11

1445 Words
"Why?" Natatawang tanong ni Andres habang nakahilig ako sa kanya, hindi ko mawari kung insensitive lang ba talaga siya o nakalimutan niya iyong nangyari kaya parang wala lang sa kanya iyong mapagmasid na mga mata ni Jingle. Pumikit ako noong nagtama ang mga mata namin ni Jingle. Guilty ako, kahit na hindi naman kami nakita ni Jingle. Kasi ngaaa... Bakit kasi ginawa niya yon? Halos muntik na akong nakatikim ng... Finger f**k. Nag-init na naman ang bou kong mukha kaya nagtago ako sa likod ng balikat ni Andres. Narinig ko na tumawa siya at hinaplos ang natuyo ko ng ulo. Pagkatapos hinalikan niya ang bunbunan ko kaya napatingin ako sa kanya. "She did not see us, trust me." Ramdam ko yong ngisi niya. Napailing na lang ako at diniin pa ang mukha ko sa likod niya. Ang bango niya, yong naturalesang amoy ng balat at katawan niya naghahalo sa ilong ko. Hindi nakakasawa. "Happy Birthday Anya!" Nabigla ako noong pagbalik ko galing sa public restroom ay naabutan ko iyong halos fireworks na kandila na sumisindi roon. Pagkatapos kinantahan nila ako, nandoon na rin si Mama na ngumingisi. Saktong alas dose ng madaling araw na yon... Ay tumuntong na ako sa edad na desi-nuebe. "Happy Birthday, Nak." Sabi ni Mama at inabutan ako ng regalo. Ngumiti ako at binuksan isa-isa ang mga regalo nila. Natuwa ako kasi mga damit at cellphone na galing kay Mama ang mga natanggap ko. Kaso... "Wala kang regalo?!" Sigaw ni Garfie kay Andres. Ngumisi naman ang huli at nagkamot ng batok. Pagkatapos nagkatitigan kami. Sumimangot ako at nilingon sina Jingle. Tumawa sina Mama at napailing. Hindi naman ako materialistic na tao ngunit iba pa rin kasi pag may natanggap ka na regalo mula sa mga importanteng tao. Mapamura o mapamahal man iyan. "Yan! Kasi walang regalo!" Kantyaw ni Garfie habang nag-aayos kami ng mga gamit. Matutulog na siguro kami at bukas ng hapon namin itutuloy ang selebrasyon. Total naman kinagabihan pa kami uuwi. "Okay ka lang?" Tanong ni Bell pagkatapos kong maglinis ng katawan at magpalit. Humiga ako ng nakadipa sa ibabaw ng kama habang nilingon si Mama na natutulog na ulit. "Talaga bang... Walang regalo si Drei?" Tanong ko kay Bell. Sumulpot naman bigla si Jingle na tumatawa at nag-'oops' ng nakitang natutulog si Mama. "Ewan ko." Ngisi ni Bell. Ngumisi rin si Jingle na akala mo ay naabutan iyong tanong ko. "Dali, beh. May ipapakita kami." Hinila ako noong dalawa. Napabulong tuloy ako sa dalawa kung paano si Mama. Kasi tulog na tulog ito. "Choks lang iyan, may susi naman tayo." Pinakita niya yong susi na dinakwit niya mula sa side table. Saka nila ako hinila papunta sa kabilang silid. "May surprise ba?" Tanong ko bago pa nila buksan ang pinto. Nagkatinginan silang dalawa at napakagat labi. Kasi huli ko na... "Ikaw na bahala, Drei. Huli na tayo e." Tawa ni Jingle saka hinila ang dalawa, si Garfie at Bell, bago tumakbo palabas ng silid. Tumambol naman ng sobrang malakas iyong dibdib ko sa kaba. Parang sasabog. Kasi kaming dalawa na lang ni Andres ang nandito. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na magkasama kami sa iisang silid. Pero ngayon... Halos hindi ako makahinga sa kaba. "Happy Birthday, Anya." Sinangga ko kaagad iyong kamay ko nang dumukwang siya sa katawan ko. "What?" Tawa niya. Sumilip ako at napapahiyang umiiling. Ano ba kasing gagawin niya? "Are we not doing it?" Kunwari simangot niya ngunit kita ko naman iyong umaalpas na ngisi niya sa labi niya. Nanlaki ang mga mata ko. Alam ko naman na matagal ko nang pinaggagawa 'to. Itong pag-alay ko sa sarili ko sa kanya. Pero nabibigla pa rin ako. Tumawa siya at hinawakan ang kamay ko. Kinabahan lang ako lalo. "I can't do that to you Anya. I can touch you anywhere I want to. But I can't penetrate you..." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. "Eh? s*x?" "What?" Natakpan ko tuloy ko iyong bibig ko dahil sa sinabi ko. Tumawa lang siyang lalo. "You're too vulgar." Niyakap niya ako ng mahigpit. "I love you, Anya." Wika niya at may naramdaman akong malamig na bagay sa leeg ko. Yinuko ko iyon at nakita ko ang kwentas na may desinyong bituin na may mga bato. Napanganga ako at hinawakan iyon. "Nahuli lang ang gift ko sa'yo, but I want it special." Wika niya. At niyakap pa ako lalo kaya naipit ang mga kamay ko. "Thank you Drei." Ngiti ko. At humilig sa balikat niya. "It's hot here." Biglang basag niya sa yakapan namin. Kunwari na nagpapaypay siya gamit ang manggas ng damit niya habang nakatukod patalikod sa kama. Tumawa ako. Kasi hindi naman katulad ng kanina itong sout ko. Nakapyjama ako ng bou. Halos balut na balut. At hindi mainit ang ang silid. "Foreplay?" Nalaglag ang panga niya at tumawa ako ng malakas. "Hey! Where did you learn that one?" Nagtatakang tanong niya at umayos ng upo. "Drei... Iba ang College sa Highschool. Aside sa legal na pinag-aaralan ay may mga illegal ding topic ang mga kaklasi ko... Kaya, hindi na rin masama kung may natutunan akong gano'n? I'm no innocent, Drei." Ngiti ko. Tumawa siya at ginulo ang buhok ko. "You're learning bad! With your raging hormones? I think... It will fuel everything when the time comes." Umiling ako at kinuha ang remote para manood ng tv. "Drei, I'm offering myself anytime you want. Pero wag mo lang akong binibigla." Tumawa siya at hinigit ang bewang ko palapit sa kanya. "Now is not the time." Wika niya sa ilalim ng tenga ko kaya napaawang ang labi ko bago lumingon sa kanya. Naaasar ako sa mapang-akit niyang ngiti, iyong halos nagdidilim ang mukha niya kaya lalong gumagwapo. "How's the night?" Bulong sakin ni Bell habang abala si Mama sa orders. Sinipa ko siya sa ilalim ng mesa... Kaya napatawa siya. Alam ko iyong tumatakbo sa isipan niya. Pero lahat ng yon hindi naman nangyari. Kundi halikan lang. Yong mainit na halikan lang. "Ma..." Tawag ko kay Mama ng makita siyang nag-aayos na ng gamit. Ngayon ang uwi namin, Sabado na bukas. At sa Lunes pa ang huling orientation bago talaga ang katapusan ng klasi. Pagkatapos si Jingle nag-aaya patungong Batanes. Hindi ko alam kung paano magpapaalam kay Mama. "May lakad ka ba?" Agad na tanong ni Mama ng makita na hindi ako mapakali. Tumango ako... Ngumiti siya bago nagsabi ng, "Pinagpaalam ka na sa'kin ni Drei. Dalawang araw lang naman daw di'ba?" Tumango ako. s**t! Nakapagpaalam na pala si Andres. Di ko man lang natanong. "Mag-ingat kayo... At saka Anya... Alam ko na matagal niyo nang ginagawa iyon. Pero wag ka munang magpapabuntis please. Wag kang gumaya sa Nanay mo." Nalaglag ang panga ko, ganito ba ang tumatakbo sa isipan ni Mama? Pero... Naisip ko rin. Nahuli nga kami ni Mama noon na nasa iisang bubong. Ano pa bang iisipin niya kundi yon? "Ma..." Tawag ko kalaunan. "Anya, hindi naman kita tinututulan. Alam ko mali itong paniniwala ko, pero mas gusto ko na sa iisang lalaki mo lang gawin iyon. Wag kang tumulad kay Ana. Sa lahat ng aspeto. At saka sa lahat ng nakilala kong naging boyfriend ni Ana noon. Kay Andres ako mas may tiwala. Noon pa man kilala ko na ang lalaking yon. Pero Anya, wag ka munag magpapabuntis. Mag-aral ka, magtapos ka, at magtrabaho ka. Bago ka lumagay sa tahimik." Naiiyak ako sa sinasabi ni Mama. Hindi ko tuloy masabi na wala namang nangyayari sa'min ni Andres. Alam ko na mainit ako pagdating sa bagay na yon. Pero nandyan si Andres, siya ang nagpipigil. Kasi hindi pa ito ang tamang panahon. "Ma... Ingat po kayo. I love you." Wika ko at hinalikan siya sa pisngi nang ihatid namin siya sa Terminal ng bus. Bumyahe naman kami patungong Batanes. Sampung oras ang tagal noon. Pinagpapalit-palitan lang nina Andres at Garfie ang pagdadrive habang kaming tatlo naman ay natutulog sa likod. Umaga na nang makarating kami roon. Naghanap kami ng matutuluyan. Pagkatapos nabigla ako noong pinag-isa iyong silid namin ni Andres. Pareho kaming may bigla sa mukha. Talaga bang kaibigan namin ang mga 'to? I mean, oo nga't nakailang beses na kaming nagtabi pero nakakailang pa rin pag pinagplanuhan ng ibang tao. "Yong pagpipigil ko, parang kasing liit na lang nito." Tawa ni Andres habang pinapakita yong strand ng buhok ko. Tumawa ako. "Natutuwa ka naman?" Natatawang tanong niya. Napailing ako. Saka hinimas ang braso niya kaya napapiksi siya at napalayo sa akin. Mas lalo lang akong natawa. Gino-goodtime ko lang naman siya. Ang sarap niya palang asarin. "Anya... Do not measure my self control." Napapailing niyang wika. At binuksan ang pintuan. Ngumisi akong lalo at sumunod sa kanya. Self control? Drei... I'm always ready.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD