Itinapat ni Chloe sa kanyang ilong ang bagong lutong sinigang na pink salmon na iniluto niya. Sempre at nagpatulong siya sa mga chef ng hotel ni Brix. Mukhang kahit papaano ay marami na siyang matutunan sa pagluluto habang namamalagi siya sa Baler. Masaya siya sa tuwing nakakapagluto siya ng bagong dishes mula sa mga sariwang isda na nahuhuli sa dagat ng Baler. Marami na siyang natutunan na mga lutuin at nagpapasalamat siya na mga tumulong sa kanya para maenjoy ang mga bagay na’yun. "Ma'am Chloe...mukhang ang sarap po ng sinigang na salmon na niluto nyo ah." Puri sa kanya ng isang crew na kabatian na rin niya simula ng dumating siya lugar na iyon. Naging malapit siya sa mga empleyado ni Brix dahil na rin sa araw-araw niyang pakikihalubilo sa mga ito. At masasabi niyang hindi siya nakara

