Chapter 20: Borrowed time Kinabukasan ay umuwi rin sila para sunduin si Miracle sa bahay ng lola nito. Nangako kasi sila sa bata na ipapasyal nila ito Enchanted Kingdom na nakikita lang ng bata sa isang flyer na pinapamigay. "Hello baby." Pambungad na bati ni Josh sa bata nang ito ang magbukas ng pinto. "Mama! Papa!" Masiglang bulalas ng bata na kapwa nila ikinagulat. "Mama/Papa?" wala sa sariling sabay na napatanong si Josh at Crystal. "Sorry po, ayaw niyo po ba?" Bakas ang kalungkutan sa tinig ng batang napayuko na lang. "It's fine, you can be our baby today. You like that?" Binuhat ni Crystal ang bata at pinugpog nang halik na ikinabungisngis nito. Halos kalahating araw ang ginugol nila sa pagsakay ng mga rides sa EK, hindi na nila sinubukan ang mga matataas at nakakabaligtad ng

