HUMINTO ang sasakyan sa isang tabi. Sa loob ay makikita si Emily na umiikot ang paningin sa masukal na paligid. Dito siya dinala ng address na nakalagay sa information ni Matthew sa Friendbook. Wala pa siyang katiyakan kung malapit na siya sa bahay ng lalaki, pero ang mahalaga nasa lugar na siya mismo kung saan ito nakatira. Wala naman siyang balak makipagkita sa lalaki. Pinag-aralan lang niyang pumunta roon para sa susunod alam na niya kung saan ito pupuntahan. Bumaba siya ng sasakyan para makasagap ng sariwang hangin. Palipat-lipat ang mga mata niya sa paligid para tandaan ang bawat detalye sa lugar. Sa kanyang paglilibot ng tingin ay apat na kalalakihan ang biglang lumapit sa kanya. Tuwang-tuwa ang mga ito habang pinagmamasdan siya. “May naligaw yatang prinsesa dito!” wika ng isang

