CHLOE Pareho kaming tahimik ng ilang minuto hanggang sa naramdaman kong inihinto nito ang kotse sa isang tabi ng subdivision kung saan nakatira sila Brix. "What did I tell you?" bigla ay tanong niya sa akin. Nanatiling mariin ang pagkakatitig nito sa akin na para bang ang laki ng kasalanan kong ginawa. Hindi ko maiwasan ang mainis sa mga inaakto nito dahil parang ako pa ngayon ang lumalabas na may kasalanan sa aming dalawa? "Wala akong natandaan na sinabi mo, ano ba yun?" Palaban kong sagot sa kanya. Hindi ako magpapatalo sa mga gusto niyang gawin lalo na at alam kong wala akong ginawang kasalanan sa relasyon namin. "Damn!" Hinampas pa nito ang manubela na hawak dahil sa galit. Hindi naman ako nagulat sa inasta nito, palibhasa at kabisado ko na ang ugali nito. "Paulo...huwag mo akong

