bc

Pulang Laso

book_age16+
234
FOLLOW
1K
READ
dark
tragedy
kicking
mystery
scary
spiritual
like
intro-logo
Blurb

/Makinig sa bawat habilin./

"Oh, anak wag kayong dudungaw o sisilip sa bahay ni Tandang Gresa."

/May limitasyon ang bawat isa./

"Hindi yun mangyayari hangga't buhay ako."

/Maniwala sa nakikita ngunit wag na wag magtiwala./

"Ate, may bata sa loob, baka kung anong gawin sa kanya ni Tandang Gresa. Maniwala ka."

/Wag kang magpapalinlang sa mga salita./

"Makakapaglaro tayo kahit saan, kahit kailan... Habangbuhay."

/Mas mabuting magbigay kaysa ang tumanggap./

"Tanggapin mo ang regalo ko."

/Balot ng misteryo ang bawat bagay./

"Hindi niyo alam na may dalang panganib ang kadiliman!"

/Magbabago ang lahat./

"Nagbago ka na!"

/Rebelyon ang tanging hatid ng galit./

"Kamatayan!"

/Imulat ang mga mata./

"Aaaaaaaaah! H-hindi to totoo!!!"

/Kataksilang hahantong sa pag-aangkin./

"Akin ka Avah! Akin ka!"

/Tumakbo at Magtago man./

"Akala niyo matatakasan niyo ako?"

/Buhay ang tanging kapalit./

"Halika na. Ako na ang kunin mo."

chap-preview
Free preview
Unang Yugto
Malamig ang simoy ng hangin gaya ng inaasahan kapag malapit na ang kapaskuhan.  Abala ang lahat sa kapitbahayanan. May kanya-kanyang gawain at kontribusyon ang bawat isa.  Hindi na nag-iisa ang buwang nakangiti na napalilibutan ng ulap at ang mga bituin na kumukutikutitap. Sa mga kabahayang nakahilera ay umaapaw ang makukulay na palamuti na simbolo ng pagdiriwang sa kapaskuhan. Maraming kilalang tugtog na pangpasko ang maririnig kasabay ang pagkalembang ng mga lata at iba pang materyales na ginamit ng mga musmos na nagkalat para mangaroling. Ngunit sa gitna ng mga masasaya at makukulay na paghahanda ay iisang parte ng lugar ang nananatiling madilim, pinangingilagan at kinatatakutan. Yun ay ang bahay ng matandang babae na nagngangalang Gresa ngunit mas kilala sa kanilang komunidad sa tawag na 'Tandang Bruha.' Sa kadahilanang maraming haka-haka noon pa man na ito ay isang mangkukulam lalo na't minsan lamang ito lumabas sa malaking bahay na tinitirhan at ang hitsura niya ay di ganun kaaya-aya. Sinasabi ring may saltik ito dahil ilang beses na rin siyang nakikitang parang may kausap pero wala siyang ibang kasama.Ang ibang kwento naman ay aswang ito na nangangain ng bata lalo na sa kapaskuhan. Mag-isang namuhay noon pa man at parang laging araw ng mga patay ang atmospera sa bahay. Kahit kailan ay di rin nakitang nakangiti ang matanda at lagi pang sinasamaan ng tingin ang mga bata na napapadaan lamang. Samantala, malapit sa naturang bahay na iyon ay nakadungaw ang isang babaeng paslit mula sa bintana at nakapinta sa bilugang mukha nito ang lungkot habang nakatitig sa walang buhay na bahay ng matanda. Mas nagpapabilog sa mukha niya ang pagkakatali ng kanyang buhok gamit ang pulang laso na bigay pa ng lola niya. "Avah! Halika na rito. Andyan na yung mga kaibigan mo sa labas." Pagtatawag ng kanyang ina sa kanya habang nagdadagdag ng dekorasyon sa dingding. “Opo ito na ma.” Umalis siya sa kinapupwestuhan at sinuot ang pulang panglamig. Mabilis niya ring kinuha sa mesa ang maliit at laruang tambol. "Mag-iingat kayo ng mga kaibigan mo.  Huwag kayong masyado magpapagabi hah Avah. Baka magkasipon pa kayo." Paalala ng ina. "Opo mama." Tugon naman niya at akmang lalabas na para pumaroon sa mga kaibigan ay sumulpot naman ang nakatatanda niyang babaeng kapatid na si Andrea na kabababa lang sa hagdan na puno ng berdeng palamuti. "Ay ate! Magbabahay-bahay kami. Baka gusto mong sumama sa amin mangarolling?" Sabik na tanong niya. "Ako? Tigilan mo nga ko Avah. Para sa mga bata lang ang pangangarolling!" Singhal niya sa kapatid. "Pero…Okey." Nakasimangot niyang sagot. "Ay anak! Nakalimutan ko tuloy sabihin. Wag kayong mangangarolling o dudungaw sa bahay ni Tandang Gresa hah." Pahabol na pabilin ng ina. Napangisi si Andrea, "Baka si Tandang Bruha kamo." "Andrea, ano ka ba naman. Magbigay galang kayo sa matanda. Sige na Avah, wag mo kalimutan ang mga bilin ko. Umuwi nang maaga." "Opo ma." Sa sagot niyang iyon ay pinihit niya na nga ang seradura. Tumambad sa kanya ang mga kaibigan na halo-halo ang reaksyon, may naiinip at nasasabik. "Ang tagal mo naman Avah!" Sambit ng isa sa kanila na ang ngalan ay Miguel. Mas maliit ito sa kanya at parang dwende ang hitsura dahil sa suot suot na berdeng Santa hat. “Pasensya na may mga binilin pa si mama eh.” Nagsimula na silang maglakad-lakad. "Excited na 'ko!" Wika naman ng medyo may kalusugan na si Lorraine. Nakabraid pa ang buhok nito at nakaSanta hat din siya na ang kulay naman ay matingkad na pula. "Lahat naman tayo eh." Tugon ng pinakamatanda sa kanilang apat na si Ryza. Nakatatak sa mga mukha nila ang saya ng nalalapit na araw ng kapaskuhan. Kanta dito, kalembang doon. Tawanan dito, lipat doon. Yan ang paulit-ulit nilang ginagawa sa buong gabi. Marami silang napamaskuhan at nang matapos na ay agad naman silang naghati-hati na sa pera at mga kendi na nakuha nila. Hating kapatid nga ika nila. Nagpagdesisyunan na ng magkakaibigan ang umuwi nang makasalubong sila ng batang lalaki na medyo nangigiyak at takot na takot ang hitsura. Base sa dala nitong materyales na pangtugtog ay nangangarolling ito. Nilapitan nila siya at inusisa. "Bata ayos ka lang ba? Bat ka umiiyak?" Panimula ni Avah. Pinunasan ng bata ang kanyang luha at mautal-utal na nagsalita. "K-kasi yung-yung ano, yung matanda dun sa isang bahay-hay pinagalitan ako t-tas sinigawan ako. N-nakakatakot." Nagkatinginan ang magkakaibigan, parang alam nila ang bahay na tinutukoy ng kapwa paslit nila. “Yun ba yung sa bahay ni Tandang Bruha?" Tanong ni Ryza na medyo nangingilabot. Siniko siya ni Avah bigla, "Ryza, ano ka ba? Sabi ni mama wag daw siya tawaging bruha. Tandang Gresa dapat. Magbigay galang tayo." "Psh. Bruha naman talaga yung matandang yun eh. Alam niyo ba yung Grinch? Siya yun eh! Version yun ng matandang yun na ayaw na ayaw ng pasko at napakasungit! Napakakj!" Bulyaw naman ni Lorraine. "Oo tama! Sabi nga sa akin ng nanay ko! Masama siya! Nangangain nga daw yun ng bata eh. Tapos yung mga laman loob nun iniistock niya sa aparador niya!" Gatong naman ni Miguel. “Nakakatakot! Avah hindi ba halos katapat lang ng bahay niyo yung bahay nila? Buti di kayo natatakot!” Nag-aalalang saad ni Ryza sa kaibigan. “Bihira ko lang naman makita si Tandang Gresa eh. Minsan lang naman siya lumabas.” “Baka kasi marami na siyang stock ng bata run sa loob. Wala ka bang nakikita? Sabihin mo, aswang ba siya?” Muling gatong ni Miguel. "Oy grabe na kayo. Mga kwento-kwento lang naman yan. Umuwi na nga lang tayo. Umuwi ka na rin bata, hayaan mo na lang si Tandang Gresa." Suwestiyon ni Avah na sinang-ayunan ng lahat. Tanaw na ng munting paslit na si Avah ang kanilang bahay na puno ng pangpaskong dekorasyon. Ngunit di rin nawaglit sa kanyang paningin ang walang buhay na bahay ng matanda na kanina lamang ay pinag-uusapan nila ng kanyang mga kaibigan. Napapalibutan na ito ng mga baging at halaman na nakasandal sa mga haligi nito. Ito ay parang antigong bahay o di kaya a abandonadong bahay. Kahit tumataas ang balahibo ay otomatikong humakbang ang kanyang paa patungo roon dala na rin ng kyuryosidad bilang bata. Mas hinigpitan din niya ang pulang laso na nakatali sa buhok sa buhok niya. Hindi niya pa naranasang masigawan o masungitan ng matanda, sa kadahilanang kahit magkalapit lamang ang kanilang mga bahay ay parang may ibang mundo si Tandang Gresa. Malapit na siya sa malaking bahay na iyon, padilim na nang padilim ang daan, at palayo na rin siya ng palayo sa sariling tahanan na hindi niya na alintana. May kung anong nag-uudyok sa kanya na pumaroon. Mas malamig na ang kapaligiran, tahimik maliban lamang sa mga huni ng kuliglig. Marahan siyang dumungaw mula sa labas ng nangangalawang at napakataas na gate. Rinig niya ang sariling hininga. Sobrang dilim at halos wala siyang makita sa malaking bahay. Nakasarado lamang ito. Maya-maya pa ay napansin niya ang biglaang pagbukas ng ilaw sa isa sa mga kwarto sa ikalawang palapag. Pinasingkit niya ng bahagya ang kanyang mga mata para mas lalong makita ang kwarto mula sa kinapupwestuhan niya. Lumipas ang ilang segundo ay namatay ang ilaw muli kaya tuluyan nang nagtagpo ang kanyang mga kilay. Ngunit muli nanaman itong bumukas at akmang babalewalain niya na lamang ito ay may anyo ng isang batang babae na nakadungaw sa kwartong iyon. Nanlaki ang kanyang mga mata. Isang batang babae na nakapostura at nakasuot ng mahabang kasuotan ang marahang kumakaway sa kanya. Tila napako ang mga paa niya sa lupa. Sa ilan pang saglit ay namatay muli ang ilaw at wala na siyang naaninag na kahit ano. Kung kanina ay takot ang bumabalot sa kanya, ngayon ay kalituhan. Hindi niya talaga alam kung ano ang nangyayari ngunit alam niya kung ano ang nakita niya. Halos tumalbog ang puso niya nang may biglang humawak sa balikat niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Pain(Tagalog)

read
353.8K
bc

Erin's Love Story (Tagalog-SPG)

read
42.9K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
183.4K
bc

Lust In Love (Tagalog) SPG

read
866.1K
bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
824.5K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
293.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook