L U C A
Tumigil na kayong dalawa!
Pauli-ulit akong sumisigaw habang patuloy si Zig at Rex sa pagsusuntukan. Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na to. Hindi sila nakikinig sa akin. Parang wala silang pakealam sa ginagawa kong pag-awat sa kanila.
F*ck you, Zig! Rex shouted at him nang pareho silang tumumba sa sahig. Whats wrong with you?!
Pumagitna ako sa kanila at hinarang ang magkabila kong palad sa harap nilang dalawa.They are both gasping for air. Their lips are bleeding.
Ikaw! Zig shouted back at Rex.Whats wrong with you?! You just dared Luca to kiss you! You pervert! nagulat ako sa lakas ng pagsigaw ni Zig. Habang tinitingnan ko ito ay hindi ko maiwasang kabahan dahil this is the first time I saw him like this, galit na galit.
Eh, ano naman sa yo? Boyfriend ka ba niya?! Rex shouted back. Tumayo ito at aktong susuntuking muli si Zig. Tumayo ako agad para pigilan siya.
Could you stop?! I shouted. Pareho ko silang tiningnan. Youre both acting like a kid! inis na inis kong sigaw habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.
Zig glared at me, aktong tatayo ito habang hawak ang dumudugo niyang labi.
Your best friend is the one acting like a kid, Luca. Not me! mariing sabi ni Rex. He punched me first, gumanti lang ako. Hes the one whos being childish here just because of a damn game! dagdag nito.
Game? Cut the bullsh*t, Rex. I looked at Zig, smirking. Aktong lalapit ito but I pushed his chest para umatras siya. Youve planned this, didnt you? Plinano mong laruin tong larong to para makapag-take advantage kay Luca. Tama, di ba? Kasi gusto mo siya, kasi alam mong gusto ka rin niya at alam mo rin na hindi siya tatanggi sa yo. Tama? Tama?!
Oo! napatingin ako kay Rex nang sumigaw ito. Alam kong gusto niya rin ako dahil nararamdaman ko yon. Im being reasonable here and youre not! Luca was totally fine with that dare to kiss me pero ikaw tong hindi makatanggap. Eh, best friend ka lang naman!
When Rex said that, agad akong napatingin kay Zig na otomatikong nag-iba ng timpla. Lalo itong nagalit sa narinig niya. Lalo rin akong kinabahan kaya agad ko siyang nilapitan dahil alam kong susugurin niya si Rex matapos yon.
What did you just say? Zigs eyes are full of anger habang unti-unti itong lumalapit sa direksyon ni Rex.
Zig, stop! Tama na! Ive tried to hold his arms pero malakas ito. Calm the f*ck down! ngunit kahit sumigaw ako ay tila wala itong naririnig.
Totoo naman, di ba? Rex put more wood to the fire. Youre just his best friend, so stop acting like a boyfriend to him!
Rex, shut up! hindi ko na napigilan ang sarili kong sigawan si Rex. Hindi siya nakakatulong para kumalma silang pareho. Hindi ko mapigilang mainis sa kanilang dalawa.
Same to you, Rex! Hindi ka niya boyfriend, so stop acting like one!
Stop, you two!
Aambahan na niya sana si Rex ng suntok pero pumagitna ako bago niya magawa iyon dahilan para masalo ko ang kamao ni Zig. Tumama iyon sa labi ko. I fell off the ground. Nang kapain ko ang labi ko at tiningnan ito, its bleeding.
They are both silenced by it.
L-Luca, I-ImIm sorry I glared at Zig. Umiling ito ng ilang beses suot ang konsensya sa kanyang mukha bago ito tumalikod at nagmadaling umalis papunta sa kwarto.
Naiwan kaming dalawa ni Rex sa living room.
Are you okay? Rex helped me to get up.
Hindi ako okay sa nangyari ngayon. I am surely not okay with this!
Good thing that his maids arent here because it would be an embarrassing scene to see us like this.Nang dahil lang sa truth or dare, nagkagulo na silang dalawa. Whats wrong with them? And whats wrong with Zig? He was so furious. He was angry. Why would he be that angry over a game? Hindi ko maintindihan.
Rex gave me a glass of water.
You shouldnt have said those words to him, Rex. Napailing ako matapos inumin yon. I know, he was wrong for punching you first and Im sorry about that. Pero sana hindi mo na pinatulan pa si Zig when I told the both of you to calm down. Ang sabi ko rito and guilt starts to show on his face.
Pareho kaming naupo sa couch. Kinuha ko ang first aid kit na nasa ilalim ng lamesa.
Im sorry, okay? he said. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko na patulan siya because of his actions. He provoked me with his words. He took the first aid kit from me. Gagamutin kita.
Tumanggi ako at kinuha yon sa kanya. Kaya ko I told him. Youre bleeding too kumuha ako ng bulak at gamot mula roon sa first aid kit at marahang idinampi sa sugat niya.
Napaaray ito nang mahina.
Im really sorry, Luca. Because of what happened, you got hurt. Kita ko ang guilt sa mga mata niya habang idinadampi ko ang bulak sa labi nito. You were right. We never listened to you. Tama ka rin na para kaming bata kung umasta. Inihinto ko na ang pagdampi ng bulak sa sugat niya at tiningnan ko ito nang diretso sa mga mata.
Huminga ako nang malalim bago sagutin si Rex. It wasnt just the both of you, kasalanan ko rin. May parte rin ako sa nangyari. Kung hindi ako kumagat sa dare mo sa akin, hindi sana mangyayari to. I looked at Rex with guilty eyes. I know how much Zig hates you. He never agreed wholeheartedly to go here with me. I just forced him because I really wanted to see you and not just to give your ID back. Pag-amin ko kay Rex. Gusto ko nang maging totoo sa kanya.
Rex held my hand. And Im very thankful for that. He smiled. I understand how much Zig cares for you but this time, he crossed the line. Hindi mo kasalanan yong kanina. I dared you to kiss me and I know, kung gagawin mo yon ay gagawin mo yon dahil gusto mo. He said.
Napailing ako habang tinitingnan si Rex. Binawi ko ang kamay ko sa kanya para ihilamos iyon sa mukha ko. I dont knowI just dont know why he acted like that. Hindi naman siya ganong klase ng tao. He seemed to be a different person earlier. Hindi ko maiwasang paulit-ulit na mapailing dahil sa pagkalito at pag-aalala.
Maybe he was jealous
Napatingin ako kay Rex nang magsalita ito.
Jealous about what? I cant get myself to believe.
Jealous about us...about how you feel about me, about how I feel about you. Rex answered. Napailing ako.
Why would he even get jealous about us? Hes my best friend, Rex. I responded.
And do you honestly think that he only sees you as a best friend? when Rex asked me that question, napaisip ako. I am confused of what to think. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko at kung ano ang paniniwalaan ko.
I stood up.
I need to talk to him. I told Rex. Kalmado itong tumango.
Hindi na ako na ako nagsayang ng oras pa at pumanhik na sa hagdan para puntahan sa kwarto si Zig. This is the only way I could think of to answer everything. Para magkaroon na ng linaw ang lahat.
Hindi naka-lock ang pinto ng kwarto namin kaya mabilis akong nakapasok sa loob.
There, I saw Zig. Nakaupo at nakatalikod habang nakaupo sa kama. I can hear his little sobbing and it stopped when he noticed my presence inside the room.
What are you doing here? he asked. I hurt you and Im sorry. Hindi pa rin ito lumilingon .
Hinayaan ko lang siya sa ganong posisyon habang nakaharap ako sa likod niya. Kumuha ako ng lakas ng loob para kausapin siya...para komprontahin siya.
What happened to you, Zig? I asked him but he didnt respond. Hindi ka naman ganyan. You were not the Zig I know earlier. Bakit kailangan mong gawin yon?
He turned to me and stood up. May luha sa mga mata nito. I can see the anger in those eyes.
Dahil nagseselos ako, Luca! malakas na sagot nito sa akin. Napalunok ako sa gulat after what Ive heard from him. He did confirm what Rex told me. He was right, Zig is jealous. Nagseselos ako dahil ganon-ganon nalang kadali sa yo na tanggapin ang dare niyang yon at halikan siya na parang wala ako tabi mo! he shouted. Tumulo ang luha sa mga mata niya.
I am so overwhelmed with this strange feeling inside me after what Ive heard from Zig. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung iiyak ba ako dahil nakikita siyang umiiyak at puno ng galit ang mga mata o kukumpirmahin ang nabuong konklusyon sa utak ko dahil sa mga sinabi niya.
Yesterday, he confessed to me that he isnt straight. Nagalit ako dahil pakiramdam ko ay itinago niya sa akin yon all these years. Then, I found out that hes in love with a guy but he told me that the guy he was referring to never noticed him. He even told me that I should know who the guy is, the moment he confessed and gave those hints.
Hindi ko na napigilan ang mga luha na kanina pang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata ko. So, its me napatango ako nang marahan habang tinitingnan si Zig. Ako yong lalakeng tinutukoy mo noong gabing nalasing ka. Ako yong tinutukoy mo when you said that the person you love will never going to love you back. Ako yong nagparamdam sa yong hindi ka enough at hindi ka kamahal-mahal patuloy sa pagtulo ang mga luha ko habang sinasabi ang mga salitang yon.
All this time, itinago niya sa akin lahat ng to.
But also, all this time, I never noticed it?
Bakit hindi ko man lang napansin? Bakit hindi ko man lang nakita?
I have loved you since the day we met, Luca he confessed. Hes crying as much as I do. At araw-araw, patago kitang minamahal kahit ang kapalit non ay ang maging best friend mo lang. You were with me since high school at alam kong hindi mo makikita yong pagmamahal ko na yon para sa yo dahil best friend lang ang tingin mo sa akin his words pushed me to cry even more.
For 7 years of being best friends with Zig, hindi ko akalaing aabot kami sa puntong ito. That I will learn that hes secretlyin love with me. That all this time, hindi lang best friend ang tingin niya sa akin.
Im sorry napayuko ako habang umiiyak. Im sorry for not noticing and for being numb all this time..Im sorry. Its justyoure my best friend Zig. I loved you for that but
But thats all you can give humihikbi niyang sabi sa akin. Right, Luca? You just love me for being your best friend and no more than thatright? patuloy kaming dalawa sa pag-iyak.
Zig hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Im lost for words.
Zig nodded slowly as his tears continued to flow.
Pero si Rexisang beses mo lang nakita, minahal mo na. Mariin niyang sabi habang nakatingin siya sa akin. Si Rex na nakasama mo lang nang isang linggo, sigurado ka na. Si Rex na hindi mo pa lubos na kilala pero panatag ka na sa kanya. Pero ako? Ive been with you for 7 long years and yet, you cant even look at me straightly in the eyes the way you look at Rexs his voice cracks as he said those words.
His words cut deep.
Hindi ko mapigilan ang luha kong bumaba matapos marinig ang mga sinabi niya.
Zig I was about to hold his hand but he didnt let me to.
Oo nga pala may luha sa mga mata nitong sabi habang paulit-ulit na tumatango. I am just your best friend.
Hindi na ako nakapagsalita when after he dropped those words, he left the room.
I was left crying in the room.
End of Chapter Thirteen -