Kung sumunod na mga araw ay parang normal lang buhay ko, paulit-ulit, pakiramdam ko naman ay parang may kulang. Lalo lang akong kinakabahan sa tuwing iniisip ang mga lumilipas na araw. Tatlong araw na no'ng huling makita ko si Andres. Hindi na siya napapagawi roon. Si Garfie naman ay napapadaan lang kung may kailangang bilhin. Sa tuwing ganoon, umaasa ako na makikita ko si Andres na kasama siya, ngunit sadyang kahit anino niya ay hindi ko na makita.
"Anya, may lakad ka ba?" Kung noon normal lang sa akin sa tuwing napapatanong si Mama ng ganito, ngayon... Hindi na kasi alam ko na may kalakip na pagdududa iyon. Kahit di niya sabihin, ramdam ko ang pagiging maingat niya sa akin.
Sino ba naman ang hindi? E ako ang sumira sa tiwala niya sa akin.
"Wala po, Ma." Kahit simple lang naman iyong sout ko. Napapatanong pa rin siya, hindi na 'to tulad ng dati.
Pang-apat na araw, hindi na ako mapakali. Hindi ako sigurado kung nakaalis na si Andres, ngunit umaasa pa rin ako na sana nandoon pa ito ngayon.
Sana...
"Anya," tawag ng nakangiting si Garfie. Naroon ako at nag-aayos ng mga display.
Nalingunan ko na ganoon si Garfie, hawak ang ilang piraso ng mga binili niya. Lumapit siya sa akin. Ganoon na lang ang kabog ng puso ko sa kaba.
"Alam mo ba?" Tanong niya.
Kumunot ang noo ko, at mas lalo pang kinabahan dahil sa bitin na sagot niya.
"A-ah, ano...?"
"Kagabi ang alis ni Drei,"
Muntik pa akong natumba sa panginginig. Gusto kong maiyak, gusto kong mainis. Kasi akala ko hindi pa siya nakakaalis. Pero bakit...?
"Anya."
"Busog pa po ako, Ma."
Oo alam ko na masama ang magtantrums. Lalo na kay Mama, pero hindi ko naman hawak ang puso ko para hindi mainis.
"Galit ka ba?" Kung dati halos hindi ko na maramdaman si Mama, ngayon parang nagbago ang lahat. Parang naging open na ito.
Kung kailan, umalis na si Andres.
Sinabi ko kay Mama, lahat-lahat. Itong nararamdaman ko. Itong pagkalito ko. Itong inis ko. At ang panghihinayang sa hindi pagpapaalam kay Andres.
Naiiyak ako, pero pinigilan ko kasi ayaw ko na makitang ganito ako kahina sa harap ni Mama. At ayaw ko namang sumama ang loob niya dahil sa muli kong pagsuway.
Napabuntong hininga siya at natulala sandali sa sahig. Waring nag-iisip.
Alam ko kahit sabihin ko kay Mama, wala rin namang mangyayari. Ayaw nga ni Mama ng ganito, aasahan ko pa ba ang suhestyon niya?
"Anak..." Tawag niya at tinitigan ako ng malumanay.
"... Gusto mo ba siya?"
Napaawang ang labi ko sa tanong niya. Hindi makakilos sa kaba. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako sigurado kung gusto ko ba talaga siya. Ngunit hindi ko rin naman maintindihan ang sarili kung bakit ganito ga-down ang pakiramdam ko sa tuwing may tungkol sa kanya.
"Pag nasabi mong gusto mo siya... Okay, papayagan kita para sa kanya."
Hindi ko alam kung sasama ba ang loob ko sa sinabi ni Mama. Kasi huli na.
"Hoyyy, babaita! Sigurado ka ba na dito ka mag-aaral?" Tanong ni Jingle habang nasa tapat kami ng Grocery Store ni Mama.
Tumango ako. Ngayon ang alis niya. Hindi ko naman maiwan ang Store dahil sa mga schedule ni Mama.
"Mag-ingat ka ah, don't worry magkikita naman tayo. Saka may internet na!"
Ngumisi ako at muling tumango. Hindi ko alam kung ako ba itong dapat na hindi mag-alala... Gayong siya naman ang pabalik-balik na kumakaway sa akin.
Sa mga sumunod na mga araw, mas lalo lang akong nalulungkot. Wala akong mapagsabihan, hindi pwede si Ate Ka, at lalong hindi naman pwede si Mama. Nalulungkot ako, sobrang nalulungkot. Pakiramdam ko parang napag-iwanan na ako ng lahat.
"'Nak," tawag ni Mama isang araw pagkatapos ko magpaenroll sa isang College school dito sa lugar namin. Isang buwan na ang nakalipas. At pasukan na sa Lunes. Ganoon pa rin, paulit-ulit lang ang ginagawa ko sa buhay. Mas lalo lang akong nalulungkot. Kasi... Kahit aminin ko man o hindi, si Andres ang namimiss ko sa lahat.
"May package ka." Hindi naman nakangiti si Mama, pero kita ko ang kuminang na kung ano sa mga mata niya.
Kahit hindi niya sabihin, alam ko na ikakasiya niya ang ikakasaya ko... Lahit tutol siya... Alam ko na hindi na siya magiging hadlang sa kung anong nais ko kay Andres.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit biglang nagbago ang lahat. Kabaliktaran noon kung paano niya kamuhian ang relasyon namin ni Andres. Bakit... Kaya?
Nakagat ko iyong pang-ibabang labi ko sa init ng natanggap na package. Galing kay Andres.
Dslr... At isang sulat.
Naiiyak ako. Kasi bakit ganoon? Gusto ko na yata siya... Dahil kung hindi, bakit ganito? Bakit di ko mapigilan ang sariling maiyak sa pagkakamiss sa kanya?
Sa sobrang pag-aalala ko, kinagabihan bago ang pasukan bukas. Gumawa ako ng bagong f*******:, ayaw na kasing ma-retrieve no'ng isang ginagamit ko dahil nakalimutan ko na ang phone number noon.
Agad ko hinanap ang pangalan ni Andres. Maraming lumabas, hindi ko alam kung alin ang kanya doon. Hanggang sa napansin ko ang isang natatanging may mukha ko roon.
Agad akong ginapangan ng hiya, at pamumula. Bakit naman kasi mukha ko ang naroon? Naalala ko pa ito, ito yong isa sa mga nakatag na picture ko noon. Yong nakatayo malapit sa pintuan ng Store ni Mama.
Agad akong nagmessage pagkatapos kong pindutin ang 'Add Friend'. Hindi iilang segundo ay naaccept na ito. Nagpop kaagad ang chatbox na galing sa f*******: na ako ang profile. At hindi ko pa man nababasa ay biglang tumunog ang call logo.
Kinabahan ako, kinabog ang puso ko sa sobrang tuwa. Hindi pa nga ako nakakapag-isip ay napindot ko na ang accept.
Halos maiyak ako noong nakita ang itsura ni Andres. Kahit bahagyang madilim... Klaro ko pa rin ang mukha niya. Iyong mukha niyang ilang metro lang ang layo sa akin noon.
"Anya... I missed you so much. I really miss you even now." Ngiti niya ng malumanay.
Agad na nag-init ang mukha ko sa bungad niya, lalo na roon sa kantyawan ng kung sino mula sa background.
Mabuti na lang napansin ko ang headseat na nasa tenga niya. Nakakahiya naman kasi kung maririnig nila ang sagot ko.
"I-I miss you too, Drei." Nanginginig na wika ko. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang mahawakan. Ngunit kasing labo yata ng pagkakataon iyong gusto ko. Malayo si Andres, malayo ako. Kahit payag na si Mama. Napakaimposible pa rin.
"Pasensya na kung napaaga ang alis ko." Wika niya habang nakikita ko siyang naglalakad. Palabas siguro sa tinutuluyan niya, o ano man.
"Nakakasama ka naman ng loob..." Bahagyang simangot ko.
Napatawa ito ng kaonti, iyong tawa niya na masyadong gwapo sa paningin ko. Naiiyak lang ako lalo, ganoon siguro pag umaalpas ang nararamdaman. Para akong sasabog na hindi ko mawari. Hindi ako mapakali, kinakabahan lagi. Kasi gustong-gusto ko siyang makita... Iyong nahahawakam ko. Ngunit sadyang mailap ang pagkakataon. Mahirap para sa sitwasyon namin ngayon.
"Drei... Kailan ba uwi mo?" Nangangasim iyong lalamunan ko patungo sa ilong. Kaya lunok ako ng lunok. Nagpipigil.
"Pag nasabi mo ng gusto mo ako." Pilyong ngiti niya. Yong ngiti na may halong biro.
"I-I..." Nanginginig na wika ko.
Gusto ko ba siya? Gusto ko na yata... Hindi lang dahil iba ang hatid niyang init sa akin. Kundi dahil pakiramdam ko... Siya ang pumupuno sa pagkasabik ko sa pagmamahal. Iyong hindi mapunan ni Ana. Iyong hindi mahahalintulad sa pagmamahal ng isang kadugo.
"I-I like you, Drei."
Napasinok ako sa kaba, natulala sandali si Andres. Yong akala ko na nagbuff ang internet ay siya palang pagkatulala niya.
Sumunod noon ay sumisigaw na siya, iyong kuha ng camera niya ay hindi ko na mawari sa sobrang gulo ng pagkakahawak niya.
Napangiti ako, iyong ngiti na masaya pero nahihiya.
Gusto ko na nga siya...
"Nak, okay na ba 'to?" Tanong ni Mama pagkatapos ipakita sa akin iyong bagong tarpaulin na pinagawa niya para sa Store.
Ngumiti ako at niyakap siya ng mahigpit. Napatawa ito.
"Hmm, dahil ba kay Andres?"
Napatango ako. Kahit nakakahiya. Tumango ako kasi ayaw ko namang magtago ng sekreto kay Mama. Gusto kong malaman niya na lahat. Yon naman ang dapat. Para tuluyan na kaming payagan ni Mama.
Humingi rin naman siya ng pasensya noong nag-usap kami ng masinsinan. Sinabi niyang nagkamali siya sa pangja-judge sa akin at kay Andres.
Hindi naman daw ako katulad ni Ana... Para ikatakot niyang baka isang araw ang gawin ko rin ang ginawang pagsuway noon ni Ana sa kanya.
"Drei..." Tawag ko ng makita siyang abala sa isang bagay na hindi ko naman makita dahil sa limitadong kuha ng camera.
Lumingon siya sa akin. Ngumiti ako saka hinawakan ang screen ng laptop. Para kahit sa ganoong paraan ay pakiramdam ko na hawak ko pa rin siya.
"Uwi ka na." Ngisi ko pagkakita sa kanyang pag-upo sa kama.
Ngumisi siya at naghubad.
Nakakaasar... Nang-aakit na naman ang mokong. Alam naman niyang masyado akong mahina. Dapat no'ng una pa lang ay umiiwas na siya sa ganoon.
"Hmmm. Malapit na." Ngiti niya.
Napangiti na lang din ako at hinawakan iyong tenga ko na parang nag-iinit sa pamumula.
"I wanna kiss you so bad...hm?"
Parang bulong lang iyong pagkakasabi niya kaya napatitig ako ng matagal sa kanya.
Pilyong ngiti... May ibig ipahiwatig.
Napalingon tuloy ako sa pintuan ng silid ko at ng mapagtanto na lock iyon. Dumapa ako sa kama at tumitig sa laptop.
"Drei... Do you wanna do it on cam?"
Baliw na yata ako... Kasi napatawa na lang ako noong umiling-iling siya at tumawa ng malakas habang pinagsasabihan ako kung saan ko natutunan iyon.
Lagot daw ako pagnakauwi na siya... In two months due.