CHLOE Sa isang hotel sa Tagaytay Highland kami tumuloy ni Paulo, bukas na lang daw kami babalik ng Batangas para makapag beach. Mula sa nakakatakot na simula ng biyahe namin hanggang sa nakakatawang pagpapakain ko sa kanya ng mga mais na initapat ko talaga sa aircon ng kotse ay nakaramdam ako ng masayang pakiramdam ng magsimula kaming umakyat ng Tagaytay. Malamig ang hangin at bukod sa naka aircon kami sa kotse ay talagang dama mo ang kakaibang saya na mula sa malamig na simoy ng hangin. May mga punong nagtataasan at ang sarap sa mata na titigan ang malawak na kabundukan. Berdeng mga puno, halaman at maging ang breath taking view ng Taal Volcano ay masisilayan habang papaakyat kami ng Tagaytay. Sa entrance pa lang ng Tagaytay Highland ay kilala na agad si Paulo ng mga guard na nagbaban

