CHLOE "Listen to me Chloe..." Samo ni Kuya Paulo sa akin. Lumapit ito muli sa kinaroroonan ko at sa pagkakataong iyon ay ikinulong na nito ang aking mukha sa dalawa nitong kamay dahilan upang matitigan ko ng maigi ang mga mata nito. Those eyes were full of emotions, may lungkot akong nabanaag doon at tila hindi na ko tuluyang kakilala ang taong nasa harapan ko ngayon. It’s more of I'm with a stranger... Nahihirapan akong titigan ang mga mata nito dahil alam kong may mga bagay pa rin na hindi ko kayang maipaliwanag. Mga bagay na nanatili sa isip ko sa tuwing kasama ko siya oh nakikita nitong mga huling buwan. Ang masamang titig niya sa akin sa tuwing nakikita nitong magkasama kami ni Brix, ang pagiging sobra nitong protective…at ang paraan nito kung paano ito naging isang kapatid sa aki

