Sobrang naiinip si Chloe ng araw na iyon. Mag-isa na naman siya sa malaking bahay nila. Ang mga katulong naman nila ay busy sa pagluluto at paglilinis kaya hindi rin niya makausap. As always, maaga namang umalis ang mga parents nya sa business trip, pati ang Kuya Paulo niya ay nakita niyang umalis din kanina. Hindi naman niya makontak si Brix at busy pa rin ito sa mga negosyo ng pamilya nito sa Aurora. Napabuga na lang siya ng mahina sa hangin. Is this the kind of life she really wanted? At muli ay sumagi naman sa isip niya si Kuya Paulo niya at ang nalalapit nitong kasal kay Patricia. Mas lalo siyang nakaramdam ng lungkot at kahunggakan pagtapos. Bahagya pang nanikip ang kanyang dibdib saka siya uminom ng tubig sa baso para maibsan ang panunuyo ng kanyang lalamunan. Nang

