Chapter 07
Disclosure
Felicia's Point of View
"If I proved to you that you really are Janria since you don't seem to believe it, will you come with us to the place where you should be?" Tanong ni Kalister sa akin, nakaupo kaming dalawa sa karinderya, hindi ganoon kalayuan sa school.
Nagyaya siyang maglakad-lakad hanggang sa nakarating kami dito and decided to eat para na rin makapag-isip ako, pero ang tanong, where should I start?
Paano ko itatanong sa Mommy at Daddy ko ang tungkol dito? Paano ako nakarating sa kanila kung ako nga si Janria? Ugh, I don't like that name!
Janria is cheap!
"Ewan ko. Strict ang parents ko, eh." Narinig ko siyang tumawa.
"What did you say?"
"Sabi ko, strict ang parents ko. Kung ipapaalam mo ako, there is a 60% possibility na baka pumayag sila, mapagkakatiwalaan naman ang itsura mo. You don't look kidnapper or something to me, puwede na 'yan—" pinitik nito ang noo ko na ikinagulat ko. "Gago ka ba? Why did you do that?"
"You're OA." Inirapan ko lang siya at hindi na pinansin. Dumating na ang order namin sa wakas, it took 10 to 15 minutes to cook. Nag-order kasi siya ng pancit, samantalang nagkanin naman ako at adobong manok.
"Ayaw mo bang mamatay ng maaga?" Tanong ko na ikinagulat niya. Kasusubo niya pa lang pero iniluwa na niya kaagad ang kinakain niya.
Eh, bakit kasi sa dinami-rami ng choices ay pancit ang napili niya? Pancit is pangpahaba ng buhay right? Alam ko namang masarap, pero ayaw niya bang subukan ang paa ng manok? What about dugo?
"What is that random question, Felicia?"
"Bakit sa dinami-rami ng pagpipilian, bakit ka nagpancit?"
"Why not? Gusto ko lang subukan," nakakunot ang noo nitong sagot. "Is there something wrong with it? Bakit? Ayaw mo ba ng pancit? At saka anong ayaw kong mamatay ng maaga? What are you saying? Wala kasing ganito sa 'min."
"Pancit is pangpahaba ng buhay right—"
"Pangit ka siguro kadate,"
"Bakit hindi mo subukan para malaman mo?" Napatawa ako. "Nagbibiro lang ako, baka seryosohin mo, pero puwede namang ako na lang ang seryosohin mo 'di ba?" Kumindat pa ako.
"Korni mo."
"KJ ka. Hindi na lang sumakay." Napatawa kaming dalawa.
"O to the M to the G! Anong ginagawa ninyong dalawa dito? Nagdidate ba kayo?!" Si Sunniva na ikinalingon namin sa kanila. Napatayo naman ako.
"Ikaw, Felicia, ha! Hindi ka nagsasabi! Type mo pala si Fourth, hindi mo na lang sinabi! Ilalakad ka naman namin sa kaniya, eh!" Si Sabrina kaya napakagat ako sa labi.
"Akala ko ba kasama mo sila Travis, tarantado ka!" Sigaw ni Anastasia kay Kalister. Napatingin sa amin ang mga tao. Napa-facepalm na lang ako dahil sa nakakainis na pagtitig nila. "Ooops. Pasensya na po." Napa-peace sign na lang ito.
"Kabataan talaga ngayon, oo."
"Napaka-iingay."
"Ganiyan talaga mga estudyante sa SIS, mare, walang preno ang bunganga."
"Eh, balita ko nga, mare, diyan nag-aaral 'yong anak ni Nansi, nakikipagjugjugan na raw 'yon!"
"Dapat talagang ibalik na ng DEPED ang GMRC, wala ng respeto ang mga kabataan ngayon."
"Eh, nagchochongke nga raw 'yong ibang estudyante diyan, eh. Kumakasta pa nga raw pagkatapos."
Ngumiwi ako. "Tsismosa, kung magsalita, akala mo naman hindi mababaho ang mga hininga. Pakialamera sa buhay ng iba!" Tiningnan ko sila mula ulo hanggang and I rolled my eyes. "Oh, don't listen to them, Ana. They don't have class. Just. Poor. Old. Women, crying over the past."
"Thank you, Feli, you have the attitude of a Queen."
"Depress lang ang mapapala mo kung pakikinggan mo ang mga katulad nilang walang ibang ginawa kung hindi ang magchismisan. Palibhasa kasi ay mga inggitera." I sighed. "Pabayaan mo na nga." I tsked.
Hindi na namin inubos ang pagkain namin ni Kalister, pagkalabas pa lamang namin ng karinderya ay inulan na kaagad kami ng pang-aasar nila Kirsten, kung ano-ano na naman ang sinasabi nila. Especially, si Joaquin na kumakain na naman ng candy, napansin ko lang, ah, parang napakahilig niya sa candies, especially sa bubblegum. Hindi na yata siya nabuhay nang walang candy, kahapon, noong lunch, inaaway niya si Rashelle kasi bakit hindi raw siya binigyan. Nagtampo pa ito na parang bata, kaya hindi niya na kinain ang tanghalian.
At saka bakit nandito na sila?
"Bakit pala kayo nandito—"
"'Wag mong ibahin ang pinag-uusapan, Felicia! Sagutin mo ang tanong ko! Gusto mo ba si Kalister?" Singhal ni Theodore sa akin. Umiling lang ako. "Sinungaling!"
"Eh? 'Wag kang maniwala. Bakit, sinabi ko bang maniwala ka—"
"Gusto mo nga?" Napamura na lang ako.
"Tumahimik ka nga—"
"Ship! Ship! Ship!" Nangunguna ang boses nila Tristan, kalalaking tao, napaka-ingay, isa pa itong si Theodore. "Ship! Ship! Ship!" Napangiwi na lang ako, at saka napairap.
"Ewan ko sa inyo! Siraulo kayo, kaya tayo napapahiya, eh! Pinagtitinginan tayo, eh," napahilamos na lang ako sa pagmumukha.
"Gaga!" Itinulak ako ni Ana. "Ikaw nga itong nagsabi na 'wag silang pansinin, eh, ikaw naman pala itong bothered!" Singhal niya sa akin at saka ako inakbayan. "Alam mo kasi, Felicia, this is life, nagkakagusto lang tayo. It is normal—"
"Tigilan mo ako sa spoken poetry mo, Ana, baka kapag hindi ako nakapagtimpi sa'yo ay matatampal ko 'yang labi mo—"
"I-kiss mo na lang, puwede naman 'yon—"
"Kalister, inaagawan ka! Paano ba 'yan? Chicken ko 'yan!" Sigaw ni Sabrina na nagpatawa sa akin ng kaunti. "Ah, namimiss ko na si Isagani."
Sila ni Isagani?
"Eh, napakabagal mo kasing gumalaw-go, pareng Kalister, eh!" Natatawang sabi niya at saka ako itinulak kay Kalister. Sinalo niya ako kaagad na nagpa-ingay pa sa boys. "Sa'yo na nga. Joke lang 'yon, nakakadiri pala. Ew." Nagtawanan na lang kami. "Ship! Ship! Ship!"
"Kunwari nagseselos ako," sabi ni Theodore. "Quote niyo." Napangiwi ako.
"Korni mo." Sagot ni Rashelle at saka umirap. "Kalister," pagtawag niya sa lalaki. Sinenyasan niya ito na sumunod sa kaniya na siyang ginawa naman ng lalaki. Sinundan ko naman sila ng tingin hanggang sa mawala sila sa paningin ko.
Gusto ba siya ni Rashelle?
"T-Treat ko na lang ulit kayo," sabi ko at ibinalik ang atensyon sa grupo. "What do you want? Jollibee? Or something? Pumili kayo..."
"Ano, I want KFC," sabi ni Joaquin at kumindat sa akin. Napairap ako. "Shet, hindi niyo na yata nakain ni pare ko 'yong inorder niyo." I shook my head.
"Ayoko doon,"
"Gaga," sinabunutan ako ni Sabrina. "Sabi mo, kami ang pumili!"
"Sabi ko nga," natatawang sabi ko.
"Kami rin. 'Yon na lang," tumango na lang ako at saka kami pumara ng taxi, hindi naman kami kasya sa kotse ko!
"Ah, para sa'yo..." Nanlalaki ang mga mata kong tiningnan ang inaabot sa akin ni Rashelle na kwintas. Kumunot ang noo ko. "Napanalunan namin sa arcade kanina. I thought the you will like the colour, kaya kinuha ko," dahan-dahan ko 'yong kinuha.
"Thank you... Rashelle." Ngumiti ako sa kaniya.
Pinaharurot ko ang kotse ko paalis sa school. Nagdecide sila na doon na lang kami dumeretso pagkatapos naming maggala sa SM. Nagpaalam na ako kaagad sa kanila pagkababa ko pa lang ng taxi dahil kanina pa tumatawag at nagtetext sa akin ang Mommy ko, tinatanong kung okay lang ba ako dahil sa nangyaring pagyanig.
Sabi ko, okay lang ako at gumala lang kami saglit ng mga kaibigan ko, hindi naman ganoon kalakas 'di ba? Nagalit na nga siya sa akin dahil baka magkaroon pa raw ng aftershock. I shook my head, masiyado silang maalalahanin.
Wala na akong nagawa kung hindi madaliin sila Sunniva kahit nakikita kong nag-eenjoy sila. Puwede naman sanang pabayaan ko na lang sila doon pero ang kaso nga lang ay sila ang nagpresintang magsabay-sabay kaming umuwi.
"I know I haven't asked myself about what happened earlier. Paano ko nagawa 'yon?"
"I want to answer your question." I was stunned, hindi ko nilingon ang nagsalita. Napalunok ako.
"It came from within you, Felicia. It is a natural extension of who you are, consider it a natural extension of yourself. It was a precious gift from above, waiting to be awakened. Actually, what happened earlier is an expression of your strength within you, driven by your strong emotion, such as anger or frustration, perhaps that is the result."
I sighed, hindi ko na lang siya pinansin dahil nasagot naman ang tanong ko. I don't want to scare myself, I mean, it doesn't mean she's awful. I mean, seeing someone you don't know? Sinong hindi matatakot?
Nanatili akong kalmado hanggang sa maka-uwi ako. Hindi pa rin nagfufunction sa sarili ko ang nangyayari. It was difficult. Why, what if you're in my position? What can you say?
Nakita ko kaagad ang kotse ni Nadine sa garage, kasama ang kotse ni Reavelle. Nandito na naman siya, anong ginagawa niya na naman dito? Napakunot ang noo ko. I mean, hindi ko naman sinasabi na hindi sila welcome, nanggigigil kasi ako.
"Dad, 'Ma," yumakap lang ako sa kanilang dalawa at nagpilit ng ngiti.
Napatingin ako ng seryoso sa dalawang taong walang pakialam sa pagdating ko. Nagseselpon si Reavelle, nakataas ang paa sa sofa. Hindi pa rin nagbabago ang gaga, ganoon pa rin ang ugali niya.
Si Nadine naman ay ngumunguya ng candy, bagay na bagay sila ni Joaquin, but pretty sure he won't like her.
I sighed. They're still wearing their school uniforms which is hindi pamilyar sa akin, magka-iba sila ng uniporme pero parehas na magaganda ang design, nakakahiya naman sa 'min!
Ewan ko kung saan nag-aaral ang dalawa, kung sa province ba or around the city lang, but I know parehas na prestigious ang eskwelahan nila. Naupo ako sa katabing sofa ni Reavelle.
Katahimikan ang namamayani sa 'min since hindi naman ako pinapansin ng dalawa.
"A-Anak," kinuha ni Mama ang dalawang kamay ko. "I know this is... w-wrong... yes, wrong. Alam kong narinig mo kami noon ni Nadine. Doon pa lang sa parte na nagalit ako sa'yo kasi nakinig ka sa conversation nang conversation ng iba, alam kong alam mong ikaw 'yong pinag-uusapan namin. Alam kong naghihintay ka lang, alam ko..."
I knew it!
"I think... I think, this is the time for you to know the truth because the Royalties are after you. Panahon na para magsabi kami sa 'yo ng totoo. You deserve the truth." Napapikit ako ng mata, naghihintay ng kadugtong.
"You're not mine, hindi ka sa akin nanggaling." Nagsimulang umiyak si Mama. "You're a royalty, a princess, but not just a princess... actually. You're the princess written in the prophecy, meaning you have the responsibility to the save the world."
Hindi ako makahinga. Kaya yumanig kanina because of me. Sandali nga, they know I'm a princess? Are they—napakagat ako sa labi.
"Bakit hindi ko alam 'to? Bakit hindi ninyo sinabi sa akin noon para alam ko, para aware ako, para hindi ako naattached ng sobra sa inyo, ampon lang pala ako."
"Felicia..." Si Daddy sa akin.
"You should've told me, noon pa lang! I don't think I can live without you now!"
"You're still young, and you know nothing! Ngayon pa lang, nahihirapan ka na! You won't understand, Felicia. We just want you to be safe, away from darkness!" Si Daddy sa akin. "Anong gusto mong sabihin ko sa'yo? Anak, hindi kita anak instead na iparamdam ko sa'yo na kamahal-mahal ka at hindi lang tagapagligtas ng mundo?"
"Why? Did my parents abandoned me or something?" Napatulala na lang si Mama sa sinabi ko. "And then tell me kung bakit nandito ang Royalties, after me? You said it yourself, they are after me. Bakit alam ni Nadine na hindi niyo ako anak? What is it? Itinakas?"
"F-Felicia..."
"Itinakas ninyo ako? From what?"
"From something that will kill you!" Si Daddy. "I was your Father's servant. Pinagsisilbihan ko ang Daddy mo, and anytime, I'm willing to protect you. It was not an order to runaway with you, Felicia, but I know, you'll be safe with us."
"And about Nadine, nahuli niya lang kami ng Daddy mo, talking about telling the truth to you. She was a student in a prestigious academy in Solstice, and was tasked to... find you." Si Mommy ko.
Niyakap kaagad ako ni Mama, asking for forgiveness. I shook my head. "You don't have to say that..." Pinunasan ko ang luha ko. "I love you."
"Do you want come with us?" Umiling ako sa tanong ni Reavelle. I don't want her or Nadine or anyone in here. I want another person.
"No."
And that person is... Kalister.
×××××××××××××××××××××××××××××××××××