Chapter 40 Umuwi Hindi ko agad natugunan ang alkalde dahil humihikbi ako nang lubos. Ang mabibigat at nakakapangilabot niyang mga titig ay nasa akin. Batid niya, ang sagot ko ang siyang magtatakda ng magiging buhay namin ni Justice. "Ano na, Donita?" malalim at matigas ang boses ng ama ni Justice. Nag-angat ako sa kaniya ng tingin. Basang-basa na ang pisngi ko ngunit umaalog pa rin ang magkabila kong balikat. Ang bigat sa aking dibdib ay hindi nababawasan kaya't pinilit kong huminga nang malalim. Sinubukan kong ibuka ang aking bibig ngunit walang boses na gustong kumawala. Narinig ko ang paghinga ng alkalde nang marahas. Alam kong naiinip na siya. "Hindi ka pa rin ba magsasalita?" medyo inis niyang bulong. Muli akong huminga nang malalim. Pumikit muna ako at hinayaan na lumandas ang

