NAKARINIG ng sunod-sunod na katok si Matthew. Nahinto siya sa pag-aayos ng baradong lababo para buksan ang pinto sa sala. Muli siyang kinabahan nang masilayan si Meryl kasama ang anak nila. Parang hindi pa siya handang humarap dito. Pero wala na siyang magagawa. Pinapasok na lang niya ang mag-ina at pinaupo sa dating puwesto nila. “Matthew, isang linggo na ang lumipas. Siguro naman may desisyon ka na,” ani Meryl na tila malaki ang inaasahan sa kanya. Ilang beses siyang napalunok ng laway bago nagsalita. “Meryl, kung anuman ang magiging desisyon ko, sana respetuhin mo.” Gumuhit ang kaba sa anyo ng babae. “Ano na naman ang ibig mong sabihin? Hindi mo na kami babalikan? Pababayaan mo na ang anak natin?” “Hindi ganoon, Meryl. Hindi ko pababayaan ang anak natin. Ibibigay ko lahat ng financ

