PAULO Agad akong napatayo ng makita ko na bahagyang nahilo si Chloe at muntik na itong mahulog sa kinauupuan nito buti at nakahawak ito sa poste ng kawayan na parte ng kubo na pinag-iinuman namin. Hinawakan ko ito sa bewang para alalayan. "Chloe...are you alright?" narinig kong tanong ni Brix kay Chloe. Hindi ko binitiwan si Chloe at wala akong balak na bitiwan ito ano man ang mangyari. She’s mine. I will take care of her and never let her go. Hindi ko hahayaang ibang lalake ang manatili sa tabi nito, hindi ngayon na nasabi ko na sa kanya ang lahat. She will be mine forever. Kahit na maging kalaban pa naming ang buong mundo ay handa ko siyang ipaglaban kahit kanino. "I'm fine...bigla lang akong nahilo." At gamit ang isa nitong kamay ay napahawak ito sa ulo tanda na marami na itong nain

