Kinabukasan matapos ang kumpirmasyon ng aking pagbubuntis, nagbago ang ihip ng hangin sa loob ng Cell Number Twelve. Tila unti-unti itong nagiging isang kuta. Maaga pa lang ay gising na si Lanie, at bago pa man dumating ang rasyon mula sa mga guwardiya, may inihanda na siyang "special" na breakfast sa ibabaw ng aking maliit na upuan. Isang pirasong tinapay na galing sa kaniyang sariling tipid na rasyon, isang saging na hiningi o binili niya sa canteen, at isang baso ng mainit na tubig para sa aking matinding pagsusuka. "Kain ka na, Nathalia," malambot niyang sabi habang dahan-dahang umuupo sa tabi ko. "Huwag mong isipin ang lasa. Isipin mo ang lakas na kailangan mo. Hindi na lang ikaw ang pinapakain mo ngayon, kundi ang baby rin." Tiningnan ko ang pagkain, at sa unang pagkakataon sa loob

