Chapter 17: The Second and the Last

2584 Words

HINDI maiwasang kilabutan ni Emily sa katabing sementeryo kung saan nakaparada ang sasakyan niya. Nagsawa na lang siya sa kasisilip ng oras sa cellphone niya. Di nagtagal, isang itim na sasakyan ang natanaw niyang papalapit sa kanyang kinaroroonan. Hindi na siya nakapaghintay. Bumaba siya ng kotse at inabangan ang paglapit ng mga ito. Pagbukas ng itim na sasakyan, apat na kalalakihan ang lumabas. May kasama silang isa pang lalaki na tila bihag ng mga ito. “Siya na ba ang sinasabi n’yo?” tanong niya sa mga ito sabay senyas na bitawan ang bihag. “Opo, Madam. Siya po si Francis Beldera, alyas Bagang.” Naglakbay ang mga mata ni Emily sa buong katawan ng wanted na lalaki, saka niya ito nilapitan at binati ng mapanukso niyang ngiti. “Don’t worry. I won’t harm you.” “Puwede bang magtagalog

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD