Z I G
"Why did you keep it as a secret from me? I'm your best friend, Zig. Maiintindihan naman kita!"
Luca is obviously shocked from what he just heard from me. I just came out to him. Malamang ay iniisip niya na all this time ay itinago ko ang tunay kong pagkatao.
But I didn't. He just never noticed.
"Hindi ko itinago bilang sikreto na hindi ako straight, Luca." I told him while looking straightly in his eyes. Seryoso ako nitong tinitingnan ngayon, as if he witnessed a crime and I'm the culprit. "Ako pa rin 'to. Ako 'to all this time. It just happened that I am not straight. Hindi ko sinabi sa 'yo kasi wala rin namang magbabago dahil sabihin ko man o hindi, ganito pa rin ako." I've tried to explain it to him pero mukhang hindi 'yon nakatulong.
"But I should know the real you, dapat alam ko kung straight ka talaga o hindi dahil kahit ano ka pa, tatanggapin kita." Kumalma ang boses niyang kanina ay mataas pero kunot pa rin ang noo nito. "Best friend kita, Zig. Wala dapat tayong itinatago sa isa't isa. Lalo na ang ganyang bagay dahil alam mong ganyan rin ako at maiintindihan ko ang nararamdaman mo." He added but it made me smirk in sarcasm.
"Hindi mo maiintindihan ang nararamdaman ko, Luca. You've never understood and you'll never understand." I told him with conviction bago bitawan ang pagngisi ko sa kanya. Gusto ko nalang maiyak ngayon sa harap niya.
Nang marinig niya ang sinabi ko, he acted as if he's too confused. Para ngang wala siyang na-gets sa mga sinabi ko. Wala siyang naiintindihan! It sucks!
"Puwes, ipaintindi mo sa akin kung ano ang hindi ko naiintindihan sa 'yo!" Sigaw niya.
I just stared at him for a couple of seconds.
Hindi ako makapaniwalang pagkatapos niyang marinig ang mga sinabi ko kagabi at ngayong nalaman niyang hindi ako straight, na umiibig ako sa isang lalake, wala pa rin siyang ideya sa totoong nararamdaman ko para sa kanya.
Isn't obvious? All this time, I gave so many hints. I told him that I'm in love with a guy who never really noticed me. Wala naman akong ibang kasama sa bawat araw ng buhay ko kung hindi siya lang. Wala akong ibang minahal kung hindi siya lang. Why can't he think of that as a strong hint?
Kailangan ko pa ba talagang sabihin sa kanya para malinawan siya? Do I really need to confess to him before he figure it out?
"You should know by now who's the guy I was referring to last night." I forced a smile on my face but deep inside, I'm hurting to see how numb he is for not having a slightest clue. "But it seems like, you will never be able to know him." Dahil kasing manhid mo siya, Luca. That's what I wanted to say but goddamn it, I can't get myself say that to him.
Bakas ang sobrang pagtataka sa mukha niya. Napailing ako at napangisi habang nakikita siyang ganito, litong-lito.
"Quit this guessing game, Zig! If you want to tell me who the fudge is that guy, then tell me!" he shouted at me. He's pissed off the same way I am. "But if you don't, suit yourself! Walang pumipilit sa 'yo!" after saying those words of anger, he ran off.
Nagmadali siyang tumakbo pabalik sa bahay ni Rex. Naiwan akong mag-isa sa gilid ng kalsada. Hindi ko maipaliwanag ang inis na nararamdaman ko ngayon. It's unexplainable!
I kicked the empty bottle of water I saw on the ground. Why is he so numb?!
Nagagalit siya sa akin ngayon dahil pakiramdam niya itinago ko sa kanya ang totoong pagkatao ko, that I lied to him. Iniisip rin niya siguro na ipinagdadamot ko sa kanyang i-kwento ang tungkol sa lalakeng sinabi kong mahal ko pero hindi ako kayang mahalin pabalik.
Ako? Galit ako sa sarili ko. Galit ako dahil hindi ko magawang magtapat ng nararamdaman ko para kay Luca. I hate myself for just giving him hints and not directly confessing to him. Nagagalit ako sa sarili ko kasi ngayon, pati siya ay nalilito na at pakiramdam niya ay hindi ko siya pinagkakatiwalaan bilang best friend ko.
But how can I tell him who that guy is kung siya na mismo ang lalakeng 'yon? Ang hirap! How can I confess kung tuwing iisipin ko, pakiramdam ko ay talo na kaagad ako dahil alam kong hanggang pagiging matalik lang na kaibigan ang turing niya sa akin?
Bakit ganito? Bakit umaasa pa rin ako na kapag sinabi ko sa kanya ang totoong nararamdaman ko ay magkakaroon ng chance kaming dalawa? Kahit una pa lang, alam ko nang wala naman akong pag-asa sa kanya.
And here's Rex, ang lalakeng bago lang sa buhay niya pero heto, pakiramdam niya ay ang lalakeng iyon ang para sa kanya.
Gusto ko ako, eh. Gusto kong malaman niya na ako 'yon. Ako 'yong lalakeng para sa kanya dahil ako 'yong lalakeng mahal na mahal siya simula palang noong una.
But how can I confess?
Napahilamos ako ng aking mukha gamit ang palad ko. Huminga ako nang malalim bago maglakad pabalik sa pinanggalingan ko.
Maybe I should give it time.
Besides, Luca will not going to talk to me for a while after what happened and after what he have learned from me.
But I promise, 'pag nakabalik na kami sa Bahaghari, sasabihin ko na sa kanya ang lahat. I will tell him everything I never told him. Lahat ng gumugulo sa isip niya ngayon, lilinawin ko iyon.
When we get back, I'll confess my feelings for him.
Kinabukasan...
Nagising ako sa ingay ng lakas ng ulan.
I woke up without Luca inside our room.
Kahapon pa ako nito hindi iniimikan at hindi ko alam kung dito ba siya natulog sa kwarto naming dalawa o hindi. Maybe not.
Hindi ko rin kasi siya magawang imikan dahil hindi ko magawang kausapin siya tungkol sa bagay na 'yon. So, there's this awkward silence between us since yesterday.
I glanced at the window. Sobrang lakas ng ulan sa labas. I checked my phone to see what time it is now and it's already 7. Today is the day we're going back to the Bahaghari.
Luca and I agreed that we'll be going home at 10 in the morning. But looking at how the rain pours, mukhang hindi iyon masusunod.
Lumabas ako ng kwarto and went to the living room where I saw Luca, sitting while reading a book. Nang mapansin ako nito, he looked at me with a calm face. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya o kung dapat ba akong umimik.
Naputol ang tinginan naming 'yon nang dumating si Rex. He's holding his phone and immediately looked at us.
"Guys, I don't think you can go home today." We're both shocked when we heard him say that. He glanced at his phone. "There's a typhoon. I heard it from the news." Alalang dagdag niya while looking at Luca.
As much as I don't believe this guy dahil pakiramdam ko ay alibi niya lang ito para magtagal kami rito at makasama niya si Luca, gusto ko ring makasiguro kaya agad kong kinuha ang cellphone mula sa bulsa ko.
I opened it and went to the internet. I was surprised to see the news about the typhoon Rex was talking about. May bagyo nga at sa puntong ito, signal number one na ang lugar kung nasaan kami ngayon.
"It's best for you to stay here hanggang kumalma ang panahon." Rex suggested. Napatingin ako rito bago balingan si Luca ng tingin. He's looking at me too.
"Guess that we don't have a choice," Luca said and put down the book he was reading. "We'll have to stay here or else, mapapahamak tayo sa daan." Tiningnan ako nito as if he is telling me to agree. Iyon rin naman ang gusto ko, ang huwag kaming mapahamak. So, I guess we don't really have a choice, indeed.
"Yeah, sure." Pagsang-ayon ko kay Luca and looked at Rex. "We'll stay here until the storm is over." Sabi ko rito. Rex just nodded.
They both smiled to each other.
Hinihiling ko nalang na sana bukas ay maging maayos na ang panahon. Gusto ko nang umuwi. Gusto ko nang iuwi si Luca dahil habang nagtatagal kami rito, lalong lumalalim nararamdaman niya para kay Rex.
Call me selfish but in the first place, I was not supporting his feelings for this guy and even now, hindi pa rin 'yon nagbabago. They just met, after all.
I sat on the other couch and played with my phone. Rex sat beside Luca. Habang tinitingnan ko kung gaano kalapit ang pagitan nila sa isa't isa, hindi ko maiwasang makaramdam ng inis. Sa kanilang dalawa but most definitely, to Rex. Man, he's really making a move since the day we arrived here at his place.
Hindi ko alam kung bakit ganito nalang ang nararamdaman kong inis sa Rex na 'to. Alam kong higit sa pagseselos, naiinggit rin ang isang parte ng pagka-lalake ko sa kanya. Kasi siya, kahit kakakilala palang niya kay Luca, nagagawa niyang pormahan ito and Luca is happy with it. Samantalang ako, ginawa ko na lahat ng mga bagay na magpapasaya sa kanya, including this trip pero parang hindi naman niya napapansin 'yon.
Kasi ang mga lalake lang na gusto niya ang nakikita niya. At ngayon, si Rex iyon.
Makalipas ang ilang oras, we had lunch together. Matindi pa rin ang buhos ng ulan sa labas. Seryoso ang panahon at lalo kong naramdaman 'yon dahil sa lamig ng pakikitungo sa akin ni Luca hanggang magdinner kaming tatlo.
After having our dinner, Rex stoop up from his seat and announced the little game he wants us to play.
"Truth or dare?" napailing ako habang nakangisi. "Ang bago, ah." I said. Napatingin sa akin si Luca ng kunot ang noo. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko patungkol sa suhestiyon ni Rex.
Totoo naman, eh. Ang luma na ng larong 'yon. Isa pa, hindi naman kami mga high schoolers para laruin 'yon. Why would he even think about playing it?
"Ako, I'm up for it!" Luca approved Rex's game and looked at me as if he wants me to agree too. "Pwede namang tayo nalang dalawa kung ayaw nung iba d'yan." Nakaharap siya kay Rex but he's obviously referring to me.
Napailing ako.
Rex looked at me as if he's waiting for my final answer. Wala na akong nagawa but to give in.
"Fine." Sagot ko and looked at Luca. "I don't want someone to think that I'm being selfish for not agreeing to play this game." Nakita kong umirap ito.
"Good!" Rex said. "Now, let's play the game."
We all went to the living room. We are all sitting on the floor, looking at an empty bottle that Rex put in the middle while we are circling it.
Sa ilang ulit na pagpapaikot ng bote na 'yon, the usual questions were asked to each one of us when we picked 'truth' and simple commands were done when we chose to do 'dares'.
But after more than 20 minutes of sitting on the floor and playing it, I got bored. Hinihintay ko nalang na matapos ang larong 'to at makapagpahinga na. Luca seems to enjoy the game as much as Rex. Ako lang 'tong hindi.
Nang tumapat ang bote kay Rex. The guy chose 'truth' and Luca asked him.
"Sinong nagugustuhan mo ngayon?"
Napangisi ako nang marinig ang tanong na 'yon ni Luca sa kanya. They both smiled to each other. Now what, Luca? Are you expecting that he'll answer you and say your name? Damn.
"You..."
Napatingin ako kay Rex when I heard him say that. Hindi ko mapigilan ang kamay ko na mapatikom sa inis dahil sa sinabi niya. He's smiling at Luca and the latter was surprised. Nakangiti ito sa kanya.
Hindi ako nagsalita kahit sa loob ko, gusto ko nang sabihin na itigil na ang larong 'to. Gusto ko nang tumayo at umalis pero hindi ko magawa.
Matapos ang ngitian nilang 'yon na hindi pa rin maalis-alis hanggang ngayon, Luca spun the bottle once again.
Tumapat ang ulo no'n sa kanya. While the other end is being pointed to Rex as the one who'll ask the question or dare him things.
"Truth or dare, Luca?" the face that this guy's making is disgusting me. Pakiramdam ko ay masyado siyang nadala sa hirit niya kanina at ngayon ay may pinaplano siyang hindi maganda.
I looked at Luca. "Dare..." nakangiti nitong sagot. Napakunot ang noo ko.
"Well..." I glanced at Rex. He bit his lower lip. while looking at Luca. Ngayon pa lang ay hindi na maganda ang kutob ko. "I dare you kiss me here..." he pointed his lips.
Luca was surprised from what he just heard.
And even I was surprised.
Masama ang tingin ko kay Rex after hearing what he just dared to Luca. I clenched my fist. Pakiramdam ko ay unti-unting kumukulo ang dugo ko.
But when I saw Luca slowly moving his head closer to Rex as if he's really going to kiss him, I've lost it.
Hindi na ako nakapagpigil pa.
Bago niya magawa ang dare na 'yon, tumayo ako and gave Rex what he deserved.
A punch.
- End of Chapter Twelve -