Chapter 7: Chaos Begins

1864 Words
SA LABAS pa lang ay dinig na ang sigawan nina Matthew at Roxan. Hindi alintana ng dalawa ang pagsulputan ng mga usyoso sa labas na seryosong nakikinig sa away nila. “Wala ka na bang magandang plano sa buhay mo? Magpapakaputa ka na lang habang buhay?” gigil na gigil ang tinig ni Matthew. “Buhay ko ito, Kuya!” rumaragasa ang mga luha na bulalas ni Roxan. “Wala kang pakialam kahit ano pa ang gawin ko sa sarili ko! Malaki na ako!” “May pakialam ako dahil kapatid kita! Nagbilin si tatay sa ating dalawa na kapag nawala siya tayo ang mag-aalaga sa mga bunsong kapatid natin! Pero ano itong ginagawa mo? Nakikidagdag ka pa sa mga inaalagaan at pinapakain ko! Sa halip na tulungan mo akong mapakain at mapag-aral ang mga bata, isa ka pa sa mga nagpapabuhat!” “So anong gusto mong gawin ko? Magpasalamat sa `yo? Sige! Maraming salamat sa lahat ng ginawa mo! Ngayon huwag mo na akong isali para wala ka nang masasabi!” Lalong tumaas ang boses ng lalaki. “Saan ka humuhugot ng kapal ng mukha para sabihan ako n’yan? Bakit ka ba nagkakaganyan? Dahil ba ‘don sa walang kuwentang lalaki na kinakasama mo? Sisirain mo ang buhay mo dahil lang sa kanya?” “Huwag mong idamay rito ang ibang tao! Wala siyang ginagawang masama sa `yo!” “Sa akin wala! Pero sa `yo meron! Dahil kapatid kita responsibilidad kong protektahan ka laban sa kanya! Ayokong matulad ka sa lalaking iyon na walang direksyon sa buhay! Kaya habang maaga pa, nais kitang ilayo sa mga bagay at taong makakasira sa buhay mo!” “Kung meron mang makakasira sa buhay ko, walang iba kundi ikaw lang, Kuya! Mula nang mawala si tatay at iwan tayo ni nanay, hindi mo na ako binigyan ng kalayaan! Gusto mo ikaw na lang lagi ang masusunod! Porket ikaw ang may trabaho kailangan nakabuntot na lang kami lagi sa `yo! Kaya hindi mo rin ako masisisi kung bakit ako nagrerebelde nang ganito! Kapatid mo lang ako! Hindi mo ako asawa o anak para higpitan mo nang ganyan!” Nilapitan ni Matthew ang babae at kinalog ang mga balikat. “Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Roxan? Hindi mo alam ang sinasabi mo dahil hindi naman ikaw ang kumikilos at nagtatrabaho! Mula pagkabata, wala kang ibang ginawa kundi magpasarap lang sa buhay! Wala ka sa posisyon para magmalaki sa akin ng ganyan!” “Pwes hayaan mo na akong umalis dito! Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Huwag mo na akong isali sa mga binubuhat mo para wala ka na ring pinuputak!” Padabog na tumayo ang babae at nagtungo sa kuwarto. Naabutan nito roon ang tatlo nilang kapatid na kanina pa umiiyak dahil sa tindi ng sagutan nila. Kinuha nito ang isang bag sa taas ng aparador at nilagyan ng kaunting mga damit. “Saan ka pupunta?” Nasa harap na agad ng pintuan si Matthew. “Babalik ka na naman kay Bagang? Sa kanya ka ba pupunta?” “Oo babalik ako sa kanya para mabawasan na ang pabigat sa buhay mo!” Sa inis ni Matthew, padabog niyang binuksan ang aparador at ikinalat sa sahig ang mga damit ng babae. “Sige! Lumayas ka rito! Hindi kita pipigilan! Huwag ka na ring magpapakita kahit kailan! Maglampungan kayo ni Bagang hanggang kamatayan!” “Maglalampungan talaga kame! Magpapagalaw ako sa kanya!” nakuha pang sumagot ni Roxan. “Oo magpagalaw ka hanggang sa mapunit ang mga hita mo! Kapag namatay ka ipalilibing kita!” Lahat ng galit ay ibinuhos na lang ni Matthew sa bibig. Panay pa rin ang pagpipigil niya sa sarili na mapagbuhatan ito ng kamay kahit uhaw na uhaw na ang mga kamao niyang gawin iyon. “Humanda ka sa grupo ni Bagang! Siguradong babalikan ka nila at gagantihan sa ginawa mo sa kanya!” wala sa loob na banta ni Roxan, pulang-pula na ang mga mata sa walang tigil na pag-iyak. “Hindi ako natatakot! Kahit dalhin pa niya ang buong hukbo niya rito hindi ko sila uurungan!” “Wala kang laban sa kanila kapag nagsama-sama sila!” “Kahit magsama-sama pa kayong lahat hindi n’yo ako kaya! Baka pagbubuhulin ko pa ang mga leeg n’yo! Kaya umalis ka na rito kung ayaw mong sa `yo ko unang gawin ‘yon! Layaaas!” Naubusan na ng sasabihin si Roxan kaya piniling lumabas sa kuwarto. Doon lang nito napansin ang mga taong nagkukumpulan sa harap ng kanilang bahay. Lalo itong nakaramdam ng hiya sa sarili. Ni hindi na nito nadala ang mga damit na ibinato ng kapatid sa sahig. Ang bitbit nitong bag na may kaunting gamit ang tanging naisama nito sa paglabas ng bahay. Sa labis na kahihiyan ay napilitan itong kumaripas ng takbo para agad makalayo sa mga tao. Si Matthew naman ay hindi na lumabas ng kuwarto. Napaupo na lang siya sa higaan habang katabi ang mga bata na umiiyak pa rin. Pati siya ay nakiiyak na rin sa mga ito. Hindi niya akalaing tutulo muli ang kanyang luha na huling nangyari noong mawala ang kanilang ama. At lalong hindi niya akalaing kapatid pa niya ang magbibigay ng pinakamatinding sugat sa kanyang dibdib. Halos durugin siya ng mga salitang binitawan nito. Habang siya’y nilalamon ng pagsisisi sa mga nasabi niya rito, ang babae naman ay tila manhid pa rin at walang ibang tumatakbo sa isip kundi ang sariling kaligayahan. Ito na yata ang pinakamasaklap na sandali ng kanilang buhay. PAGBUKAS ni Donya Victoria sa pinto ng silid, bumungad sa kanya si Emily na umiiyak habang nakasandal sa kama nito. Agad niya itong nilapitan at niyakap. “What happened, Darling? Why are you crying?” “Si Lauren, Lola. Inaway na naman niya ako. Tinutukan pa niya ako ng knife sa leeg kagabi. She almost killed me! Bakit ba kasi hindi mo pa ako sinama kagabi sa lakad mo?” “Oh no! I’m deeply sorry, baby! Don’t worry, I’ll make sure she’s gonna pay for what she did to you. I promise!” pagkasabi ay niyaya niyang tumayo ang babae. “Come here. I wanna show you something.” Sa balkonahe ay nilabas ni Donya Victoria sa maliit na kulungan ang isang dilaw na ahas. Napakalikot nito sa kamay. “Saan galing ‘yan, Lola?” “Hiningi ko lang ito sa isang friend ko na nag-aalaga ng mga exotic pets. Don’t worry, Darling. Walang kamandag ito. Gagamitin lang nating panakot sa kapatid mo para makaganti ka sa ginawa niya.” Sabay na gumuhit ang mapanuksong ngiti sa mga labi nilang dalawa. “This is great, Lola! Tamang-tama, hindi pa siya lumalabas ngayon sa room niya. Gusto ko ako ang gumawa nito. Can I hold the snake?” Dahan-dahan itong ibinigay ng matanda sa kanya. Larawan na naman ng kasamaan si Emily. “Na-miss kong sumigaw sa takot si Lauren. I think this is the right time to make her scream to death again!” Pinasok nga niya ang kuwarto ng kapatid. Habang tulog pa ito, ipinatong niya sa tabi nito ang dilaw na ahas. Saka siya naging maingat sa paglabas upang hindi makalikha ng ingay na magpapagising agad sa babae. Lagpas alas-otso na ng umaga pero malalim pa rin ang tulog ni Lauren. Naalimpungatan lang siya nang maramdamang may gumapang sa kanyang mukha. Pagmulat niya ng mata, tumambad ang isang ahas na agad nagpasigaw sa kanya. Mabilis niya itong naitapon palayo. Tarantang bumangon siya ng kama at napatakbo palabas. Ang lakas ng kanyang sigaw hanggang makarating sa living room kung saan niya naabutan ang mga katulong na naglilinis. Pati ang mga ito ay nataranta sa kanya. “Diyos ko! Ano ba ang nangyari sa `yo, Ma’am Lauren?” anang isang katulong na bakas ang pag-aalala sa anyo. “May ahas po sa kuwarto ko!” “Ano?” sabay na sambit ng dalawang katulong, gulat na gulat. “Puwede po bang pakilinis na lang ang room ko? Make sure na mailabas n’yo ang ahas doon.” “Masusunod po, Ma’am Lauren!” Agad umakyat ang dalawa para gawin ang ipinag-utos niya. Natagpuan ni Lauren ang kapatid na abala sa pagbabasa ng mga history books sa library room. Hindi siya nag-atubiling lapitan ito at tinapon sa sahig ang librong binabasa nito. “Bakit ka naglagay ng ahas sa kuwarto ko!” “What are you talking about? Have you lost your freaking mind? Nananahimik ako rito!” “Huwag kang magmaang-maangan, Emily! Nasa inyong dalawa lang naman ni Lola ang puwedeng gumawa nito!” “Bakit? May proweba ka? Prove it! Show your evidence!” “Hindi ko na kailangan ng ebidensiya para patunayan ang totoo. Kayong dalawa lang naman ang may galit sa akin dito. Sino pa ba sa tingin mo ang puwedeng gumawa no’n?” “Kasalanan ko ba kung napakarumi ng room mo kaya binabahayan ng mga ahas? Baka sa susunod, alakdan na ang gumapang sa mukha mo!” “Sige! Subukan mong magdala ng alakdan o anupamang salot sa kuwarto ko! Oras na mangyari ulit ‘yon, alam ko na kung sino ang pagbibintangan ko!” “Paano kung sabihin kong kami nga ang gumawa no’n, Lauren?” Napalingon silang dalawa sa pinanggalingan ng tinig. Humarang sa liwanag na nagmumula sa labas si Donya Victoria na hawak muli ang pamaypay. Kay Lauren ito lumapit. ”May magagawa ka? Ano sa tingin mo ang balak mong gawin kung sabihin kong kami nga ni Emily ang naglagay ng snake sa kuwarto mo? Sasaktan mo siya? Subukan mo lang, Lauren. Hindi ako magdadalawang isip na ipakain ka sa mga ahas!” “Don’t try me, Lola. Hindi n’yo na ako madadaan sa mga ganyan. Kahit magtulungan pa kayong dalawa, hindi n’yo ako mapapabagsak. Alam ng kapatid ko na wala siyang laban sa akin pagdating sa pisikal na away. Kayo naman, siguro’y alam n’yo na sa sarili n’yo na matanda na kayo, and anytime puwede kayong matumba o tumaas ang blood pressure.” Tumalim ang titig sa kanya ng matanda. “How dare you!” Akmang sasampalin na siya ng donya pero mabilis niyang nasalo ang kamay nito. “I told you, Lola. Don’t let the anger swallow you up. Too much anger is bad for your health. Kapag may nangyaring masama sa inyo, hindi kayo mabibigyan ng pangalawang buhay ng pera n’yo.” Sabay bagsak niya sa kamay nito. Bigla naman siyang sinabunutan ni Emily na nasa likuran. “Who do you think you are, ha? You cannot talk to our lola like that!” Hinawakan ni Lauren ang kamay ng kapatid at ibinaon dito ang mahahaba niyang kuko. Agad ding bumitaw ang babae sa kanyang buhok nang masaktan ito. “You, b***h! Monster!” malutong na mura sa kanya ng kapatid. “Yes! I am a monster. That’s why you need to be careful because I might just kill you,” pambabara ni Lauren sa kapatid. Tinalikuran niya ang dalawa saka lumabas ng library room na parang walang nangyari. “Natututo nang lumaban ang babaeng ‘yon. Lumalakas na ang loob niya. Saan kaya siya humuhugot ng tapang para kalabanin tayo?” mayamaya’y wika ni Donya Victoria habang malaki ang pagkakamulat ng mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD