HINDI na halos makilala ang mukha ni Roxan sa tindi ng mga bugbog na tinamo. Ilang suntok, sampal, tadyak at sakal na ang pinakawalan sa kanya ni Bagang. Hindi na rin mabilang ang mga baso at pinggan na binalibag sa kanya nito kaya punong-puno na rin ng sugat ang kanyang balat. Tuluyan nang nawalan ng kontrol ang lalaki. Dumilim na naman ang utak nito dahil sa droga pati sa ilang linggong hindi makapagsugal. Hindi na bago sa lalaki ang eksenang iyon. Ganoon din kasi ang sinapit ng mga naunang babae sa buhay nito. Kahit anong pagmamakaawa ang gawin ni Roxan, parang hindi na nakakaintindi ang lalaki sa lenguwaheng sinasambit niya. Sa pagkakataong iyon ay sinubukan na niyang lumaban. Nang makahanap ng tiyempo ay sinipa niya ito sa bayag. Doon pa lang siya nagkaroon ng pagkakataong makala

