Chapter 8: Strange Happiness

2378 Words
NAG-ALALA na si Lauren kay Matthew. Ilang araw na kasi itong hindi pumapasok sa trabaho. Tumawag ito noon na hindi muna makakapasok dahil sa trangkaso. Subalit tatlong araw na ang lumipas ay wala man lang itong bagong tawag o text sa kanya. Hindi pa rin ito nagbubukas ng mga social media account. Pagdating ng lunch time, naisipan niyang bumaba sa waiting area na katapat ng back entrance. Doon niya tinawagan ang lalaki para kamustahin ito. Nakailang ring pa iyon bago sumagot. “Oy, kumusta ka na? Ilang araw ka nang walang paramdam, ah. Sobrang nag-aalala na ang mga katrabaho mo.” “Katrabaho o ikaw?” nagawa pang magbiro ng lalaki kahit matamlay pa rin ang boses sa kabilang linya. “Ikaw naman, eh. Oo na pati ako sobrang worried na rin sa `yo. Hindi pa ba magaling ang lagnat mo?” “Ah, Lauren…” may pag-aalinlangan sa tinig ng lalaki. “Oh, ano ‘yon?” “Ang totoo kasi n’yan…wala naman talaga akong lagnat.” “Ano!” hindi niya napigilan ang pagtaas ng boses. “W-what do you mean? Wala kang sakit, ganoon?” “Oo. Tinatamad lang talaga akong pumasok dahil sa hitsura ko ngayon.” Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman at kung ano ang sasabihin. “Para kang ewan! Anong dahil sa histura ang pinagsasasabi mo d’yan? Nagsinungaling ka sa amin na may lagnat ka? Why naman?” “Napaaway kasi ako kaya puno ako ng black eye ngayon. Kung gusto mo puntahan mo `ko rito para makita mo.” ”Hay naku! Ano ba kasi ‘yan! What happened? Bakit napaaway ka?” “Dahil kay Roxan, eh.” “Ano na naman ba ang ginawa ng walang hiya mong kapatid?” “Mahabang kuwento. Punta ka na lang dito kung gusto mong malaman.” “Ewan ko sa `yo! Bakit kasi kailangan mo pang magsinungaling? Wala ka naman palang sakit. Pinag-alala mo pa ang mga katrabaho mo rito!” “Katrabaho o ikaw?” pag-uulit ng lalaki. “Lagot ka kay boss kapag nalamang nagsisinungaling ka!” “Puntahan mo na lang ako mamaya," tila walang epekto rito ang pananakot niya. “Susubukan ko kung hindi ako gagabihin.” “Sige, ingat.” Tinapos din agad ni Lauren ang tawag dahil kumakalam na ang sikmura niya. Inakyat niya ang canteen sa taas para doon kumain kahit ayaw niya roon. Tiniis lang talaga niya ang gutom kanina para matawagan ang lalaki. Ngayon lang siya uli nakakain sa canteen ng kanilang kumpanya. Hindi kasi niya type ang mga lutong ulam doon kaya sa labas lagi sila kumakain ni Matthew. Ngunit ngayong wala ito ay parang tinatamad siyang lumabas mag-isa. “Lauren!” tawag sa kanya ng kasamahan sa office na si Jessica. Ito ang Payroll officer ng department nila. “Bakit dito ka yata kumakain ngayon?” anito at inilapag sa tabi niya ang in-order nitong pagkain. “Actually maglilimang araw na,” masigla niyang sagot dito. “E, bakit nga? Dati sa labas ka kumakain kasama si Matthew.” “Nakikita mo ba siya ngayon?” Matagal bago nakuha ng babae ang punto niya. “Aww! So ibig sabihin ayaw mong kumain sa labas dahil wala si Matthew?” “Hindi naman sa ganoon. Ang init-init kaya sa labas! Masisira ang makeup ko.” “Weh? E, bakit dati lagi ka namang nasa labasan kapag nandito si Matthew? Ang sabihin mo, wala kang ganang lumabas dahil wala siya. Tama ba?” “Sa tingin mo?” she replied in a teased voice. “Sa tingin ko, tama ako!” masiglang sagot sa kanya ni Jessica, sabay kurot nito sa baywang niya. “Aray ko naman! ‘Wag mo ngang uulitin ‘yon! May kiliti ako sa baywang!” “Kasi naman, Sis! Ayaw mo pang aminin. May something ba sa inyo ni Matthew?” Saglit na umurong ang dila ni Lauren. She looked shocked and happy at the same time. “He’s just a friend.” “A friend?” “Yes.” “So tell me, kayo lang ang laging magkasamang kumakain. Hindi rin kayo naghihiwalay tuwing break time. Ni ayaw n’yong makisama sa amin kapag nagtagpo kayong dalawa. Ayaw mong lumabas mag-isa kapag wala siya. Tuwing mapapadalaw siya sa department natin, laging humahaba ang usapan n’yo to the point na mapapagalitan na kayo ni manager. Tell me, Sis. Friendship pa ba iyon o higit na roon?” Hindi na napigilan ni Lauren ang maharot na tawang kanina pa niya pinipigilan. “Grabe ka naman mag-isip! Maliliit na bagay lang ang mga ‘yan. Lahat ng magkaibigan sa mundo ginagawa rin ‘yan.” “Pero parang hindi kayo magkaibigan sa paningin namin. Pati mga office mate natin nakakahalata na rin sa inyo.” “Okay sige. Sabihin na nating friendship na may something.” Napatapik si Jessica sa mesa. “Ayun! Inamin mo rin na more than friendship na ang namumuo sa inyong dalawa!” “Parang ganoon na nga. Pero ayoko namang mag-assume. Baka kasi friend lang talaga ang turin niya sa akin, tapos ako lang itong nag-iisip ng more than friendship. As long as masaya kami habang magkasama then I have no problem with that!” “Naku! Siguradong ganyan din ang nararamdaman niya sa `yo! It’s either nahihiya lang din magsabi ‘yon o baka naghihintayan lang kayo na may maunang umamin!” Nilukot ni Lauren ang noo sa sinabi ng babae. “Paano mo naman nasabi ‘yan? Manghuhula ka ba?” “Sis, hindi kami bulag para hindi makita at maramdaman ‘yon tuwing nakikita namin kayo. Nagkataong pareho lang kayong nahihiya na mag-open ng feelings sa isa’t isa, kaya hanggang ngayon magkaibigan pa rin kayo at hindi nagle-level up!” Hindi na nakasagot si Lauren. Doon lang niya napansing lumalamig na pala ang pagkain sa pinggan kaya dito na niya ibinaling ang atensiyon. Pero aminado siya, naghihintay lang din siyang umamin sa kanya ang lalaki. Hindi kasi niya kaya kung siya ang unang aamin. Parang ang awkward sa pakiramdam kung babae ang unang magbubukas ng damdamin. Hinihintay lang niyang magbukas sa kanya si Matthew, at ganoon din ang gagawin niya rito. KAHIT alam ni Lauren na aabutan siya ng gabi sa pagbiyahe kina Matthew ay ginawa pa rin niya. Hindi siya makatanggi sa inuutos ng utak na bisitahin ang lalaki. May isang bahagi rin sa kanyang puso ang nagtutulak na doon siya dumiretso kahit alam niyang maaari siyang pagsarhan ng gate sa mansyon. Kamakailan lang kasi ay nagbilin ang Lola Victoria nila na pagsapit ng alas otso ng gabi ay ikandado na ang gate. Natagpuan na lang ni Lauren ang sarili na kumakatok sa pinto ng bahay nina Matthew. Hindi niya makita ang nasa loob dahil pati mga bintana ay nakasara. Agad din naman siyang nakarinig ng yabag ng mga paa na tila papalapit sa pinto. Pagbukas nito ay bumungad sa kanyang harapan si Matthew, manipis ang sando, naka-boxer shorts na itim, tadtad ng pasa at sugat sa katawan. Halos hindi rin ito makilala sa kapal ng black eye. “Oh my God! What happened to you?” alalang tanong niya. “Halika muna. Buti dumalaw ka,” nakangiting tugon ng lalaki kahit hirap itong ibuka ang bibig gawa ng mga sugat at pasa. Magkatabi silang umupo sa harap ng TV at doon pinag-usapan ang lahat. Hindi maitago sa mukha ni Lauren ang labis na pag-alala. Hindi nga talaga ito makakapasok sa ganoong kalagayan. Kahit saang anggulo niya tingnan ay kitang-kita ang mga bugbog nito sa mukha. “Bakit naman nakipag-away ka pa sa boyfriend ng kapatid mo kung alam mong halang pala ang bituka no’n? Hindi ka ba natatakot sa mga puwedeng mangyari?” “Wala akong kinatatakutan, Lauren. Saka natalo ko rin naman siya. Bakit pa ako matatakot sa kanya?” “That’s not the point. Paano kung bigla ka nilang balikan dito at barilin na lang sa ulo? Alam mo naman kung paano tumakbo ang isip ng mga ganoong tao ‘di ba? Malay mo ngayon pa lang pinagpaplanuhan na nila kung paano ka gagantihan, lalo na’t ‘hari’ kuno ng lugar nila ‘yung sinasabi mo.” “Walang hari-hari sa akin kapag ako ang nagalit. Kahit bomba pa ang dalhin nila.” “Huwag naman ganyan! Ilagay mo rin sa lugar ang tapang. Minsan kailangan mo ring umatras kung alam mong wala 'yong maidudulot na mabuti sa `yo. Isipin mo na lang, kung may mangyaring masama sa `yo, paano na lang ‘yong mga taong maiiwan mo? Hindi mo ba sila iniisip?” “Wala naman akong ibang iniisip kundi mga kapatid ko lang, saka ikaw.” Hindi alam ni Lauren kung ano ang magiging reaksyon niya roon. Nagpapahiwatig na ba ang lalaki sa kanya? Nagpatay-malisya pa rin siya. “Iyon na nga, eh. Paano na lang kaming mga maiiwan kung mawawala ka?” “Hindi naman ako nawala ‘di ba? Nandito pa rin ako ngayon sa tabi mo.” “Ewan ko sa `yo. Basta huwag mo nang uulitin ‘yon, please! Tandaan mo ‘yung sinabi ko kanina, kapag alam mong wala kang mapapala huwag ka nang makipaglaban. Natalo mo nga siya, ano naman ang napala mo? Wala! Hindi mo rin nabawi ang kapatid mo. Nagkasugat at nagkapasa ka lang sa wala. Ni hindi man na-appreciate ng walang hiyang Roxan na ‘yon ang ginawa mo para sa kanya.” “Kaya nga parang gusto kong makipagsuntukan ulit sa labas. Sobrang dami kasi ng naipong galit sa kalooban ko. Gusto kong ilabas lahat sa kapatid ko pero hindi ko magawa dahil babae siya. Kaya naghahanap ako ng masasaktan ngayon para doon ko maibuhos ang lahat.” “Huwag naman ganoon. Maling mindset ‘yon. Sometimes, it’s better to be silent than to do something that will make the situation worse. Hindi mo kailangang manakit ng ibang tao para lang mailabas ang galit sa loob mo. You just have to rest, cry and sleep until you get better.” “How can I cry if I am a man? Parang ayokong umiyak nang dahil lang sa isang pasaway na kapatid,” anang lalaki kahit alam nito sa sariling naiyak din ito nang gabing palayasin ang kapatid. “Sometimes, crying is the best option to ease the pain. And huwag kang mahihiyang umiyak kahit lalaki ka pa. Hindi nakakabawas ng p*********i ‘yon. It’s a normal emotion that every human has.” “But it didn’t work for me. Nandito pa rin ‘yung sakit at galit. Parang hindi ko ramdam na nabawasan.” “It takes time,” mabilis na sagot ni Lauren saka pasimpleng hinawakan ang kamay ng lalaki na nakapatong sa sarili nitong hita. “Hindi naman mawawala agad ‘yan. It takes time para mabawasan ang sakit. Hindi mo dapat minamadali. Just cry and let it all out. Crying alone in your bedroom is better than hurting somebody.” “Thank you,” may tila pagkamulat sa tinig ng lalaki. “So, hindi mo na itutuloy ‘yung balak mong makipag-away uli?” “Oo, hindi na.” “Paano ako nakakasigurong hindi mo na gagawin?” “Dahil iyon ang gusto mo.” Hindi alam ni Lauren kung ano ang susunod na sasabihin. Basta ang alam lang niya, sobrang saya niya sa narinig. “Paano ba ako makakauwi nito kung ganyan ang kalagayan mo?” mayamaya’y pag-iiba niya. “Bakit? Okay naman na ako, ah?” “Baka kasi pag-alis ko bigla ka na lang mag-amok ng away d’yan sa labas, at makalimutan mo na lahat ng sinabi ko.” “Hindi ko na nga gagawin ‘yon. Saka hindi ko kalilimutan lahat ng sinabi mo.” “Sure ka?” “Oo naman!” “Baka naman mamaya pagtangkaan mo pa ang sarili mong buhay.” Natawa na lang ang lalaki sa kanya. “Iyan ang hinding-hindi ko gagawin. Mahal ko ang buhay ko. Hindi ko ito sasayangin sa mga taong hindi worth it ipaglaban. Saka hindi ako gagawa ng bagay na ikalulungkot mo habang buhay.” Biglang tumalsik ang laway ni Lauren sa dapat sana’y malakas na tawang napigilan lang niya. “Bakit alam mo ‘yung bagay na magpapalungkot sa akin habang buhay?” Nagbitaw ng makahulugang titig ang lalaki. "Alam mo na 'yun. Ikaw rin ang makakasagot n'yan sa sarili mo." Nalukot ang noo niya. "Ganoon pala, huh? So bakit ka pa nagda-drama kanina na makikipagbugbugan sa labas para lang mabawasan ang sakit? Alam mo namang isa rin iyon sa mga nagpapalungkot sa akin, lalo na kapag alam kong may hindi magandang nangyayari sa kaibigan ko.” “Kanina ‘yon pero ngayon nagbago na ang isip ko. Hindi na `ko makikipag-away kung wala itong magandang maidudulot sa akin gaya ng sabi mo.” Ngisi. “Oh yes! Buti naman natatandaan mo pa. So paano na ‘yan, puwede na ba akong umuwi? Maiiwanan na ba kitang mag-isa rito?” “Siyempre naman, huwag ka nang mag-alala sa akin dito. Pero ikaw hindi kita maiiwanan sa labas kaya ihahatid na kita hanggang sa sakayan.” Nauna itong tumayo sa kanya. Sabay na silang lumabas at naglakad patungo sa bayan. Medyo nailang si Lauren sa ingay ng mga tambay sa paligid. Karamihan pa naman dito ay mga lalaki na parang gagawa ng hindi maganda. Mabuti na lang at nasa tabi niya si Matthew kaya alam niyang protektado siya. Hanggang sa makasakay ng tricycle ay hindi nawala ang pamumula ng pisngi ni Lauren habang nilalabanan ang nagwawalang ngiti sa mga labi. Hindi maalis sa utak niya ang ‘friendship na may something’ na nabanggit niya kanina kay Jessica. In short, mutual understanding. Ganito ba talaga ang nararamdaman nila ni Matthew sa isa’t isa? O baka siya lang ang nakakaramdam nito? Hindi kasi niya maintindihan kung bakit sa tinagal-tagal ng panahon ay wala pa ring ‘move’ na ginagawa ang lalaki para i-level up ang mayroon sa kanila ngayon. Totoo nga kaya ang sinasabi sa kanya ni Jessica? Na baka nahihiya lang itong magtapat sa kanya? O pareho silang nahihiya na magtapat sa isa’t isa, at naghihintayan lang kung sino ang unang aamin? Hindi niya alam ang sagot. Basta ang alam lang niya, kakaiba ang saya niya tuwing kasama ang binata. Pareho silang sumasaya kapag kasama ang isa’t isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD