---- ***Azalea's POV*** - Nakatago ako sa isang sulok, sa gilid ng bakod dito sa kwadra, habang palihim akong sumisilip kina Aiden na kasalukuyang kasama ang mga kaibigan niya, may hila siyang kabayo. Hindi ako makapaniwala na marunong pala siyang mangabayo. Kanina, pagdating niya habang nakasakay pa sa kabayo, halos hindi ako nakahinga. Para siyang isang Greek God na bumaba mula sa langit, sakay ng puting kabayong tila alagad niya. Aaminin ko, talagang humahanga ako sa kanya—hindi lang dahil sa itsura niyang halos perpekto, kundi sa kabaitan niyang ipinapakita sa akin. At kung tutuusin, oo… napanaginipan ko siya kagabi. Siya kasi ang laman ng isip ko mula kahapon-- nang una ko siyang nakita. At heto nga ako ngayon, nagtatago sa likod ng bakod, umaasang muling masilayan siya. Ngunit

