Makalipas ang tatlong araw mula nang bumalik ako mula sa impiyerno ng solitary confinement, isang balitang hindi ko inaasahan ang dumating. Kasalukuyan akong naglilinis ng sahig sa hallway, pilit na inilulubog ang aking sarili sa pisikal na pagod para hindi makapag-isip, nang marinig ko ang matigas na boses ng isang guwardiya. "Sandoval! Iwanan mo 'yan. May bisita ka." Napatigil ako. Ang basahang hawak ko ay nanatiling nakadiin sa semento habang unti-unting kumakabog ang aking dibdib. Bisita? Sino ang bibisita sa isang tulad ko? Ang tanging pamilyang mayroon ako ay matagal nang kinuha ng kamatayan. Si Lloyd? Isang mabilis na kislap ng pag-asa ang dumaan sa isip ko, ngunit agad din itong napalitan ng pait. Imposible. Bakit siya pupunta rito? Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko—ang pagtatrayd

