SA KALAGITNAAN ng trabaho ay pumalya ang connectivity sa computer na gamit ni Lauren. Nabura tuloy ang mga update na ginawa niya sa record ng mga employee sa system nila. Agad siyang tumawag sa IT Department para ilapit ang kanyang concern. “Good afternoon, thank you for calling! This is Matthew from IT Department. How can I help you?” Isang kuryente ang naramdaman niyang nagpatalon sa kanyang puso nang marinig ang boses nito. “Matt! This is me, Lauren! Puwede ka bang pumunta rito?” Sa isang iglap lang ay parang napuno ng enerhiya ang katawan niya. “Ah, sige susubukan ko ‘pag may time,” pabirong sagot ng lalaki na bagamat hindi niya nakikita ay alam niyang tumatawa rin sa kinaroroonan nito. “Ay ganoon? So wala ka palang time gawin ang trabaho mo ngayon?” “Joke lang siyempre. Stay ca

