Pagdating nila ng bahay ay instantly na bumalik ang lahat sa kanya. As expected ay gulat na gulat ang kanyang mga magulang sa biglaan niyang pag-uwi na dalawa ni Paulo. "Hija...bakit hindi kami sinabihan ni Brix na uuwi ka na pala? Pati itong kuya mo naglihim din sa amin na may balak na pala na siyang sunduin ka?" bungad na tanong ng kanyang Mommy. "Sinabihan ko po kasi si Brix na huwag na pong banggitin sa inyo ang pag-uwi ko." Napilitan siyang magsinungaling dahil hindi pa panahon para malaman ng mga ito ang tunay na nangyari sa kanila ni Paulo at kung bakit siya biglaang inuwi nito sa bahay nila. "Ganun ba, sayang naman. Did you invite him to visit you if ever he went in Manila?" Tanong muli ng kanyang Mommy. Napatingin muna siya kay Paulo na ngayon ay tahimik lang na nakikinig sa pi

