Isang linggo ang lumipas matapos ang hatol na habambuhay na pagkabilanggo. Ang bawat gabi ay tila isang taon, at ang bawat umaga ay paalala na ang liwanag ay hindi na para sa akin. Habang nakaupo ako sa gilid ng aking kama sa pregnant women’s ward, pilit kong inuukit sa aking alaala ang mukha ng mga babaeng naging pamilya ko sa loob. Ngunit ang katahimikan ay muling binasag ng kalansing ng susi. "Reyes. Mag-impake ka na. Ngayon na ang paglipat mo," utos ng guwardiya. "Saan?" tanong ko, kahit alam ko na ang sagot. "Sa CIW, sa Mandaluyong. Doon ang final detention facility. Doon ka na maninirahan nang permanente. Tapos na ang pananatili mo rito." Tumango ako nang mahina. Correctional Institute for Women —ang simbolo ng dulo ng aking paglalakbay. Ang lugar kung saan ang mga tulad kong may

