Halos ilang oras na rin nakatitig si Chloe sa ceiling ng kanyang kuwarto. Pilit niyang inuunawa ang mga nangyari kanina at ang pinagtapat ng kanyang Kuya Paulo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na hindi sila totoong magkapatid. Na ang lahat ng mga pinagdaanan ng pamilya niya kasama ito ay isa pa lang malaking kasinungalingan. At hindi niya lubusang maintindihan kung pinaglalaruan sila ng pagkakataon. Imposible nga kaya na may nararamdaman siya dito? Lalo ngayon na nalaman niya na hindi niya ito tunay na kapatid? Na miss niya ito ng todo. Kahit na malayo siya dito sa loob ng ilang buwan ay palagi pa rin itong sumasagi sa isipan niya. Kung ano na ang ginagawa nito? Sino kaya ang kasama nito ng mga oras na yun? Kung kailan kaya ang kasal nito kay Patricia, at pagkatapos ay l

