Malungkot siyang naglakad pabalik ng kuwarto dahil biglang sumama ang pakiramdam niya ng malaman niyang magkasama ngayon sa library ang mga magulang niya kasama si Patricia. Hindi man lang nabanggit sa kanya ni Paulo na pupunta ang babaeng iyon ngayon araw sa bahay nila samantalang hanggang madaling araw silang magkasama at doon ito natulog sa kuwarto niya. May lungkot tuloy na lumukob sa kanya sa kaalamang iyon. Ang usapan nilang dalawa ay walang maglilihim tapos ito ay ginagawa pa rin nito ang gusto nitong gawin, samantalang siya ay puro bawal yun, bawal yan… "Tsssk...hindi man lang sinabi na pupunta ang haliparot na babae na'yun." Bulong niya sa sarili at inis na inis talaga siya. Pahakbang na sana siya sa unang baitang ng hagdan nila ng bigla niyang narinig ang pagtawag ng kanyang Mo

