Isang mahabang katamikan ang namagitan sa kanilang dalawa at ngayon ay pareho silang nakatingin sa asul na dagat. Hindi naman naging malinaw ang lahat sa kanya ay nakumpirma naman niyang wala talagang nararamdaman ang Kuya Paulo niya para kay Patricia. Gusto niyang malunggot para sa kanyang Kuya dahil wala itong magawa kung hindi ang sumunod sa mga gusto ng mga magulang naming. Kahit na isakripisyo nito ang sariling kaligayahan ay gagawin nito huwag lang mabigo ang mga magulang naming at iyon ang hindi niya kayang gawin para sa kanyang pamilya. Hindi siya naniniwala na sa lahat ng oras at pagkakataon ay kailangan mong piliin ang gusto ng iba para sayo lalo na at doon nakasalalay ang kaligayahan mo. Pero hindi rin niya masisi ang kanyang Kuya paulo, buong buhay ni

