L U C A
"Am I not enough?"
Napatitig ako kay Zig. Patuloy ang pagbaba ng luha nito patungo sa gilid ng kanyang tenga. Naniningkit ang mga mata nitong tinitingnan ako ngayon habang hawak niya nang mahigpit ang braso ko.
"Zig, you're so drunk. You should sleep." Iyon nalang ang nasabi ko sa kanya. Hindi ko rin kasi alam kung bakit siya nagtatanong ng mga gano'ng bagay. Hindi ko rin alam kung bakit sa akin niya tinatanong iyon. "Saglit lang, ikukuha kita ng damit para hindi ka lamigin." Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin at tumayo para pumunta sa gilid kung nasaan ang bagahe niya.
"Mahirap ba akong mahalin?" napatigil ako sa paghahanap ng damit nang marinig kong magsalitang muli si Zig. "Sa itsura ko ba? Sa ugali ko ba? Bakit parang ang hirap na mahalin ang isang katulad ko?" dagdag pa nito.
Nang makakuha ng damit mula sa bagahe niya, tumayo ako at humarap sa kanya.
"Ano bang sinasabi mo?" kunot-noo ko siyang tiningnan. Hindi na ito halos makatingin sa akin nang diretso. Hindi ko alam kung anong pinagdadaanan niya dahil never naman siyang nagkwento tungkol sa kahit anong bumabagabag sa isipan niya. "Hindi ka mahirap mahalin, Zig." I told him.
Lumapit ako sa kanya para isuot ang damit na kinuha ko.
"Maybe..." bulong nito habang sinusuotan ko siya ng damit. Para itong bata sa itsura niya ngayon. "Maybe I'm just not enough kaya hindi niya ako kayang mahalin pabalik." He said, then he sobbed. Umiiyak ito na parang bata.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayong nakikita ko si Zig na ganito. Hindi ako sanay. Hindi ganito ang Zig na kilala ko.
Nang matapos ko siyang suotan ng damit, sinamaan ko siya ng tingin. "You are enough. We all are." Inis kong tugon sa kanya. Halos napapapikit na ito. "Kung sino man 'yang taong 'yan, she is stupid, you know? Kasi kung hindi siya tanga, hindi niya ipaparamdam sa 'yo na hindi ka sapat. Zig, you are enough and that's not questionable." I told him.
Hindi ko alam pero may isang parte sa loob ko na gusto ring umiyak habang nakikita si Zig na ganito. I never felt this before. Naaawa ako sa kanya kahit hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito. He never talked about girls before. Kahit ang mga problema niyang personal, ni-hindi niya binabahagi sa akin, even though we're best friends.
Ngayon, pakiramdam ko ay may nalaman akong isang bagay na dapat ay matagal ko nang alam.
He never told me about this pain he's feeling inside...or was I too self-centered for me to notice it?
Pakiramdam ko ay kasalanan ko rin na nakikita ko siyang ganito dahil tuwing magkasama kami ay puro ako nalang ang pinakikinggan niya.
Pakiramdam ko ay ako 'yong nagkulang as his best friend.
"Don't be mad, Luca..." bigla itong natawa. This time, his eyes are close. Bakas ang luhang bumaba mula sa mga mata niya. "I still love that person even if he's stupid and numb..." iminulat niya ang kanyang mga mata at binigyan ako ng isang ngiti. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ako natutuwa.
He tapped my arm before closing his eyes.
"You should rest..." I told him.
Hindi na ito umimik kaya tumayo na ako mula sa pagkakaupo roon sa kama. He immediately fell asleep.
Bago umalis at isarado ang pinto, I looked at Zig. Habang tinitingnan ko ito ay hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya. He's obviously not okay.
Pakiramdam ko ay gusto kong saktan kung sino man ang taong nagpaparamdam sa kanya na hindi siya sapat o hindi siya kamahal-mahal.
Hindi deserve ng isang katulad ni Zig ang taong 'yon. Lalong hindi deserve ng taong 'yon si Zig. He's way too perfect to be treated this way.
When Zig's hurt, I feel the same too.
Isinara ko na ang pinto ng kwarto namin at lumabas na ako para balikan si Rex sa living room. Doon ay dala-dala ko pa rin ang pag-aalala ko para kay Zig. It is showing on my face and I can't help it.
Napansin iyon ni Rex nang umupo ako sa tabi niya.
Ibinaba niya sa lamesa ang bote ng beer na iniinom niya nang makita niya ako. "What's the matter?" he's smiling but I can see on his face that he's bothered. "Is Zig okay?"
Tiningnan ko ito at tinanguan. "He's sleeping now." Sagot ko rito. "Pasensya na sa paghihintay..." I told him.
"No, it's fine." He smiled and I did the same thing too. "He really got carried away, huh? He drank 6 bottles of beer. I hope the hangover will not make him feel bad tomorrow." Rex said and drank his beer.
Kinuha ko ang bote ng beer na iniwan ko kanina. May laman pa iyon kaya inubos ko ito. "I really hope he's okay..." tulala sa hangin kong sambit. "Hindi naman kasi siya talaga umiinom nang gano'n karami. I was shocked to see him that way. It's strange." Napailing ako habang sinasabi iyon.
"What do you mean strange?" Rex asked me. "Maybe, he was just having a good time. Besides, you told him to drink a lot, didn't you?" Natawa ito. Umiling ito at tinungga ang boteng hawak niya.
"No...it's not just that." Napakunot ang noo ko habang nag-iisip at nakatulala sa hangin. "He was asking these stuff earlier, if he's not enough or kung mahirap ba siyang mahalin. Wala naman akong naririnig sa kanya tungkol sa mga babaeng naka-relasyon niya dahil wala naman talaga siyang naging ka-relasyon mula noon. But hearing him like that earlier, hindi ko maiwasang magduda na baka may hindi siya sinasabi sa akin. " Mahabang pagku-kwento ko kay Rex. I looked at him. He's looking at me too, listening patiently.
Tumango-tango ito. "Is there any reason for him to keep it a secret from you?" He asked.
Napaisip ako saglit. "Wala..." sagot ko. "Or I don't know...I don't even know. Baka ayaw niya lang magkwento but I can't see any point with that. Best friend niya ako and will listen to him no matter what it is." I said.
"But what if it's not a girl..." napatingin ako kay Rex when he said that. Napakunot ang noo ko. "What if he's referring to a guy. And he's just too shy to share it with you, that's why he never mentioned it?" napaisip ako sa sinabi niyang iyon pero that's not possible...or at least that's what I think.
Impossible. Ni-hindi ko nakikitaan ng bahid ng pagiging 'hindi straight' si Zig. Isa pa, why would he keep it as a secret from me if that's true? He knows for a fact na kung gano'n man ang mangyari at nararamdaman niya, ako ang unang-unang tatanggap sa kanya dahil gano'n rin ako at best friend ko siya.
"That doesn't make any sense to me." Napailing ako kay Rex at tinungga ang bote ng beer na hawak ko. "Kaibigan niya ako at kung totoo man 'yon, maiintindihan ko siya." I told him.
"Maybe you should give him time. If he really wants to share it with you, he will." Ang sabi pa nito kaya sumang-ayon nalang ako sa kanya at tumango. "For now, let's enjoy the night and finish this." Itinuro niya ang natitirang dalawang bote ng beer na nasa case. Ngitian ako nito.
I smiled back at him.
Kinuha ko ang isang bote at binuksan iyon matapos kong maubos ang iniinom ko. Rex also opened the other one.
Habang umiinom, hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Zig kanina. Hindi pa rin mawala sa konsensya ko ang nakita kong pagbaba ng luha mula sa mga mata niya. I felt the pain that was showing on his face and in his words.
Marahil ay naging self-centered nga ako at hindi ko naisip na may mga pinagdadaanan rin siya.
"The day after tomorrow, babalik na kayo sa Bahaghari. I'm not gonna lie, I'm going to miss this." Napatingin ako kay Rex. Saktong nakatingin rin ito sa akin nang may mapait na ngiti. He drank his beer. "I'm gonna miss you, Luca." Napalunok ako nang marinig siyang sabihin iyon.
Nginitian ko siya. "I'm going to miss you too, honestly." Tumingin ako sa beer na hawak ko bago tuminging muli sa kanya. "Kung pwede nga lang ay huwag nang matapos ang gabing ito o bumagal ang takbo ng oras, hihilingin ko." Ang korni no'n pakinggan but Rex seems to feel the same way I do.
Pareho kaming natawa at napangiti sa isa't isa bago sabay na tinungga ang beer na hawak namin. Nangalahati na ito.
"Nandito ka pa naman. Nandito pa tayo. Let's make the most out of your stay here." He told me. "Besides, pwede naman akong pumunta roon sa Bahaghari at ikaw rin dito. We can still see each other even if this is all over." I felt the sincerity in his voice when he said that. Napangiti ako lalo. Iyon rin ang gusto ko.
He smiled at me and pinched my cheek. Pareho kaming tipsy ngayon. Ngunit bakit ganito? Bakit parang kahit walang nangyayari sa pagitan naming dalawa, bakit ang saya-saya ko?
I never thought that sitting right next to someone you like can be this satisfying and enjoyable at the same time.
Hindi ko maiwasang kiligin.
Parang kailan lang kasi noong pinlano ko ang pagpunta rito para isauli ang ID niya. And now, here we are.
It feels like, we're on the same feeling. Pakiramdam ko ay pareho kami ng nararamdaman para sa isa't isa kahit ilang araw pa lang kaming nagkakasama...at kahit hindi namin inaamin iyon.
"I'm happy that we accepted your offer for us to stay here. I'm happy because we met." Hindi ko mapigilang sabihin iyon sa kanya. Napangiti si Rex nang marinig iyon. "Gusto ko lang malaman mo na kapag natapos na lahat 'to, gusto kong gawin natin ulit." I smiled at him. Ininom ko ang natitirang laman ng beer ko.
Rex moved closer to me. "Kahit hindi mo sabihin, gagawin ko 'yon." He responded. Nakatingin ito diretso sa mga mata ko. "I never met someone who's as lively and bright as you, Luca. There's just something in you that I really like, the first time I saw you. You're different." Nagulat ako sa sinabi niya.
I don't know what he meant by that but it gave me the kilig that made me smile even bigger.
"Me too..." I said while looking in his eyes. "When I met you, I know you're different. And it's a good kind of 'difderent'." Ang sabi ko kay Rex suot ang isang malaking ngiti.
What I really meant when I said that he is different is that he's not like the guys I met before. More than his handsome face, pakiramdam ko ay hindi siya katulad ng iba na hindi pang-seryosohan.
When I saw Rex that night at Drunkin' Doorman, for the first time in my life, pakiramdam ko ay nahanap ko na ang lalakeng para sa akin.
He moved closer to me, again. At sa pagkakataong ito, sobrang lapit na niya sa akin. I can smell his nice perfume, pati ang beer na humalo na sa amoy ng mabango niyang hininga.
Nagulat man, hinayaan ko siya.
Nakangiti ko siyang tiningnan habang marahan niyang inilalapit ang kanyang mukha sa akin.
I feel nervous but I want this to happen, gusto ko siyang halikan. Gustong-gusto ko.
"I want to kiss your lips so bad, Luca..." he whispered.
Habang nakapikit ay napangiti ako.
Nararamdaman ko na ang kanyang labi na papalapit sa akin pero sa huling segundo na 'yon, nagdalawang-isip ako.
I stopped his lips from kissing mine.
Inilagay ko ang daliri ko sa labi niya. He opened his eyes. Napangiti ito at gano'n rin ako.
He then moved away and nodded while looking at me.
"I'm sorry." Sabay naming sambit sa isa't isa. Sabay rin kaming napangiti at natawa.
Hindi ko maintindihan kung bakit pinigilan ko ang sobrang lapit na niyang paghalik sa akin pero siguro, gusto kong huwag kunin nang mabilisan ang lahat.
I like Rex and I want to know him more.
Masaya ako sa mga nagdaang araw na kasama ko siya, maski hanggang ngayon and it will make me more happy kung magtatagal ang saya na 'yon at hindi lang matatapos sa isang halik.
"I had a good time tonight. Thank you, Rex." I sincerely said.
Nakatingin ito sa akin na may bahid ng hiya dahil sa naudlot naming halik.
"I did, too. I should be the one thanking you...and Zig." He said. Napangiti ako.
Tumango ako sa kanya at ibinaba ang bote ng beer na hawak ko. "So, I guess...we should both rest now?" tumayo na rin siya. He nodded with a smile. "Good night, Rex."
He smiled and kissed my cheek.
Sa bilis no'n ay hindi ko iyon namalayan.
It made me speechless.
"Good night, Luca."
- End of Chapter Ten -