sila, baka kapag pinatay ko silang dalawa'y makulong pa ako—eh kung graduating pala silang dalawa? At saka breadwinner pa.
"Felicia," napabangon ako sa pagkakahiga nang pumasok si Mama sa kwarto ko. "Prince Isagani and Prince Travis are here," dalawang araw kong hindi nakita 'yong dalawang 'yon, ah—t-teka, bakit sila kasama? "Sinusundo ka na nila,"
Niyakap ako ni Mama ng mahigpit, parang ayaw niya akong pakawalan. "Do you really have to leave? You should take care of yourself there." I nodded.
"Yes, 'ma."
Tahimik kaming apat habang nagmamaneho si Kalister. Nakaupo si Isagani sa passenger seat, shet, passenger princess siya eh. Pinigilan kong hindi matawa, parang seryoso silang lahat, eh.
Katabi ko naman si Travis, napatikhim ako kaya napalingon sila sa akin. I could feel the awkwardness between us four, and I don't know why kaya hindi ko na sinubukang magsalita pa.
"Felicia," pagbagsak ni Kalister sa katahimikan. Sinilip niya ako sa salamin, itinaas ko lang ang dalawang kilay ko. "I want to introduce you to them not as your schoolmates but as your Kuyas." I nodded.
"Oooh..."
"This is Isagani Ellison, second to the eldest. The prince of Arcadia—of Emerald." Ngumiti sa akin si Isagani, ngumiti rin ako pabalik sa kaniya. "Si Alistair Travis, third to the youngest. The prince of Arcadia—of Isolde."
Nilingon ko si Travis. Should I call him Kuya or something? Kinagat niya ang pang-ibabang labi at yumakap sa 'kin 'agad. Nakaramdam ako ng matinding pagka-ilang dahil doon ngunit kalaunan ay pinabayaan ko lamang siya sa 'kin hanggang sa umiyak ito sa balikat ko, "Okay ka lang?"
"Call me Kuya, please..." Pagmamakaawa niya. "I'm Kuya, Janria... Ku-ya."
'I'm Kuya, Janria... Ku-ya.'
"Kuya..."
Nakatulog ako sa balikat niya pagkatapos at nagising na lang sa hindi sa 'kin pamilyar na lugar, I looked around.
"Is this Solstice?" mahinang tanong ko sa sarili.
"You're awake," si Kalister at nilapitan ako.
"Aaah, you didn't tell me this world is gorgeous! Tingnan mo, I can see everything in here!" Narinig kong tumawa si Kuya Travis. If you're going to ask me if where are we right now, nandito kami sa itaas ng isang bundok!
"Welcome to Solstice, Felicia—or should I call you princess Janria—" pinutol ko si Kalister.
"Oh, I hate that name, please, just Felicia."
"Sino bang nagsabi sa'yong 'yan ang pangalan mo? Janria is just your nickname, you should ask ate about that." Sabi ni Kuya Isagani sa akin na ikinangiwi ko. "And anyways, I suggest you should climb that tower para makita mo pa lahat," sabi pa niya at itinuro ang napakalaking tower sa pinakagitna.
"Don't worry, puntahan natin 'yon tomorrow night," ngumiti sa akin si Kuya Travis at ginulo ang buhok ko. "Did you like it here?" Tumango naman ako at ngumiti sa kaniya.
"Y-Yes."
"Janria," Kuya Isagani called me at kinalabit ako. Napatingin ako sa kaniya, my eyes immediately widened nang makita ko ang apat na pegasus na palapit sa 'min. They do exist? Seryoso ba? I thought they don't! Kinusot-kusot ko ulit ang mga mata ko at kinurot ang pisngi ko.
"They are gorgeous!" Sigaw ko at tumalon-talon. "Sa akin na 'yong pink ang pakpak, she's gorgeous, Kuya!"
"Easy," si Kuya Isagani sa 'kin.
"Oh my, you're gorgeous," I giggled, touching her forehead nang makalapag kami. "Aaah, gusto niya ako! Pinahawak niya head niya!"
"Iyana is her name, ang nanay niya ay pagmamay-ari ng Diyosang si Anova, kaya importanteng-importante siya sa kaharian..." Paliwanag ni Kuya Isagani sa 'kin na ikinatango ko. Pinagdikit ko ang noo naming dalawa at saka ako tinulungang maka-sakay ni Kalister.
"I like you. 'Wag mo 'kong ilalaglag, a?" pagkausap ko sa pegasus kahit na alam kong hindi siya nagsasalita. Umungol ito na ikinatawa ko. "Natatakot kasi ako,"
Iyana slowly rose to the sky. Nakikita ko lahat from here, nakakamangha pala rito. It was different from where I came from... I don't know.
"Kuya, where are we going?" Tanong ko.
"Hindi pa natin makikita ang King and Queen, Janria," sagot sa akin ni Kuya. "Kaya doon muna tayo sa Aurora, kung nasaan si prince Isaac, magugustuhan mo doon. I promise,"
Sinalubong kaagad kami ng mga kawal at ganoon din ang ilang katulong nang makapasok kami sa napakalaking gate ng palasyo. Yumuko kaagad silang lahat nang makita nila kami as respect for the princes. Why not? Isinakbit ko ang braso ko sa braso ni Kuya Travis.
"Welcome, your graces. We've been expecting you, the palace awaits your presence. Please proceed through the gates." Sinalubong kami ng isang guard na hindi ganoon katangkaran. "The prince and princess are waiting for you to arrive, expect them in a minute." Yumuko ito sa 'nim at saka kami iginaya sa reception.
Pina-upo ako ni Kalister na kanina pa tahimik sa isang mahabang sofa. Inasikaso naman kami kaagad, nagbigay sila ng mga inumin na hindi ko naman iniinom kaya hindi na ako nag-abalang kumuha. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, everything inside here is made of gold! Kahit ba ang sahig?
Napanguso ako. "Kapag ba nagnakaw ako dito ay magagalit sila sa 'kin? Everything inside here is gold, nakakatakam!" Singhal ko. Narinig kong napahagikgik ang dalawa, nakita ko ang pagngisi ni Kalister sa 'kin at nagtaas ng kilay, asking me if I am serious.
"You're a princess, Felicia, you don't have to do that, everything in here is yours,"
"Pero parang wala namang thrill 'yon," sabi ko kay Kuya Travis na ikinailing niya.
"Do whatever—everything you want, wala silang pakialam. And I think princess Kalista will like you." Tumango na lang ako.
'Sa kanilang dalawa ni Kuya Isagani, I think siya ang pinakaguwapo.'
"What did you say?" Napatawa ako nang marinig ko si Kuya Isagani na sumigaw. "Sa kanilang dalawa ni Kuya Isagani, siya ang pinakaguwapo?! What do you mean by that? Take it back, sabihin mong ako ang pinakaguwapo! What did you see in him, princess?"
"No!" Nagtatampo itong tumalikod sa akin.
"I don't like you anymore. Ako ang pinakaguwapo dito, ako lang! Wala sa kanilang dalawa,"
"Okay, sabi mo, eh. Pero hindi ko ibabalik. Respect my opinion. It is my perception, accept it. Not everyone is attracted on you,"
"Don't talk to me!"
Tumatawa akong yumakap kay Kuya Travis. "Hindi natin siya bati," he glared at us. Yumakap naman ito kay Kalister na casual na nakaupo.
"Hindi natin sila bati," he repeated, tinanggal ni Kalister ang pagkakahawak sa kaniya ni Kuya na ikinatawa naming dalawa ni Kuya Travis.
"Deserve,"
Napatingin ako sa pinakamalaking painting na nakadisplay sa dingding. Painting 'yon ng isang family, sila Kuya actually. Is she my mother? Napakunot ang noo ko at napatitig doon sa babae.
"Felicia," Kalister called me, napalingon ako para sana tingnan siya, eksaktong nagtama naman paningin namin, umiwas kaagad ito sa 'kin at sinenyasan akong tumingin sa pinto.
"Oh, princess Janria," tumakbo ang babae sa akin at saka ako niyakap. "You're princess Janria, oh my God, darling," nilingon niya ang lalaki na naglalakad palapit sa amin. "She's princess Janria, Isaac, magkamukha sila ni Astrid, oh my dearest,"
I'm not prepared, what should I say?
"Do you know me? I'm your Tita. I'm Kalista, this is my husband, Isaac, your Tito. Kapatid siya ng Daddy mo, kapatid naman ako ng Mommy mo. Oh my, she's gorgeous." Napatawa ako ng kaunti sa reaksyon niya sa akin. She's prettier, oh my!
"You're stressing her, darling, please, pagpahingain mo muna sila..." Sabi ng asawa sa kaniya at inilayo ako sa babae.
"Ayoko nga," yumakap muli ito sa akin at saka ako pinaghahalikan. "'Wag ka, ako ang nagpapalit ng damit mo dati noong sanggol ka pa! Kaya ako palaging nandoon sa inyo kasi you're my favourite,"
"Tita, nandito naman po kami."
×××××××××××××××××××××××××××××××××××