L U C A
And our last day in Buwan City has come.
Maaga akong nagising. Naabutan ko si Rex sa kusina nang maisipan kong magtimpla ng kape. It is only 6 in the morning.
He's wearing a white tank top that gives his chest and muscles more exposure. He's sitting in front of the kitchen counter.
Napangiti ito nang makita ako.
"Good morning," he said.
He's having a coffee right now. Napangiti ako habang papalapit sa harap niya. Umupo ako roon.
"Good morning," bati ko rin kay Rex.
"Do you want me to make you some coffee?" nakangiti nitong alok pero tinanggihan ko ito.
"Nope. Ako na. Salamat." Sagot ko sa kanya at kumuha ng baso na may mainit na tubig. Umupo ulit ako roon at nilagyan iyon ng kape at creamer na nakalagay sa lamesa. "Ang aga mo yata ngayon magising?" I asked Rex na hindi maalis-alis ang tingin sa akin.
Ngumiti ito. "Gusto ko lang sulitin 'yong huling araw na nandito kayo sa Buwan. Besides, waking up an hour early won't hurt." He said. Tumango-tango ako habang hinahalo ang kapeng ginawa ko. "Ikaw? Hindi ba masakit ang ulo mo? How's Zig, by the way?" he asked.
Oo nga pala, nag-inom nga pala kaming tatlo nina Zig kagabi. I almost forgot that I drank at least 4 bottles kagabi.
Ngunit ang hindi ko makakalimutan ay kung paano kami muntik maghalikan ni Rex last night. Napangiti ako bigla nang alalahanin iyon.
"I'm good. Hindi naman ako nagka-hangover. Sana ikaw rin." Nakangiti kong tugon rito. "Si Zig naman, he's still sleeping. Ayoko namang gisingin siya para magkape dahil sigurado akong mahihilo lang iyon. Hinayaan ko muna siyang matulog roon." Matapos sabihin iyon ay humigop na ako ng kape.
Definitely, the best thing I've tasted today.
Tinanguan ako nito at ngumiti bago humigop muli sa kanyang kape at binalingan akong muli ng tingin. "So, what's your plan today?" napataas ang kilay ko when he asked me that question. "This is your last day here. Any plans? Kayo ni Zig?" he's asking me if we have a plan for today but honestly, matapos ang kagabing pag-iinuman namin ay hindi ko rin talaga alam kung anong plano namin ngayong araw.
Maybe there's no plan for today. Given that Zig is still asleep and for sure, he'd love to stay in bed rather than going out somewhere.
"I don't think we have plans today," I took a sip from my coffee after answering Rex. I looked at him with a smile. "Zig will rather stay in here for sure. He'll surely have a hard time dealing with his hangover." Rex nodded and smiled at me.
"Sinong may hangover?"
Napatingin ako kaagad sa likuran ko when I heard Zig. Nagulat akong makita itong gising at mukhang hindi man lang nakakaramdam ng kahit anong sakit ng ulo.
He's wearing a black tank top.
Maayos na rin ang buhok nito at tila fresh from the bath kahit hindi naman. Well, he does look like this every goddamn day. But I thought, ibang Zig ang makikita ko today. I was wrong.
"You're up..." hindi ako makapaniwala. He walked towards me and had a sip from my coffee. Umupo ito sa tabi ko.
"I am." He responded. He looked Rex. "Finally, our last day here. I can't wait to go back to Bahaghari." Then he looked at me.
Napatingin naman ako kay Rex bago binalingan ng tingin si Zig. He's acting like himself again. Parang hindi nga niya naaalala ang ginawa niyang pagpapakalasing kagabi. Maybe he doesn't even remember saying those things to me.
"You should make yourself your own coffee, instead of drinking mine." Irita kong sabi rito nang makita kong sa pangalawang pagkakataon ay humihigop na naman siya sa kape ko.
This is Zig even back then. Palagi siyang ganito, mahilig maki-share sa kape ko. Hindi naman siya tamad pero kape ko nalang palagi ang binabanatan niya, imbes na magtimpla siya ng kanya. Isa 'yon sa mga ayaw ko sa kanya. Not my coffee, please.
Ibinaba niya ang baso matapos humigop mula roon. "Ito naman, parang hindi naman tayo madalas nagsasalo sa iisang kape." He laughed slightly. Kunot ang noo kong nakatingin rito.
"Let him have your coffee, Luca. You can have mine, instead." And immediately, my mood changed when I looked at Rex. Tumingin ako sa kape niyang halos nangangalahati pa lang. I looked at him and smiled.
"Thank y"
"Thanks, Rex! Gusto ko pa naman ng black coffee." Hindi ko naituloy ang sasabihin ko at ang aktong pagkuha ko sa baso ni Rex nang kunin iyon ni Zig.
Napatingin ako rito nang inumin niya iyon. Unti-unting kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit ganito kaaga ay nang-iinis siya. Wala ba siyang sakit ng ulong iniinda? Sana talaga sumakit ang ulo niya sa kape.
Aktong kukunin ko na sana kay Zig ang kape ni Rex but Rex held my left hand on the table. Tiningnan ko ito. Sinenyasan ako nito nang nakangiti.
"It's okay." He said.
Wala na akong nagawa kung hindi hayaan nalang si Zig na ubusin ang kape ni Rex. I finished my own cup and still pissed off of him.
Kung kagabi ay nakakaramdam ako ng awa sa kanya. Ngayon, hindi ko na maramdaman iyon. Parang ibang tao siya ngayon. Parang wala naman siyang problemang iniinda. Napaisip tuloy ako habang tinitingnan ko siya.
What's with him now? What was with him last night? Was that all because he was drunk? Or is he covering it all up now? Ang gulo-gulo ni Zig. Hindi ko siya mabasa. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang tanungin patungkol sa mga sinabi niya kagabi o huwag nalang.
Pero still, kung isasantabi ko ang inis ko sa kanya ngayong umaga, nako-konsensya pa rin ako sa kanya tungkol sa mga narinig ko mula rito kagabi.
His words made me feel how self-centered I am for not even noticing that he's been going through something.
Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko alam kung paano ko magagawang paaminin siya sa problemang dinadala niya nang hindi ako 'yong nagtatanong.
I mean, I can definitely ask him anytime but for me, gusto kong siya mismo ang mag-open up sa akin dahil best friend niya ako at dapat ako 'yong unang makakaalam no'n.
"I think I want to go somewhere," agad kong tiningnan si Rex at nginitian ito bago balingan ng tingin si Zig. Pati ito ay tila na-intriga sa sinabi ko. "Just the two of us, Zig." Pilit ko itong nginitian.
Rex seemed to understand my plan.
Alam niya kasi kagabi pa kung gaano ako nag-aalala para kay Zig at sa mga narinig ko mula rito. He knows how eager I am to know Zig's problem. Kaya siguro hindi na siya nagulat nang sabihin kong gusto kong lumabas kami ni Zig nang kaming dalawa lang.
Zig looked at Rex. He looked back at me, smiling like a kid. "Sure!" ang pagpayag nito. "Anywhere. I'd love to go with you, Luca." He added. Napatango ako rito.
"Alright, let's go." Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at tiningnan ang tila nagulat na si Zig. "Tara na."
"You mean, right now?" paniniguro nito na tinanguan ko naman. "Saan tayo pupunta?" he asked. I rolled my eyes at him.
I looked at Rex. "Lalabas lang kami to jog, Rex. We'll be back later." I informed Rex. Nakangiti itong tumango. He knew it already. Tumingin akong muli kay Zig. "Halika na!" I grabbed Zig's hand at hinila ito patayo sa kanyang pagkakaupo.
Wala siyang nagawa.
"Wait, Luca. What's with the rush?" ang tanong nito sa akin matapos ko siyang halos kaladkarin palabas ng bahay. "I'm just wearing this and it's cold outside. It's freakin' 6 am!" he told me.
"Makakatulong 'tong pagja-jogging na 'to para mawala 'yang hangover mo," I said while pulling his hand.
Lumabas na kami ng gate.
"But I don't have hangover. Hindi masakit ang ulo ko. I'm all good!" he answered me. Nilingon ko ito at binitawan ang kanyang kamay. "If I knew that you were talking about going on a jogging earlier, hindi na sana ako sumama." Ang sabi pa nito.
Huminto ako sa paglalakad. "We are not going to jog, Zig." Bigla siyang nalito nang marinig iyon.
"Are you nuts?" tanong nito sa akin na napatigil rin sa paglalakad. "You just said the word 'jogging'. What's with you?" tanong nito sa akin. Napailing ako habang tinitingnan siya.
"Can we just walk and enjoy the moment? Gusto kong maglakad-lakad kasama ka." I told him. "Ayaw mo ba?"
Tiningnan ako nito nang may pagtataka sa kanyang mukha. "Seriously, gusto ko kahit ano pang gusto mong gawin natin. Jogging, walking or whatever, Luca." Pinangliitan ako nito ng mga mata. "You're just acting weird. Kanina ko pa napapansin the moment you pulled and rushed me from the house. Honestly, what's wrong with you?" seryoso ang itsura nitong nakatingin sa akin ngayon.
Naglakad ako ng marahan at sinenyasan siyang sumunod sa akin. Ilang segundo akong hindi sumagot. Naglakad rin ito nang marahan at sinabayan ako.
Naglalakad kami ngayon sa gilid ng kalsada. Sa kabilang parte ng kalsada ay damuhan at ang ilog na una naming napansin noong unang araw namin rito sa bahay-bakasyunan ni Rex.
Nagpatuloy kaming dalawa sa paglalakad.
Patuloy ang pagtingin sa akin ni Zig ngunit hindi ko siya tinitingnan pabalik. I know, he's confused. Alam kong naghihintay siya ng sagot sa tanong niya sa akin kanina. Sadyang hindi ko lang talaga alam kung paano sisimulang buksan ang topic na nasa utak ko dahil sa totoo lang, pati ako ay nawi-weirduhan rin.
Huminga ako ng malalim at huminto. Napahinto rin siya nang mapansin akong huminto. Hinarap ko siya.
"Ang totoo n'yan, hinila kita palabas ng bahay dahil may gusto akong marinig mula sa 'yo, Zig." Diniretso ko na ito. Halata ang pagtataka sa kanyang mukha nang marinig iyon. "Gusto kong marinig 'yong totoo, Zig."
Nagulat siya. "What?" unang salitang lumabas sa bibig niya. "Anong totoo? Anong gusto mong marinig?" tila walang kaide-ideya nitong tanong sa akin.
Napahilamos ako ng mukha nang marinig ang sagot niya. Binigyan ko siya ng isang seryosong titig. "Zig, best friend mo ako. You should tell me whatever it is that's bothering you. Hindi 'yong kung hindi ka pa malalasing, hindi ko pa malalamang may pinagdadaanan ka pala." Lalo siyang nagulat. "Did I hit the nail on the head?"
"What exactly are you saying, Luca? Just give it to me straight!" may lito sa tono ng boses nito habang tila pinipilit alalahanin ang mga nasabi niya kagabi. "What is this all about?"
Napailing ako out of disappointment. Gano'n ba kahimbing ang tulog niya para hindi niya maalala na umiyak siya kagabi and told me things that I never knew? Things that I should know?
"Kagabi, you were so drunk, binuhat kita papunta sa kwarto. You cried and told me these things..." natigilan ako at napatingin kay Zig. Nag-aalangan akong sabihin sa kanya ang mga iyon.
"What things?"
I breathe heavily. "Y-You asked me if you're not enough as a person...you asked me if...mahirap ka bang mahalin." Diniretso ko na ito. Bakas ang pagkabigla sa kanyang reaksyon. "Kung bakit parang kahit anong gawin mo, hindi pa rin niya kayang mahalin ka pabalik..." dagdag ko at tiningnan siya nang seryoso.
Tumango-tango si Zig nang marahan at yumuko bago tumingin sa akin nang may pilit na ngiti. "So, I wasn't dreaming last night. I did actually say those things to you..." he answered me as if he remembered all the stuff he said last night.
"Hell yes, Zig. You weren't dreaming and I heard all the things you said last night." Ang sagot ko rito. Napailing ito at napangiti as if it was just a joke or something. "Ano? Ngingitian mo nalang ba ako at hindi mo man lang ipapaliwanag ang tungkol doon? Who's the girl? Best friend mo ako pero wala kang nababanggit sa akin. Bakit mo kailangang itago iyon?" sunod-sunod kong tanong kay Zig.
Nakatingin lang ito sa akin hanggang mapawi ang kanyang ngiti. "There's no girl, Luca." He answered. "And if you really heard me last night ay dapat may idea ka na kung sino iyon. But here you are, asking me these things as if you don't have a single hint about that person I was referring to." Napailing siya, napatalikod ito at ginulo ang kanyang buhok.
Hindi ko siya maintindihan.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya. "Paano ako magkakaroon ng ideya kung sino ang tinutukoy mo kagabi kung never ka namang nagkwento na palihim ka na palang nasasaktan sa kung sino mang tao na 'yon? Sige nga, Zig?" I asked.
Nilingon ako nito. Seryosong-seryoso ang kanyang mukha. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Nevermind, Luca." Aktong aalis na siya pabalik sa pinanggalingan namin pero hinila ko ang kamay nito.
"We're not done, Zig!" I shouted. "Walang babalik roon hangga't hindi ka nagku-kwento sa akin. So, please?" pakiusap ko rito dahil kating-kati na akong malaman kung sino ba ang taong nagbibigay ng problema sa puso niya. Gusto kong malaman iyon dahil best friend niya ako at pakiramdam ko ay karapatan ko iyon.
Napailing ito at tumingin sa akin nang diretso. "I said it wasn't a girl." Pag-uulit nito sa narinig kong pahayag niya kanina. Napakunot lalo ang noo ko.
Gusto kong kumpirmahin kung tama ba ang nasa isip ko at kung tama ba ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya.
"If it's not a girl, then..."
Sandali itong tumitig sa akin nang seryoso bago huminga nang malalim at sinabi ang mga salitang hindi ko inaakalang maririnig ko mula sa kanya.
"Oo, Luca..." he answered. "It's a guy."
- End of Chapter Eleven -