Chapter 1
L U C A
"Zig, ano na? Napakatagal ng loko! Nilalamok na ako rito!" Gigil akong nakatingala ngayon sa bintana ng kwarto niya. "Gumagawa pa siguro ng milagro kaya nagtatagal." Napailing ako habang sinasabi iyon sabay kuha ng cellphone mula sa bulsa ko para sana tawagan siya.
Narito kasi ako ngayon sa harap ng bahay nila dahil may usapan kami kanina na sasamahan niya akong uminom sa bar ngayong gabi.
Bago ko mai-dial ang number niya ay lumabas na ito mula sa pinto ng bahay nila. Thank goodness!
Nirolyohan ko siya ng mata habang palapit ito sa akin. Nakasuot siya ng puting longsleeves shirt, maong na pantalon at itim na sapatos.
Sa aming dalawa, siya talaga 'yong ma-porma. Ako kasi 'yong shirt lang palagi at simpleng pantalon lang ang suot. And unlike him, hindi ako nagji-gym. Kaya makikita mo ang difference sa katawan naming dalawa. Sakto lang ang katawan ko ngunit ang sa kanya ay ang uri ng katawan na pag-aagawan ng mga babae at binabae.
"Naghintay ka ba nang matagal, Luca?" he sounds concerned. Hindi ba halata sa itsura ko ngayon? "Pasensya na. I had to finish my last activity na kailangan nang ipasa ngayong gabi. Ayoko namang simulan 'yong bakasyon nang may maiiwan akong schoolwork." Paliwanag pa nito kaya lalo akong nainis.
"Can you stop reminding me anything about school? Nakakapikon, eh." Inis na sabi ko sa kanya. Seryoso lang itong nakatingin sa akin. "Palibhasa ay wala kang summer classes na ite-take." Dagdag ko pa rito.
I failed 3 subjects at kailangan ko 'yong i-take ngayong bakasyon. Oh, 'di ba? Sinong hindi maiinis? Itong summer na nga lang 'yong nilu-look forward ko nang buong taon tapos ilalaan ko lang para mag-aral? Bwiset!
Lumapit sa akin nang bahagya si Zig. Seryoso ako nitong tiningnan while his hand is on my right shoulder. Tiningnan ko ito.
"I told you, right? Ang sabi ko, kapag may hindi ka naintindihan ay puntahan mo 'ko at tutulungan kitang mag-aral." He reminded me. Oo na! Hindi ko 'yon ginawa. "Ikaw, eh! Inuna mo 'yong pakikipag-usap sa lalakeng nakilala mo sa online. Oh, ano ngayon? He ditched you. Now, you have to deal with the subjects that you need to pass." Tila pangangaral pa sa akin nito na parang nakakatanda kong kapatid. Ganito naman siya palagi.
He's always like this. Palagi niya akong pinapagalitan sa mga bagay na napapabayaan ko katulad ng pag-aaral. Hindi niya rin ako sinu-suportahan sa paghahanap ng mga ka-date na lalake sa online. Sa madaling salita, kill joy si Zig.
Alam niya ang s****l preference ko. That I am gay. Mula first year high school palang kami hanggang ngayong third year college na ay tanggap niya pa rin ako at hindi niya ako itinuring na iba. Minsan nga, iniisip ko na baka katulad ko ay bakla rin si Zig pero tuwing titingnan ko siya, malabo iyon.
I'm gay but I'm the type of gay whose actions and the way of speaking are like of a straight guy. There's definitely nothing wrong with acting so gay and speaking so gay. It's just that, ito na ang nakasanayan ko at dito ako lubos na komportable.
"Palibhasa ay wala kang love life kaya ka ganyan sa akin. Ang gwapo mo nga, ang laki nga ng katawan mo pero tingnan mo ang sarili mo ngayon. Wala kang kahit sinong dine-date." Pagtugon ko sa pangangaral niya sa akin. Napailing ito nang marinig iyon. "Dapat sa'yo ay naghahanap na ng babaeng ide-date mo, imbes na palagi mo nalang akong pinapangaralan." Advice ko sa kanya na kahit kailan ay hindi niya tinanggap.
"Paano nalang kung wala ako sa tabi mo? Ilang beses ka na bang muntik mapahamak kung hindi mo lang ako kasama? All these years, I'm saving your ass." Nginisian ako nito. "I don't need a girlfriend. At least for now. Sayo pa lang, nai-stress na ako e, dadagdagan ko pa ba?" pagbibiro pa nito na tinawanan ko lang nang pa-sarkastiko.
"Tama na nga 'tong daldalan. Tara na! Inom na inom na ako, eh." Sabi ko sabay bukas ng pintuan ng sasakyan ni Zig na nakaparada rito sa labas. Pumasok ako roon at gano'n rin siya. "Let's go!"
Sinimulan nang imaneho ni Zig ang kanyang sasakyan. Sa aming dalawa kasi ay siya ang mayaman. Halos lahat ng magagandang bagay ay nasa kanya na.
Samantalang ako, heto at bumabagsak sa school at walang ibang alam kung hindi ang gumimik. Kaya tama siya kanina noong sinabi niyang he's saving my ass all these years. Kasi iyon naman talaga ang totoo.
Pitong taon na kaming magbestfriend nitong si Zig at tuwing mapapa-trouble ako ay siya iyong sumasagip at tumutulong sa akin. Kaya ang swerte ko sa kanya kung tutuosin.
And now, he's being a good friend to me for doing this. Ang samahan akong uminom kahit hindi siya umiinom, para lang samahan akong maglabas ng sama ng loob dahil bumagsak ako sa tatlo kong subjects na kailangan kong i-take ngayong bakasyon.
Isa pa sa mga kinaka-sama ng loob ko ngayon ay ang nabanggit niya kaninang lalakeng nakilala ko online. Akala ko ay siya na, eh. After a week of talking to each other, he ghosted me. Hindi nalang siya nagparamdam. Pakiramdam ko ay isang linggo ng buhay ko ang sinayang ko sa walang ka-kwenta kwentang tao.
Huminto ang sasakyan sa tapat ng resto bar na palagi naming tinatambayan ni Zig. Well, ako lang pala ang may gustong tumambay rito ngunit dahil sa palaging pamimilit ko sa kanya ay palagi na rin siyang nandito tuwing maiisipan kong uminom.
Bumaba na kami roon at pumasok na sa loob ng Drunkin' Doorman, ang pangalan ng bar.
Like usual nights, maraming taong nandito ngayong gabi. Umiinom, nagsasayawan at may sari-sariling mundo.
May mga matatanda, may mga teenager na hindi namin alam kung paano nakapasok rito sa loob at may mga katulad namin. We're both 21 years old.
Alas nuebe pa lang and the night is still young. It's time to drink buckets and buckets of beer!
Si Zig ay naupo na sa usual spot na pinu-pwestuhan namin. Habang ako naman ay nagtungo sa unahan para umorder ng unang bucket ng beer. Umorder din ako ng pulutan, isang platter ng fried chicken.
I gave the cashier a thousand pesos bago bumalik sa table namin ni Zig.
Dimmed ang ilaw rito sa loob ng bar. Disco lights are everywhere. Nakakahilo ito kahit hindi pa naman ako umiinom. Hindi pa rin ako nasasanay sa paggalaw nito.
There is a band in front na nagpe-perform para sa mga customers like a usual resto bar. May mga lasing na at nagsasayawan sa kani-kanilang mga table. May ilan pa akong nakitang naghahalikan. Nakakahiya sila. Hindi ba nila kayang pigilan iyon at umuwi na para sa bahay na nila ituloy? Napailing nalang ako habang naglalakad.
Naupo ako kaharap si Zig. He was on his phone pero ibinulsa niya rin agad ito when he noticed me.
Sakto namang inihatid ng waiter ang inorder kong isang bucket ng beer at isang platter ng fried chicken kanina.
"You'll drink with me tonight. It's all on me." Proud kong sabi habang binubuksan ang isang bote ng beer. Ibinigay ko 'yon sa kanya.
"You know I can't really drink as much as you can, right?" sagot nito sa akin while holding the bottle. Ako nama'y nagbukas ng sa akin. "I'm just here kasi kilala kita kapag nalalasing ka nang sobra. Hindi ka na halos makalakad." Napairap ako kay Zig matapos uminom ng beer.
Heto na naman siya at nagpapaka-kill joy na naman. Paano ako gaganahan nito kung puro siya pag-aalala? Sana pala hindi ko nalang siya sinama.
Nginisian ko siya. "If you really love your best friend, sasamahan at sasabayan mo siya sa mga trip niya. Even if it requires you to be as drunk as he is." Nilapit ko ang bote ng beer ko sa kanya. "Cheers!" Nakatingin lang ito sa akin at napailing.
He finally drank his beer.
Nagkwentuhan lang kami ni Zig for an hour katulad ng palagi naming ginagawa tuwing nandito kami, bukod sa pag a-eye hunting ko ng mga gwapong lalake at pang-aasar ko sa kanya sa mga waitress ng bar.
We even talked about our accounting professor. Ang damuhong nagbigay sa akin ng cinco na grado. Alam ni Zig kung gaano ko siya isinusumpa.
"Wala namang mahirap do'n sa subject niya kung aaralin mong mabuti, Luca." Nakangiti nitong sabi sa akin habang umiinom ng beer.
Napairap ako sa sinabi niya. "Nasasabi mo 'yan dahil matalino ka. Ang hirap kaya ng accounting tapos ang gulo niya pa magturo. Siya ang may kasalanan kung bakit wala akong natutunan sa subject niya, hindi ako." Umiiling ako habang aktong lalagok ng inom sa boteng hawak ko.
Totoo naman kasi talagang ang gulo magturo no'ng matandang iyon. Wala akong naintindihan kaya wala rin akong naisagot na tama sa exam. Hindi ko nga alam kung bakit maning-mani lang para kay Zig ang accounting kahit hindi maayos ang pagtuturo ng professor namin, eh.
Well, knowing him naman, he was the smartest student when we were in high school. Grumaduate kami nang wala akong honor pero siya? Siya ang aming class valedictorian. Hindi rin siya nawawala sa dean's list ngayong college na kami. Ibang klase ang best friend kong ito. Hindi man lang niya ako mahawaan ng katalinuhan niya.
Natawa si Zig.
Binuksan niya iyong pangatlong bote niya ng beer. Habang ako ay nasa panglima ko na. Ito na kasi ang pangalawang bucket ng beer mula kanina.
"Huwag kang magpapakalasing, ah. Nagtext sa akin si Auntie na sabihan kang maghinay-hinay sa pag-inom." Pagpapaalala nito sa akin. "Uuwi na tayo pagkatapos nito." Itinuro niya ang bucket ng beer. Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. Ano ba 'yan!
Nang tingnan ko ang oras sa cellphone ko ay pasado alas dies pa lang naman. Ayoko pang umuwi. Hindi pa ako nakakakita ng gwapo rito, maliban rito sa kasama ko na pinagtitinginan ng mga babae sa kabilang table.
Sinamaan ko ng tingin si Zig. "Lagpas isang oras pa lang tayo rito, pag-uwi na agad ang nasa isip mo? Grabe ka naman. Hayaan mo si Mama, ako naman ang magpapaliwanag roon kahit ma-late tayo ng uwi." Pag-apila ko kay Zig na ngayon ay umiiling na sa narinig. "Why don't you just look around? Maybe then, you can see a girl that will fit to your standards. Ang daming magaganda, oh. Kung straight lang ako, po-pormahan ko ang mga 'yan." Mahinang panunukso ko sa kanya habang kumakain ng pulutang fried chicken. Zig stared at me with disbelief and annoyance.
Tuwing aasarin ko siya sa mga babae at ipipilit sa kanya na maghanap siya ng babaeng matitipuhan niya ay nagagalit ito, as if iyon ang pinaka-worst na idea na narinig niya sa buong buhay niya.
I mean, look at this fine guy in front of me. Napakaganda niyang lalake. Matangkad siya, malaki ang pangangatawan niya, ang bango-bango niya at napaka-gwapo niya like godly handsome. Pero heto siya, sinasamahan ang best friend niyang gumimik at sinasayang ang magaganda niyang katangian.
Kung hindi ko lang siya best friend, pasok na pasok siya sa standards ko pagdating sa isang lalake. Sobra-sobra pa nga, eh.
Sino bang aayaw kung katulad ni Zig na matalino at gwapo ang po-porma sayo?
"I told you, didn't I? Hindi ako interesado." Mariin niyang tugon kaya napairap nalang ako at uminom ng beer. "Look at you, you're getting drunk. Nagiging mas makulit ka kapag lasing ka kaya kung anu-ano nang nasasabi mo." Nginisian ako nito pero hindi ko siya pinansin.
Nagpatuloy kami sa pag-inom and he was right, unti-unti na akong nalalasing. Mas naramdaman ko iyon nang lumipas pa ang kalahating oras. Medyo nahihilo na nga ako.
We were talking for about fifteen minutes about random things. Pakiramdam ko ay masusuka na ako dahil sa dami kong nainom at nakain na fried chicken kanina. Hindi ko na kaya ang uminom pa ng isang bote.
"I feel dizzy, Zig..."
Hindi ko mapigilang isubsob ang ulo ko sa lamesa. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Umiikot ang paligid kapag nakamulat ang mga mata ko. I just want to lay on the ground and sleep.
"Hey, don't fall asleep." I heard him. Naramdaman ko ang pagshake niya sa balikat ko.
"Nasusuka na ako..."
I can't help but to say it. Iyon naman talaga ang nararamdaman ko ngayon.
"Wait for me here. I'll just go to the rest room, real quick. Uuwi na tayo 'pag balik ko." He said. Hindi ako sumagot ngunit alam kong naglakad na siya palayo.
Hindi ko na mapipigilan ang nagbabadya kong pagsusuka kaya pinilit kong tumayo. Muntik ko pang matabig ang mga boteng nasa lamesa. I'm really feeling so dizzy right now but I can't just vomit here.
Kailangan kong pumunta sa restroom kaya nagsimula na akong maglakad kahit hindi na maayos ang bawat hakbang ko.
I can't really see the way clearly dahil sa sobrang kalasingan. Hindi ko na rin maiwasan ang mabangga ang ilang taong madadaanan ko. Nagmadali na ako. Hindi ko na kayang pigilan pa 'to.
Ngunit huli na.
When I bumped into someone, I vomited. Naririnig ko kung gaano kagalit ang taong iyon. When I saw his clothes, puno iyon ng suka ko. And when I saw the bald guy I bumped into, halata sa mukha niya ang inis. Napangiwi ako sa kahihiyan at kaba.
"What did you do?!" Galit na galit ang tono ng malaking boses nito.
Natatawa ko siyang sinagot. "Can't you see? I just vomited on your clothes." Hindi ko alam kung bakit sa mga oras na ito ay nagawa ko pang mamilosopo.
Lalong nagalit ang lalake. "Eh, walang'ya pala ito e!" Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. He punched me. Natumba ako sa sahig at nagtinginan sa amin mga tao sa loob ng bar.
He was about to grab me again after that hard punch. Hindi ako makatayo. Lalo akong nahilo dahil sa lakas ng suntok niya.
Zig, nasaan ka na ba?
Ipinikit ko nalang ang mga mata ko nang aktong lalapitan na niya ako.
Ngunit pagmulat ko ay nagsisigawan na ang mga taong nakatingin sa amin. Nakita ko ang lalakeng sumuntok sa akin na ngayon ay katulad ko, nakaupo na rin sa sahig.
Then, I saw this guy standing in front of me. I thought he was Zig but when he turned and faced me, nakumpirma kong ibang lalake ito.
Natulala ako nang makita ang itsura niya. Hindi gano'n kalinaw ang nakikita ko pero sigurado akong gwapo ang lalakeng ito. Matangkad at matipuno. Hindi ako pwedeng magkamali. Did he just save me from the bald guy?
Marahil ay alam ng lalakeng kalbo na wala siyang laban sa lalakeng sumuntok sa kanya kaya tumayo nalang ito at umalis.
Namalayan ko nalang na inalalayan na akong tumayo ng gwapong lalake na may pag-aalala sa kanya mukha.
"Are you okay?" he asked me and I just nodded. Nang ganito kalapit ay mas lalo kong nakita ang itsura niya. Mukha siyang foreigner.
Inalalayan niya rin akong umupo sa table ko. Naupo rin ito kaharap ko.
Nahihilo pa rin ako ngunit gusto ko siyang makausap. Gusto kong itanong ang pangalan niya pero hindi ko alam kung paano iyon sisimulan.
"Salam–"
A phone call ruined the moment. Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa at sinagot ito. Hindi ko tuloy naituloy ang sasabihin ko.
"Yes, I'm about to leave now." Ang sabi niya sa kausap sa kabilang linya. Mistula itong nagulat. Parang nagmamadali ito. Ibinaba na niya ang tawag at tiningnan ako. "I really have to go. I hope you're okay here." After he said that, tumayo na ito, ngumiti at nagmadaling umalis palabas ng bar.
Ni-hindi ko man lang nagawang magpaalam sa kanya at itanong kung anong pangalan niya. Nakakapanghinayang!
"Luca!" Zig called me habang palapit ito sa akin. Para itong hingal na hingal. "What happened to your lips?! It's bleeding. Are you okay?" alalang-alala ito habang hawak ang panga ko. Kunot-noo niyang tinitingnan iyon. I forgot how painful it was until he touched it.
"Aray!" Tinapik ko ang kamay niya. "Someone punched me...nasukahan ko kasi ang damit niya." I told him what happened.
"What?! Nasaan ang sumuntok sayo?" tila galit nitong tanong habang lumilinga sa paligid. "I told you to stay here habang wala ako. Tingnan mo ang sarili mo, nasaktan ka pa." Umiling ito out of disappointment.
"Eh, ang tagal mo kaya sa restroom. Hindi ko na mapigilan, eh. Kaya naglakad na ako para sana sundan ka roon at doon ilabas." Paliwanag ko habang hinahawakan ko ang parte ng labi ko na ngayon ay sumasakit na. "Saka, pwede bang mamaya mo na ako sermunan? Nahihilo ako lalo sa 'yo, Zig!" Inis ko siyang tiningnan.
Inalalayan niya akong tumayo. "Aalis na tayo at gagamutin natin 'yang labi mo." He told me ngunit hindi ko iyon pinansin.
Nang aksidente akong mapatingin sa upuan ni Zig, I saw something. When I looked closer, I saw a card. More like an identification card.
Kinuha ko iyon at nagulat ako nang makita ang litrato ng lalakeng nakausap ko kanina. Hindi ako pwedeng magkamali. Sa kanya ang bagay na ito.
He must have dropped it habang nakaupo siya kanina rito at nang kunin niya sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone.
I read his name.
Rex Gomez.
Napangiti ako nang mabasa 'yon. Ngunit ang mas ikinatuwa ko ay nang makita na naroon ang contact details at address niya.
Is this what they call destiny?
- End of Chapter One -