CHLOE Maaga akong gumising upang ipaghanda ng umagahan si Brix. Nakiusap pa ako sa isa sa mga head cook ng Hotel na pagmamay-ari nito na kung puwede niya akong tulungan sa paghahanda ng pagkain para sa amo nito, and luckily pumayag naman ito. "Ma'am, curious lang po ako...bakit nyo po ba biglang naisipang ipagluto si sir ng umagahan? Ang bilin nya po sa amin ay pagdadala na lang po kayo ng pagkain kapag nagugutom kayo, baka po magalit siya sa amin." Napakamot pa ito sa batok para ipakita sa kanya ang pag-aalala nito na baka mapahamak ito dahil sa ginawa naming pagpreprepare ng pagkain para kay Brix. "No worries, ako ang bahala sayo." Kinindatan ko pa ito upang bigyan ng assurance na hindi ito mapapagalitan ng dahil sa pagpupumilit kong ipagluto nito si Brix. Sa totoo lang, ginawa ko a

