ILANG oras na ang lumipas simula nang makaalis si Rita sa lumang bahay na iyon kung saan siya dinala ng amain niya upang iharap sa babaeng hindi niya kilala at tinatawag nitong boss. Nakakalayo na rin siya ro'n at mabuti na lang at tatanga-tanga ang amain niya at ang isa pa nitong kasama kung kaya't hindi siya kaagad nakita at nasundan. Hirap pa rin si Rita sa pagkilos sapagkat nakaposas pa rin ang kaniyang mga kamay at hindi niya alam kung paano niya ito tatanggalin. Hindi niya rin alam kung saang lupalop na siya ng bundok naroroon. Halos kakahuyan at talahiban na ang kaniyang binabaybay at wala pa rin siyang makitang tao na naligaw man lang sa bundok katulad niya. Ngunit takot din siya kung sakaling may makakasalubong siyang tao baka kung ano ang gagawin sa kaniya. Kung tutuusin ay s

