15

1637 Words
Ginutom ako dahil sa pagod kaya umorder ng pizza at chicken legs si Andres. Pulang-pula siya habang nakayuko at kumakain sa kusina niya, nagpipigil naman ako mg ngiti. Anong nangyayari sa isang 'to? Parang kanina lang halos masira namin iyong couch niya sa pag-aalburuto naming dalawa. Sadyang nakakaadik pala ang ganoon. Kung hindi lang sumakit iyong pang-ibaba ko baka hindi na kami tumigil. Natuto na rin kaming dalawa kaya umiwas kami na baka mabuntis na ako mlng tuluyan. "Anya, let me." Wika niya pagkatabi sa akin. Umiling ako at nagpatuloy sa paghuhugas. Ramdam ko ang mga titig niya sa akin mula sa gilid. Iyong titig na parang pinag-aaralan ako. Hindi ko alam kung bakit. O sadyang hindi naman ganoon kundi talagang pinagmamasdan lang ako ni Andres ng matagal? "I love you." Bulong niya at hinalikan ako sa gilid ng labi ko. Napalingon tuloy ako at ngumiti. Kumunot ang noo niya at tumango. Na hindi ko alam kung bakit ganoon ang reaksyon niya. "Doon lang ako sala, sumunod ka na lang." Wika nito at tumalikod. Pagkatapos kung maghugas, nagwalis pa ako sa kusina bago nagpunas ng mga ginamit naming plato kanina. Saka na ako sumunod kay Andres sa sala na nanonood ng larong baseball. "Hm?" Tanong niya ng humilig ako sa kanya. Umiling lang ako at nanood na rin tulad niya. Kinabukasan maaga akong umuwi para tumulong sa Store. Naging abala rin si Andres sa mga sumunod na araw. Pareho yata namin nakalimutan ang mga araw dahil sa pagiging abala naming pareho. Enrollment ng muli kaming nagkita. More than a month ng huling may nangyari. At hindi na nga kami natakot pa ulit dahil 2 weeks ago dinatnan ako. Masakit nga sa puson pero nawawala-wala kasi nandoon si Andres, na siyang pumupunas sa puson ko tuwing dumadaing ako sa sakit. "Sigurado ka?" Tanong niya kalaunan ng sinabi kong hintayin niya na lang ako sa cafeteria at bibilisan ko na lang ang pag-eenroll. Tumango ako. Isang oras ang itinagal ko! Kaya halos takbuhin ko ang cafeteria para makarating lang kaagad doon. Nadatnan ko na kumakain si Andres. At nadatnan ko rin kung paano siya pagtinginan ng ilan. May tumabi pang tatlong babae sa mesa niya. Agad na akong lumapit. "Sorry..." Unang sinabi ko. Tumingala siya at ngumiti saka ako pinatabi sa isang upuan na nandoon. Nagtaka ako noong sinubuan niya ako, kaya nahihiyang napatingin ako sa paligid. Nahuli ko pa na nalaglag iyong panga ng isang kaklasi ko sa isang subject. Pulang-pula yata ako. Kasi hindi ako sanay na ganito kami ka-sweet sa harap ng ibang tao. "Let's eat!" Wika niya kalaunan at nilahadan ako ng kamay. Tumango ako at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya habang papalabas ng cafeteria. Nakasalubong ko pa ang isa kong kaklasi na napakagat labi at napatingin sa katabi ko. "What do you wanna eat?" Tanong niya habang nagbubukas ng pintuan ng sasakyan. "Kakain ka pa ulit?" Tanong ko sabay turo sa kanya at sa loob ng eskwelahan. "Syempre... Kakain ulit ako kasama ka." Wika niyang ngumingisi. Napatawa na lang ako. Sabi ko magdrivethru na lang kami para mas mabilis. Sinusubuan ko siya habang nagdadrive patungo sa bahay. At kami lang dalawa! Si Mama nga pala ay nasa Store, ang humalili sa'kin dahil nga enrollment. Pabagsak akong naupo sa upuan, tumabi rin sa akin si Andres at binuksan ang telebisyon. Napahinga ako ng malalim dahil sa alinsangan at init ng panahon. Napahinga rin ng malalim si Andres kaya napatitig ako sa kanya bago natawa. Natawa rin siya. Masaya pala na may pinagkakatiwalaan kang lalaki. Hindi lang dahil kailangan kundi dahil kusa talaga akong napapalapit at tumitiwala sa kanya. Nakalimutan ko yong kamalasan sa pamilya namin pagdating lalaki. Dahil kay Andres. "Hm?" Tanong ko ng dumukwang siya at pinalis pakabila ang buhok ko. At napaawang ang labi ko ng bumaba iyong labi niya sa leeg ko. Tumatanim ng mumunting halik. Humahagod. Saka didilaan. Halos hinapo ako sa paghinga. Tiningnan ko siya ng humiwalay siya sa akin. Napansin ko ang pagpula ng dalawa niyang tenga. Nagtataka ako. Mainit naman. Pero dapat bang ganoon kapula ang tenga niya para sa klasi ng panahon ngayon? "Bakit?" Takang tanong ko. Umiling siya at muling sumandal sa upuan. Nanonood na lang tv. Kaya mas lalo akong nagtaka. "Bakit nga?" Ulit ko at dinukwang siya na noon ko naman napansin ang paghinga niya ng malalalim. Kinabahan ako at kinapa siya sa leeg. Ngunit parang napapaso itong napalayo. Napaawang tuloy ang labi ko. "May problema ba?" Takang tanong ko. Ngumiti siya, iyong ngiting malumanay. Saka muling umiling. Nag-init ang ulo ko sa ginagawa niya. Gusto ko siyang kurutin kasi ang pabebe. "Drei, hindi ako manghuhula para hulaan kung anong nangyayari sa'yo. Pulang-pula ka na. So please, kung anuman iyan. Sabihin mo na." Nagkatitigan yata kami ng matagal bago bumaba ang mga mata niya sa ibaba kaya napasunod ang mga mata ko roon. At laglag ang panga ko ng datnan ko ang bumubukol sa gitna niya. Horny?! Akala ko ba ako lang nakakaramdam noon? Napatawa tuloy ako. Kasi pagdating sa kanya, ang hirap-hirap niyang hulaan. Ako, vocal akong tao. Sasabihin ko kung ano ang gusto ko. Pero itong si Andres, parang teenager na kailangan pang magpahula. Ngumisi siya, "You know, the last one was a month ago." Nagpipigil naman ako ng ngiti. Asar 'to! Akala ko pa naman wala ng mangyayari kasi pareho kaming naging abala. Pinatay ko na lang iyong tv saka siya hinila paakyat sa itaas. "Drei, pwede mo naman kasing sabihin sa akin." Wika ko at napakagat labi. Tumawa siya. Saka hinimas ang kamay ko na nakahawak sa isa niyang kamay. "This is awkward, Anya. But I really want you... Even more now that I tasted your innocence." Kinilabutan naman ako sa sinabi niya. Sakto namang tinulak ko ang pintuan ang silid ko. Saka mabilis na ni-lock ng nakapasok na ng tuluyan si Andres. Ngumisi siya at hinila ako papalapit sa kanya. "Tumangkad ka." Sabi niya habang sinusukat ang height ko sa ibaba ng chin niya. Ngumiti na lang ako at niyakap siyang mahigpit. "I love you, Anya." Tumahip ng sobrang malakas ang puso ko sa narinig. Parang sasabog. Lagi ko namang naririnig iyong 'I love you' ni Andres noon. Kaso ngayon ewan ko, sadyang malakas ang sipa sa akin para baliwalain o ngitian lang iyon tulad ng dati. "I-I love you, Drei." Pakiramdam ko sumabog ang dalawa kong pisngi sa sobrang pamamanhid at pag-iinit ng mga yon. Kinakabahan ako, ngunit alam ko ang parang tuluyan nang pagkawala ng tinik sa puso ko. "For real?" Mahinang tanong niya sa tuktok ng ulo ko. Tumango ako at niyakap siya ng mas mahigpit. Ramdam ko ang paghaplos niya sa buhok ko, pababa hanggang likod. Ganito lang, kontento na ako. "Anya?" Napadilat ako sa narinig at napamura pa dahil sa tinig ni Mama. Hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko kung sakaling madatnan kami ni Mama na nandito sa silid ko at nagsosolo. "Calm down." Tawa nito at binuksan ang pintuan. Lumabas ako at tinitigan siya bago bumaba ng tuluyan. Si Mama... May kasamang dalaga na sa tingin ko mas bata lang sa akin ng ilang taon. "Si Acey, Anak. Kapatid mo." Napaawang ang labi ko at natakot... Kahit sabihin ko pang napaghandaan at tinanggap ko na ang kapalaran ni Ana sa Maynila... Iba pa rin pala pag nandito na. Sa harap ko... Ang mas piniling tao ni Ana na makapiling kesa sa akin na mas nauna pa sa asawa niya't mga anak. "Lola..." Tawag niya kay Mama ng nagpaalam itong maghahanda lang sa kusina. Sa tono pa lang ng boses niya, parang alam ko na kung anong tabas ng ugali meron ito. "Hindi mo ba ituturo sa akin kung saan ang kwarto ko?" Tanong nito. Hindi naman mataray, simple at plain ang boses ngunit sa klasi ng pag-uutos nito. Alam ko nang hindi ko siya makakasundo. "Ma..." Tawag ko kay Mama pagkatapos kong sabihan si Acey na hintayin lang ako sandali sa sala at magtatanong lang ako kay Mama. "Sa silid mo." Wika ni Mama habang kumukuha ng gulay sa ref. Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Kung ganoon... Hindi ko na yata makakasama si Andres sa isang silid tulad noon? Maliban na lang kung sa kanya nga ako makikitulog. "Saan na po?" Rinig ko ang inis sa boses niya. Nagdadalawang isip akong akyatin si Andres para sana ipaalam sa kanya na nandito ang kapatid ko at kailangan ng may matutulugan. "Lilinisin ko lang ang silid ko----" "Tayo? Nasa iisang room?" Nanlalaki ang mga mata niya habang tinuturo ako pati sarili niya. Alangan tuloy ang ngiti ko ngunit nang marinig ang buntong hininga niya, doon na ako umakyat. "Andres... "Tawag ko sa kanya ng makita siyang nakatayo malapit sa bintana. "Hm?" "Ano... Kasi. Dumating yong anak ni Ana... Dito daw matutulog." Turo ko sa aking silid, naalala ko na naman ang napag-usapan namin ni Mama sa kusina. Dito na raw kasi mag-aaral si Acey, dumadami na sila sa Maynila at hindi na kaya ni Ana ang gastusin... Kahit sabihin pang tumutulong naman si Mama sa problemang pinansyal nila. "Celibate?" Tanong niya kalaunan. Nagtaka naman ako sa sinabi niya habang sinusundan ang malapad niyang likod. "No s*x for the meantime..." Napagalpak ako ng tawa, pati siya napangiti na lang din. "May bahay ka naman, ah... Saka madaming pwedeng tuluyan sa bayan." Ngumisi siya ng lumingon sa akin. "Why not have a quickie today?" Sabay dahan-dahan niyang tinanggal ang sinturon ng pants niya. Napatawa ako at pinigilan siya... Alam ko namang hindi kami maririnig sa labas... Pero magtataka si Acey, kahit sabihin pang quickie lang iyon, kung bakit ako nagtagal sa itaas. "Sa'yo ako matutulog mamaya, please?" Nagpacute ako ng kaonti. Ipinampunas niya naman ang malaki niyang palad sa mukha ko. Hindi ko alam kung pumayag siya o hindi. Ang importante. Anytime pwede akong makitulog sa kanya. Kahit sabihin pang mali iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD