Its been three months when she left her family. Namuhay siya na mag-isa sa Aurora. Malayo sa kanyang mga magulang...at kapatid na si Paulo. Naging tahimik ang pamumuhay niya, she even find time para gawin ang mga bagay na akala nya ay hindi na niya magagawa pa. Like cooking especial foods na natutunan niya sa mga chef na nagtratrabaho sa hotel ni Brix. Maging ang surfing ay nasubukan rin niyang gawin at masasabi niyang iyon ang isa sa mga naenjoy niyang gawin habang nasa Baler. Ang lakas ng alon na dati ay kinatatakutan niya ay ngayon hinahanap-hanap na ng katawan niya. Ang init ng araw sa umaga sa tuwing naglalakad siya sa dalampasigan at namimili ng mga isda na lulutuin sa restaurant ni Brix, lahat ng iyon ay natutunan niya. And it’s because she chose to stay here, sa lugar kung saan p

