MAGKATABI sa isang bulok na papag sina Roxan at Bagang. Ilang linggo nang hindi lumalabas ng bahay ang lalaki. Lagi lang itong nagkukulong at hindi na rin tumatanggap ng mga dayo na gustong makipagsuntukan dito. Dinaramdam pa rin nito ang pagkatalo kay Matthew. Pakiramdam ni Bagang, nawalan ito ng kredibilidad bilang hari ng lugar na iyon dahil sa nangyari. Sobra itong napahiya, lalo na sa mga tagahanga nito na nakapanood sa laban. “Baby koh, bibili muna ako ng itlog sa tindahan. Wala pa tayong ulam mamayang hapunan, eh,” ani Roxan habang minamasahe ang naka-topless na lalaki. “Itlog na naman? Sawang-sawa na `ko d’yan! Magluto ka naman ng iba!” “Pero wala na tayong pera, baby koh. Ubos na ‘yung natira sa ninakaw kong pera kay Kuya. Kung alam ko lang na matatalo tayo sa casino, hindi ko

