ABOT tainga ang ngiti ni Zandro nang malaman niya ang gustong mangyari ni Dennis, sapagkat naaayon sa plano niya ang mga nangyayari. Pangiti-ngiti lamang siya habang nasa biyahe kasama ng driver papunta sa bahay ni Dennis upang ito ay sunduin. "Rita, malapit na kitang mabawi. Hindi na ako makapaghihintay na muli kitang matikman," sabi niya sa kaniyang sarili sapagkat takam na takam na siya upang muli niyang matikman ang dalaga. "Relax buddy, malapit mo nang makita ang playmate mo," muli niyang wika sa kaniyang sarili at sabay hawak sa ari niyang nakapaloob sa suot niyang pantalon at hinimas ito sapagkat naramdaman niya ang pagkabuhay nito. Hindi alintana ng driver kung ano ang ginagawa niya sapagkat nasa likurang upuan siya nito nakaupo habang tahimik na kinakausap ang sarili. Habang

