12

1742 Words
Hindi na kami nagtagal pa sa mga rooms namin dahil sa pag-aaya ni Jingle. Tawang-tawa ako kasi parang kanina pa naiinis si Garfie habang hinihila siya ni Jingle. Bagay naman silang dalawa... Mas bagay pa doon sa boyfriend niya na ewan ko kung sila pa ba hanggang ngayon. "Anya... They shouldn't." Napamaang ako noong nilingon si Andres na bahagya akong pinitik sa noo. "Bakit?" Nagtatakang tanong ko habang nililingon sina Bell na kumukuha ng mga pictures, at si Jingle na kinukulit pa rin si Garfie. "May girlfriend na si Garfie. LDR." Napamaang ako at napatango na rin dahil naiintindihan ko. Pareho naman silang may mga kasintahan... Kaya di nga talaga pwede. Naglalakad lang kami habang tinatanaw iyong tanawin. Saka kumain sa isang restobar. Pagkatapos kumuha na naman ng pictures para sa solo at sa boung grupo. Kaya kinagabihan, pagod na pagod ako habang nakadapa sa kama at hinihintay si Andres na umalis sandali. Sabi niya, babalik siya maya-maya lang din. Pumikit lang ako ng isang minuto bago kumuha ng pamalit. Naligo ako dahil sa alinsangan ng panahon na nakuha ko kanina sa labas. Kahit na hindi pwede. Narinig ko na bumukas ang pintuan habang pinupunasan ko iyong basa kong buhok. Nalingunan ko si Andres na may dalang bag. "Tara..." Wika niya at nilapag sa mesa na nasa ibaba ng kama iyong laman ng dala niyang bag. Namilog ang mga mata ko ng matanaw iyong lalagyan ng ice cream. "Bakit?" Nagtatakang tanong ko noong tumabi ako sa kanya. "The heat outside was not really good. Kailangan natin ng malamig." Ngiti niya at pinagpag iyong tabi ng kama. Tahimik lang akong kumakain habang sinisilip si Andres na nanonood ng tv habang sumusubo. "Oh..." Sabay lapit ko noong kutsara sa bibig niya. Ngumisi siya at sinubo iyon. "You're so extra sweet today, Anya." Ngiti niya at inakbayan ako pahapit sa katawan niya. Lumunok ako at kunwaring iniba ang atensyon. Kalma lang... Ang gulo niya! Kainis! Kasi dapat na kinakalma ko iyong sarili ko pero ramdam ko yong pangingiliti ng mga daliri niya na gumuguhit ng kung ano-ano sa braso ko. "Drei..." Mahinang tawag ko. "Why?" Natatawang wika niya habang nilalandi niya ang isa kong braso. Mas lalo lang nag-init ang mukha ko sa pinaggagawa niya. Ang kulit! Nakakadistract. "S-stop na..." Bulong ko habang sinasandal iyong noo ko sa braso niya. "Are you happen to feel... Hot?" Bulong niya sa ulo ko. Nahampas ko tuloy iyong hita niya sa pinagsasabi niya. Di ko alam... Pero ewan, nanlalambot ako sa simpleng ginagawa niya. Di ko alam kung sinasadya niya iyon, o sadyang nang-iinis lang siya. "Tigil na, kung di mo naman kayang ituloy." Wika ko habang humihinga ng malalim. "Straight forward naman." Tawa niya at tinigilan na iyong ginagawa niya sa'kin. "Matulog ka na..." Sabi niya pagkatapos maglinis. Tuyo na rin iyong buhok ko dahil tinulungan din naman ako ni Andres sa pagpapatuyo noon habang nanonood kami ng tv. "Paano ka?" Tanong ko habang inaayos ang sarili sa kama. Tinuro niya iyong ibaba. Kaya nanlaki ang mata ko. "Drei?!" "Wala! Naiihi lang ako." Tawa niya at tumungo ng restroom. Natawa tuloy ako at pumikit. Kaasar ang isang yon. Masyadong pilyo para sa isang katulad ko na marupok. Masarap ang tulog ko nang maramdaman na tunabi sa'kin si Andres. Hinapit niya iyong katawan ko palapit sa kanya. Kaya sumiksik ako patalikod. Narinig ko pa nga ang kaonting ungol niya na parang nasasaktan. Hindi ko alam kung bakit. Pero lutang na lutang na ako dahil sa lalim ng tulog ko. "Good morning!!" Sigaw ni Jingle habang nakatanaw kami sa malawak na karagatan. Sa sobrang ganda ng paligid parang ayaw ko ng umalis sa lugar na'to. Natutuwa ako, kasi maliban sa naeenjoy ko ang paligid kasama ko pa ang mga kaibigan ko. "Tara na..." Hila sa'kin ni Bell pagkatapos naming mag-impake. Hindi ko alam, pero kanina habang nag-aayos ako ng mga gamit. Nakita ko si Andres na parang hindi mapakali at panay ang silip sa hawak na cellphone. Nahuli niya pa akong nakatitig sa kanya kaya ngumisi siya at umiling na parang sinasabi niyang wala lang iyon. Dahil sa ginawa niya... Mas lalo lang akong nagtaka. Alas tres na nang hapon, at bukas pa ang dating namin sa bahay. Sa hapon naman ay may pasok pa ako... Konting orientation lang pagkatapos ay end of the semester na... Magbabakasyon na... Na parang magbabakasyon ako ulit. Pero wala namang ganap. Si Jingle may summer class sa Maynila. Si Bell naman mangingibang bayan. Ako magbabantay sa Grocery Store ni Mama. Si Andres, siguro ay sasamahan ako sa Grocery. Pero sabi niya. May aasikasuhin siya sa kabilang bayan pero babalik naman kaagad. Nagtataka ako kung bakit ganoon... Parang lagi siyang hindi mapakali. Nakakapagtaka nga talaga. Nasa honeymoon si Ate Ka kaya ako lang mag-isa ang nagbabantay sa counter. Total naman ay kumuha na ng isa pang kahera si Mama para sa kabilang counter. Konting panahon na lang kasi ay matatapos na iyong extension ng Store. At mukhang hindi ko na kakayanin pa ang mag-isa pag nangyari yon. Medyo dumadami na kasi iyong suki namin. "Magandang hapon, Anya!" Ngisi ni Garfie at inabot sa'kin iyong hawak niyang Gatorade. "Hindi ba napadaan si Drei dito?" Lingon nito sa paligid. Umiling ako. Kasi napadaan naman talaga kanina si Andres bago umalis. "Ah! Baka iyong negosyo niyang nasa kabilang bayan ang pinuntahan niya." "Nagnenegosyo din ba siya?" Nagtatakang tanong ko. Tumango siya at sinabi iyong building na nasa kabilang bayan na ginawang playing ground. May bowling, billiard saka arcade. Napatango ako at naexcite. "Magaling magpaikot ng pera yang si Drei... Kaya pag nakasal na kayo. Solve ka na!" Natawa ako sa sinabi niya. Wala pa sa isip namin iyon. Saka nag-aaral pa ako. Kailangan ko munang magpokus doon. Ilang taon na lang naman at makakapagtapos na ako. Ano lang ba iyong tatlong taon pa sa paghihintay ko na makasama na nang habangbuhay si Andres? Alas kwatro ng hapon nang dumating si Andres at mukhang pagod ngunit dumaan pa sa akin upang kumustahin ang araw ko. Napangiti ako at inabutan siya ng tubig habang nakaupo kami sa isang table na nandoon. Si Mama ang humalili sa'kin at abala sa kaharap na pc. Wala namang masyadong napapadaan siguro ay dahil bakasyon at may kanya-kanyang lakad ang mga tao. "Okay ka lang ba?" Nagtatakang tanong ko noong nakitang medyo hindi siya makapagpokus sa iniinom na tubig. Ngumiti siya at sinilip si Mama bago dumukwang sa akin para gawaran ako ng mabilis na halik. Kinabahan ako at sinilip si Mama na nakatalikod mula sa'min. "May problema ba?" Kinakabahang tanong ko kalaunan. Napabuntong hininga siya at hinawakan iyong kamay ko na nasa mesa. Iyong katamtamang higpit lamang ng hawak sa kamay ko. Kumabog ng sobrang mabilis ang puso ko habang pinipilit na,wag matakot. Pero hindi ko magawa... Hindi ko alam... Ngunit habang tinititigan ko ng matagal si Andres, parang may problemang namumuo sa mukha niya. Hindi lang dahil napapraning ako kaya ganoon... Pero dahil sa haba ng oras na nilalaan namin sa bawat isa, ramdam ko na may problema. "Just trust me on this, Anya... I will tell you eventually." Palaisipan pa rin sa akin ang huling sinabi ni Andres kagabi. Masyadong malaman para baliwalain ko lang ng ganoon. Kaya nga kinabukasan, lutang na lutang ang pakiramdam ko. Hindi ako makapagpokus sa ginagawa ko kasi inaalala ko pa rin si Andres. Alam ko na may mali... Kahit sabihin niyang magtiwala lang ako sa kanya... Alam ko na kulang pa iyon. "Ma... Please?" Naiiyak ako, at hindi magawang matakot noong pinanlisikan ako ng mga mata ni Mama. Hindi ko nga alam kung saan ko nahugot itong lakas ng loob ko na makiusap kay Mama. Hindi naman ito ang unang beses na makikitulog ako na kasama si Andres. "Anya!" Inis na saway sa akin ni Mama ng makita niya akong papalapit sa pintuan ng bahay namin. Nakagat ko na lang iyong labi ko at naupo sa upuan na malapit sa pintuan. Ayaw ko na suwayin ulit si Mama. Kung pwede lang talaga na payagan niya ako sa bagay na 'to at hindi sana sumama ng ganito ang loob ko. "Gar..." Tawag ko ng makita siyang kumukuha ng mga pagkain sa isang section ng Grocery. Kakagaling ko lang noon sa Restroom at nadatnan ko siya roon. "Anya!" Ngiti niya at lumapit sa akin. Kinabahan ako habang pinipilit ang sarili na tanungin siya ukol kay Andres. Kagabi ko pa siya hindi ma-contact. Sinubukan ko na lahat... Pero wala... Walang sumasagot. Kung sana pinayagan lang ako ni Mama. "A-ano... Nakita mo ba si Drei?" Kumunot ang noo niya na parang nagtataka. "Di ka ba niya tinatawagan?" Turo niya sa akin. Napailing ako at napayuko ng kaonti. Saka muling tiningala siya. "Pero..." Tinuro niya ang labas ng Grocery store bago nagdugtong, "Nakita ko siya kanina na papunta dito..." Napaawang ang labi ko. Nagtataka ako! Ni hindi ko nga siya nasilip man lang sa labas ng store kanina! Halos ayawan ko na ang restroom para lang mabantayan kung mapapadaan si Andres. "Ma... Please... Kahit ngayon lang." Naiiyak na ako pero si Mama nagmamatigas pa rin. Kung gugustuhin ko pwede namang tumakas... Kaso baka mangyari na naman iyong nangyari noon. "Wala ka bang tiwala kay Andres, Anak?" Maya't tanong ni Mama ng tumabi siya sa akin sa upuan. Bukas nag telebisyon pero lumilipad sa kung saan ang isipan ko. "Ma..." Tawag ko at piniga iyong daliri ko sa hiya... Hindi dahil wala akong tiwala kay Andres kundi dahil kahit pinipilit ko iyong gusto ko kay Mama ay narito pa rin siya at kinakausap ako ng maayos. "Alam mo Anya... Pinakiusap ka sa akin ni Andres. Kaya di kita mapayag-payagang umalis at pumunta sa kanya. Kasi... May tiwala ako kay Andres. Sana ganoon ka rin. Kahit di mo alam iyong problema niya, magtiwala ka pa rin." Napapahid ako ng pisngi dahil sa hiya noong lumabas lahat ng sama ng loob ko. Gustong-gusto kong makausap si Andres. Pero wala akong magawa. Kahit naman kasi sinabi na 'to ni Mama... Isa pa rin ang gusto ko. "Anya..." Napabalikwas ako nang bangon nang maramdaman ang yapos ng matigas na braso sa bewang ko... At lalo na dahil narinig ko iyong medyo paos na boses ni Andres. "D-drei..." Kumabog ng sobrang malakas iyong puso ko habang nililingon siyang nasa likod ko at nakahiga. "Matulog na kayo..." At mas lalo pa akong kinabahan ng marinig ko si Mama na nasa pintuan at sinarhan kami ng pintuan. "I love you... You should always remember that... No matter what."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD