Chapter 19: Together forever "Ayoko na Josh ang hirap-hirap naman pala nito." Nakabusangot na reklamo ni Crystal at umupo sa tabi ng binata. Masyado na kasing marami ang nainom niyang tubig dagat sa makailang-ulit na pagsubok sumabay sa alon. "You can do it, try again love." Nakangiting pagpapalakas loob sa kaniya ng binata, dahilan para mapabungtong hininga siya. "Fine. Last try na, sabi mo kasi madali lang. Sinungaling ka! Pukpok ko sa'yo 'tong bwisit na surfboard na 'to eh." Nakangusong sumunod siya sa binata. Kanina kasi ay mukhang napakadali lang ang pagsusurf habang pinapanood niya ang binata. She suddenly had the urge to try it out at malugod naman siyang tinuruan ng binata pero ang ending halos mabusog na siya sa tubig dagat. She realized na mas madali pala itong panoorin kaysa

